IKATLONG KAPITULO

431 27 5
                                    

IKATLONG KAPITULO

Sabay-sabay at dahan-dahan na pumasok ang magkakaklase sa mansion.

Sobrang makaluma na ang mga gamit sa loob nito. Ang iba ay may nakatakip pa na puting tela habang ang ibang gamit naman ay tila parang pinaluguan ng alikabok sa sobrang dumi. Halatang matagal at luma na din ang mansiong ito.

"Wow! Para tayong nasa horror movies!" bulong ni Christian John sa sobrang pagkamangha.

"Ano ba! Wag ka ngang ganyan!" saway sa kanya ni Diomel.

Tinawanan nalang siya nito. "Duwag na onyok! Ahaha!"

"Ewan ko sayo!"

"Wag nga kayong maingay!" saway ni Pauline sa dalawa.

"GUYS, ANNOUNCEMENT!" sigaw ni Joanna.

Nagsitahimik at nagsilapitan naman sila kina Joanna at Smile.

Maliban syempre sa mga magugulong boys.

"Boys, ano ba! Wag nga kayong maingay! May sasabihin si Smile!" sita sa kanila ni Marielle.

Medyo tumahimik naman ang mga ito.

"Guys, sabi ni Kuya, nasa taas daw yung mga kwarto natin." panimula ni Smile na nakapukaw ng atensyon ng lahat. "Mahahati tayo sa dalawang grupo kasi kailangan na magkahiwalay ang girls sa boys. Boys, yung susi niyo na kay Christian Oliver. Magpahinga muna tayo. Magkita-kita nalang ulit tayo sa dining area mamayang 6."

Sumang-ayon ang lahat at nagpunta na sa kani-kanilang silid.

"Kasama ba natin si kuya?" tanong ni Angelo kay Stan Lee.

Nagkibit-balikat ito at sumagot, "Ewan ko."

"Wow. Ang laki!" bulalas ni Raymar nang makita ang kwarto nilang boys.

"Naks, hindi double deck ang mga kama!" sabi naman ni Mark Jayson.

"Parang yun lang!" siko sa kanya ni Christian Oliver habang tumatawa.

"Ang saya nitong si Oliver. Lol." puna ni Christian John habang namimili ng pwesto.

"Bawal ba tumabi sa girls?" tanong ni JM na may halong konting kalokohan sa tono ng kanyang boses.

"Baka gusto mong masapak nila?" natatawang tanong ni Kevin.

"Lalo na ni Xian?" dagdag pa ni Hope.

"Oo nga! Brutal pa naman ang mga girls." singit ni Jeremiah.

"Edi wow! Ahaha!" tawa nila Renz at France.

"Grabe naman kayo." nagpipigil ng tawa na sabi ni Joshua James.

Tahimik naman na humiga sina Mark Joshua at Lyndon sa kanilang sari-sariling higaan.

"Nakakapagod." buntong hininga ni Mark Joshua. Tumango lang si Lyndon at bahagya pang napangiti.

"Gusto niyo ng graham balls? Nagbaon ako." anunsyo ni James Paul na naging dahilan para magsitakbuhan silang lahat palapit sa kanya.

"Teka. Hindi ko makita." biro ni George nang hindi niya makita si James Paul dahil sa matangkad na si Renz at ang mga patay gutom na kasama nito.

"Ganyan ka naman eh! Lahat nalang hindi mo nakikita! Pati ang pagmamahal ko para sayo!" hugot ni Julius sabay hagalpak sa kakatawa.

"Nako. Don't us." biro ni Christian John.

***

Ilang minuto pa ang nakalipas at naging mapayapa na rin ang kwarto ng boys.

Pero wala pang ilang minuto ng kapayapaan ay nagsalita na si France,

"Guys, mag-ikot kaya muna tayo dito sa mansion? Baka may basketball court din dito!" suhestiyon niya. Sumang-ayon naman ang mga mahihilig maglaro ng basketball, ang mga mahihilig gumala, at ang mga walang magawa, samantalang ang ibang tamad at inaantok ay hindi na sumama.

Nagsimula na sila sa kanilang paglalakbay- sa isang nakakakilabot at misteryosong mansion.

Sa hindi kalayuan ay makikita ang isang pigura ng isang babaeng nakamasid sa mga kalalakihan habang lumalabas sa kanilang kwarto na masayang nagbibiruan at nagtatawanan.

Hindi ito mamukhaan dahil sa dilim na bumabalot sa kanyang kinalalagyan. At dahil na rin sa mga hibla ng kanyang buhok na tinatakpan ang kanyang buong mukha.

Bumuka ang bibig ng nasabing babae. May sinabi siya pero masyadong mahina kung kaya't hindi siya napansin ng mga ito.

"Pagsisisihan nilang nagpunta pa sila sa lugar na ito."

+++

Uh-oh. Who's this mysterious girl ba? :v Anong mangyayari sa boys?

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon