59 Seconds

73 1 0
                                    

"Hoy, tabaching ching!"

Tinatawag ako ni Harold, ang bestfriend ko. Tabaching ching pa rin 'yung tawag niya sa akin. Pero kahit naiinis ako dahil kahit payat na ako ngayon at 'yan pa rin ang tawag niya sa akin, natutuwa pa rin ako, no. Kinikilig nga ako. Napangiti tuloy ako ng naalala ko 'yung nangyari dati.

-Flashback 2 years ago-

"Jenica, Jenica." Napangiti ako ng malapad at napaluha ako nang marinig ko ang boses niya. Sa wakas, gising na rin sya. Dalawang buwan na simula nung macomatose siya.

"Hoy, bat ka umiiyak Jenica? Hoy. 'Wag ka nga umiyak, pakiramdam ko tuloy, ako 'yung nagpa-iyak sa'yo." Lalo tuloy akong naiyak. Gosh. Gising na nga talaga siya. Gising na ang bestfriend ko.

Niyakap ko siya sa sobrang tuwa ko. "Hindi talaga ako makapaniwala, Harold. Gising ka na nga talaga." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.

Niyakap niya rin ako pabalik. "Oo naman, syempre magigising pa ako. Ano ba 'yang mga iniisip mo, Jenica? Hindi ko kayo iiwan, hindi kita iiwan. Mahal na mahal kita diba? So hush now, Tabaching ching."

Lalo tuloy akong napaiyak. Parang mayroong something na naramdaman ako, dito oh. Dito sa puso ko. Nagkakagusto na ba ako sa bestfriend ko?

Jusko. Hindi 'to pwede. Hindi pwedeng magkagusto ako sa bestfriend ko. Ayoko, hindi. Hindi pwede.

"Oy, Jenica ga. Ano ba 'yan? Bat ka ba iyak ng iyak diyan? Kuh. Jenica ga. Naiiyak din tuloy ako. Oy tama na. Please?"tapos pinahid nya 'yung luha ko. Lumundag ang puso ko doon. Tapos hinalikan niya ang noo ko. Gosh. Bakit ang sweet niya sa akin? Ano meron?

"Ayaw kitang nakikitang umiiyak, Jenica. Nasasaktan din tuloy ako. Mahal na mahal kita. Bestfriend kita, e."

Tama. Bestfriend. Bestfriend nya lang ako. Kaya hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya, masasaktan lang naman ako, e.

Nangyari na ito sa akin dati, e. Kaso kabaliktarang sitwasyon. 'Yung bestfriend ko dati, bago ko maging bestfriend si Harold, nagkagusto sa akin. Kaso nareject ko siya dahil may gusto akong iba at si Harold 'yun. Sobrang dinamdam niya 'yung nangyari as in. Umalis siya at pumunta nang ibang bansa. Pero bago siya umalis, nagkasakit siya. Nagkalagnat siya ng isang buwan. Noon daw kasing bumagyo ng napakalakas, iyon ay nung nanggaling siya sa amin at umamin sa akin. Tapos hindi daw agad siya umuwi, tas pagdating niya sa kanila, sobrang basang basa siya at sobrang init. Hindi nga daw nila alam kung anong gagawin nila sa kanya.

Kaya simula noon, natrauma na din ako. Sinabi ko sa sarili ko na kahit kailan, hinding hindi ako magkakagusto sa magiging bestfriend ko kung lalaki siya. Ayoko maranasan 'yung naranasan ng bestfriend ko noon nang dahil sa akin.

-End of Flashback-

Pero hindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala lahat ng takot ko na mangyari 'yon. Hindi ko alam kung bakit patay na patay na talaga ako kay Harold, e kahit naman gusto ko siya noon pa man, iba na 'yung kaso ngayon kasi bestfriend ko na siya. Siguro ganoon nga talaga 'pag tinamaan ka na talaga ng pag-ibig. Magpapakatanga ka nalang at handa kang magtake ng risks para sa taong mahal mo. Kaya at handa mo kasing gawin ang lahat para sa ngalan ng pag-ibig.

Kaya simula noong nasigurado kong gusto ko si Harold, ginawa ko ang lahat. Gumagawa ako ng mga bagay na alam kong ikakatutuwa niya. Nag-ubos ako nang nag-ubos ng efforts para sa kanya. I looked so desperate. Pero ganoon naman talaga 'pag nagmamahal diba?

Tanda ko pa noong 13th birthday nya, 4 years ago, oo 13 years old palang kami, gusto ko na siya. So ayun, ako 'yung nag-isip ng surprise para sa kanya. At ako rin 'yung naghanda ng para sa birthday niya.

59 SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon