Kaya di mo siya maabot kasi...
"Dude kaya pa?"
*ttiiiiiiiiiicckkk*
Nakangtokwa. Ambakla ko. Aamin lang ako, ba't pa kailangan kabahan.
"Chill ka lang dude!"
Di ko magawang magchill eh. Iba kasi ang pakiramdam pag siya na ang kaharap ko.
"Hoy Troy! Paparating na siya! Wish you luck dude!" sabay flying kiss.
Minsan talaga napapaisip ako kung kaibigan ko ba talaga sila eh. Nakng. Ayan na siya.
"Troy!"
Yun. Tinawag niya na ako. Shoot. Right time!
"Meera. I need to tell you something!"
I saw how her lips form a smile. Nakng nababakla na naman ako.
"Oh. Ano yun?"
Parang awa mo, wag ka ng ngumiti lalo akong kinakabahan.
"Meera. Matagal ko ng gustong sabihin sayo to. Meera. Mahal kita. Sobra."
Nagsmile sya. Hinawakan niya ang kamay ko sabay sabing
"Anong pakulo yan? Haha"
Lintek. Tangna! Epic fail. Ang seryoso ko tapos biglang ganun. Badtrip. Bigla akong nawala sa mood kaya nagpaalam na lang ako sa kanya.
Masyadong pang-asar din yan si Meera eh. Ang galing niyang magchange topic tapos dakilang spoiler ko yan. Kaya hay. Di ko rin siya masisisi.
Basta. Now or never na to. Timang na kung timang. Mahal ko si Meera Gonzales. Aamin ako sa kanya kahit mamatay man ako.
Mamayang lunch time aamin ako.
Hinanda ko na yung mga kakailanganin kong materials sa paggawa ng placard mamaya sa pag amin ko sa kanya.
Sana naman di na ito epic fail.
*Riiiiiiiiiiiiiiing*
Yun! Lunch time na. Sakto! Katatapos ko rin lang! Mula sa kinatatayuan ko tanaw na tanaw ko siya.
Inhale. Exhale. Kaya ko to!
Nasa third floor ako ng isang building dito sa school. Kaharap kasi nito yung building nila.
1
2
3..
Ayun at binuksan ko na yung placard. Naka-hang na ito dun at alam kong kitang kita niya ito!
Nakita kong may kumaway sakin kaya agad akong tumakbo papunta sa kabilang building at hinintay siya. Kaso, tawa siya ng tawa. Lintek. Ang masaklap. Di pala siya yung kumaway sakin. Yung kaklase niya. Lintek.
Epic fail na naman.
Maya maya uwian na pero di pa rin ako nakakaamin. Hay. Wala na atang chance na maging successful ang pag amin ko. Hay. Ambakla ko. Last na talaga. Mamayang uwian.
Di ako nakikinig sa teacher namin. Matalino ako pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Hinihintay ko lang ang pagbell para makaamin na ako.
Hooo. Wag na sanang fail ito.
*Riiiiiiiiiiiiiiiing*
Ayun uwian na. Lumabas na sya ng school. Ako? Eto, sinusundan siya naghihintay ng timing.
Pero sige na kahit anong mangyari aamin na ako.
"Meera!" Lumingon naman siya agad.
"Mahal Kita Meera Gonzales!"
"Asar ka, Troy. Ba't ka nang iiwan? Ba't ba kasi nahagip ka pa ng mga kaibigan mo? Ba't ba kasi kailangan mong mawala kasama ng mga kaibigan mo. Akala ko ba mahal mo ako, pero bakit mo ako hinayaang mag isa dito? Sino na lang kakausapin ko kapag nag iisa ako. Sino na lang ang karamay ko sa problema ko at higit sa lahat sino na lang ang mamahalin ko. Pero huwag kang mag-alala kakayanin ko to. Alang-alang sayo."
*boooooooooooooooooggggggggggsshhhhhhh*
"Dude. Di ko pa kaya. Di ko pa siya kayang iwan. Di ko kayang makita siyang nasasaktan."
"Dude. Tama na! Tanggapin mo na, na wala na. Tapos na ang panahon natin"
"Hindi dude eh. Hindi ako titigil. Ang lapit niya naman ah, pero bakit di ko siya maabot? Ni hindi ko nga magawang punasan ang mga luha niya?"
"Ganito lang yan dude. Ang epic fail mo rin eh. Tapos na ang kwento natin. Tapos na ang palabas. Hindi man maganda ang kinahantungan, at least, yun ang katotohanan. Gising dude! Kailangan mong tanggapin na tapos na ang kwento, para matahimik na rin tayo, limang taon na din ang nakalipas dude. Wake up! Kaya nangyayari ang lahat kasi di ka matahimik, patuloy kang nangangarap na matutupad mo yung kagustuhan mong patuloy siyang mahalin kahit wala na ka na. "
"Bakit dude. bakit." .
"Simple lang yan kasi dude, Kaya di mo siya maabot kahit anong effort mo kasi matagal na tayong patay. Malamang di na nila tayo nakikita."
Kaya naman pala. Nakalimutan ko. Nawala sa isip ko ang katotohanan dahil sa mga ilusyon ko. Paalam, Meera. Paalam. Di man masaya ang kinahantungan ng kwentong ito patuloy pa rin kitang hihintayin. Paalam.
PS. PAGPASENSYAHAN NIYO NA HO KUNG ANG SABAW NG KWENTO. ALIEN HO KASI ANG AUTHOR NIYAN. JK. SAKYAN NIYO NA LANG HO ANG AUTHOR NA MAY SAMPAL SA ULO. JK. BIGLA PO KASING SINAPIAN NG KUNG ANONG KAGA-GAHAN KAYA GANYAN YUNG NANGYARI. YAN HO ANG RESULTA NG KATAMARAN. KAYA NAKUPO HUWAG NIYONG TULARAN ANG KATAMARAN NG AUTHOR. :D BOW. KAYA MARAMI PONG SALAMAT SA NAGBASA NITO, KAHIT ANG EPIC FAIL NITO. HALATA NAMAN SA TITLE DIBA? HAHA BASTA MARAMING SALAMAT KUNG MAY NAGBABASA MAN. ASSUMING LANG.
PS. ALL CAPS YAN, PARA HO INTENSE :DD