CHAPTER 36

83 5 0
                                    

Shine's POV

Sobra akong nanghina sa nangyari. Bakit si rain? ako ang pagkakamalan ng mga tao. Hindi ako tulad ng iba, na kayang baliwalain ang lahat. Oo kung titignan mo parang wala lang sakin pero deepinside nahihiya at nasasaktan ako

At isa pa! Ang pangit pa nya kumanta! Hindi naman sa nan-ju-judge ako. E totoo naman e, pumipiyok pa. Halatang pilit at iniipit ang boses.

Jusko, hindi pwede. Iniisip ko palang mga bashers kinakabahan na ako.

Andito kami ngayon sa garden. Kasama namin si sky pero parang wala naman sya dahil ayaw nya akong kausapin.

Si lorene at jane lang ang kinakausap nya.
Wala din akong balita kay mark.

Nakaupo lang kami ngayon habang mugtong mugto na ang mata ko kakaiyak.
lumingon ako sa kanan ko. Andun sila jane at sky. Medyo malayo.

Ano kayang pinaguusapan nila, mayamaya sumakit ang ulo ko.
Sobrang sakit na parang pinipiga.

"OUUCCHH" sigaw ko. Agad naman napatakbo ni jane at sky.
Naka yuko ako habang hawak ko yung ulo ko. Imagine mo! Pinipiga ang utak mo habang pinupokpok yung ulo mo ng martilyo.

Ayaw kong dumilat dahil kapag dumilat ako mahihilo ako at ayokong lumala pa ito.

"Shine ayus ka lang?" Natatarantang tanong ni jane. kahit hindi ako naka dilat. Alam kong hindi lumapit si sky saakin.
May narinig akong parang tumayo. Siguro si sky yun. Hindi ko muna sya pinansin dahil masyadong masakit ang nangyayari ngayon.

Parang may kung anong sumuntok sa puso ko. Sobrang sakit ng ulo ko gusto kong iuntog ulo ko.

May kinuha si jane na gamot at binigay nya saakin to. Kumuha naman si lorene ng tubig.

Minulat ko ang mata ko kaso..

WALA AKONG MAKITA!?
Sobrang labo. Para akong nasa ilalim ng swimming pool na sobrang daming clorine.

Sobrang labo. Tanging kulay lang ang nakikita ko.

"Jane, lorene.. wa-wala kong makita!" Natataranta akong tanong.

"Inumin mo na shine. Please *sob"

umiiyak na sila ni jane at lorene. Ininom ko agad yung gamot at pagkalipas ng 10 minutes.

Onti onting bumalik yung paningin ko. Malabo parin pero hindi naman tulad kanina.

May binigy saakin si jane na salamin. Kinuha ko yun at sinuot.
Umiiyak na ako. At tama nga ako, wala na si sky.

"Ayos ka na ba?" Tanong saalin ni lorene. Inalalayan nila agad ako at inuwi sa bahay.

*****

"Ano nga pala yung tungkol doon sa video" tanong ni jane kay lorene. na excuse na din kami.

Kinwento saamin lahat ni lorene. Naiiyak na talaga ako. Bakit kasi kailangan pa ni rain gawin yun?

Bakit ba sya nagagalit saakin? Wala akong ginagawa.

"... at ngayon shine, galit na galit ang buong school sayo. Dahil hinalikan ni rain si sky na akala nila ay ikaw. Nagtataka lang ako paano naka pasok si rain sa school?" Totoo ang sinabi nya. Naglalakad pa nga lang kami sa hallway pinag bubulungan na ako.

Ano ba intensyon nya? Ano bang kasalan ko sa kanya? Bakit ba sya nag kakaganito?

"Mukhang may kailangan akong kausapin" sabi ko sa kanila. Agad akong tumayo kailangan kong puntahan sila mama at kuya.

Naka rating agad ako sa bahay namin. Dumiretso ako sa kwarto ni mama.

"Ma, pwede ko po ba kayong makausap?"
Medyo naiilang kong tanong.

"Anak nakita ko ang ginawa mo! Bakit mo ginawa yun? Nakakahiya ka!" sigaw nya sakin.

"Ma hindi ako yun. Si rain yun ma"

"Ano ?"

"Oo ma, si rain. Kaya nga po gusto kitang makausap"

Hindi naman kami nag sisigawan. Malaki na din naman ang pinag bago ni mama. Naupo ako sa tabi nya.

"Ma gusto ko po sana syang maka usap. Pero paano po?" Sabi ko sa kanya.

"Anak, ayoko na maglihim pa. Hirap na kong itago ito. Nakakausap ko si rain.. twice a month. kaya din ako nagalit, dahil mahirap lang ang buhay nya. Napabayaan ko sya at hindi nya nadama ang alaga ng isang ina"

"E ma, paano po sya nakakapasok sa dLS ?"

"May umampon sa kanya.. 10 years old palang kayo nun. Alam mo anak, mabait si rain. Yun ang totoo. Kaya intindihin mo nalang"

"Ma paanong mabait? E nakita nyo naman po diba ang ginawa nya saakin!? Sinira nya ang image ko sa buong school!" Hindi ko maiwasan taasan ang tono ng boses ko.

"Anak, para makabawi na din ako. sige, sasabihin ko na kausapin ka nya."

Tumango lang ako. Gusto ko linawin ang lahat ayoko na makipag talo pa at pagod na ako.

"bukas, 8:00 am. Pumunta ka nalang sa park"

"Sige ma. Mauuna na po ako. Mag gagabi na din po"

Umalis na ako doon, gusto ko syang makilala. Gusto ko malaman kung ano ang intensyon nya.

Kinakabahan man ako para bukas pero kailngan ko syang kausapin ..

Ihahanda ko na ang sarili ko.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon