CHAPTER 39

79 3 0
                                    

Jane's POV

Wala kaming teacher ngayon. Si shine naman ay umalis. Di ko na sya sinundan para na din mapaghigatihan ko si hanna at angelo.

"HOY MGA LINTA! Punyeta kayo ah! Subukan nyong awayin ulit ang bestfriend ko! May mangyayari na hindI maganda sainyong dalawa!"

Sigaw ko sa kanila. Pumasok na ako sa loob ng room. Yung mga mukha nila, di maipinta sa takot.

Hindi ako mapakali dahil wala dito si shine at si sky. baka magka world war 3 na kaya tumayo ako at nag lakad para hanapin si shine

may nakita akong nag kukumpulan na estudyante. Ano kaya yun? Kinutuban ako ng masama. Tumakbo ako at sumingit.

Bigla akong napasigaw dahil sa nakita ko. Si shine nasa sahig at naka bulagta at walang malay...

'Na fall si shine kaso walang sumalo. Shet masakit yun!'

agad agad kong nakita si sky. Hinatak ko sya, wala akong paki kung malglag sya sa hagdan. Sure ako sya may gawa nito.

"Hoy! Dalhin natin sa clinic si shine!" Walang reaksyon si sky. Imbles na buhatin nya.

Nilagpasan nya kami. Anak ka ng tipaklong talaga!

"Hoy! Ano?! Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko! Humanda ka!" .

"Di ako natatakot sayo. Bahala kayo"

Tinalikudan nya agad ako. Sinuntok ko sya sa likod nya dahilan para humarap sya.

"Ano ba!?" Sigaw nya.

"Alam mo bang pumasok si
Shine para mag sorry sayo ha?!!! Ano bang problema mo kuya ha? Nakaka inis ka na e!"

Gustong gusto ko sya murahin. Gustong gusto ko sya suntukin. Kaso kapatid ko sya e. Oo tinuturing ko syang tunay na kapatid. Kaso sumosobra na e. Tinabig nya ako.

Pumunta sya sa lugar kung saan naka higa si shine. Hinawi nya yung mga taong nakaharang

Halos lahat tumalsik. Lakas naman neto.

Binuhat nya si Shine, yung bridal style. Tinakbo na namin sya sa ospital kesa sa clinic.

Hindi pa pala nya alam. Bwal ko sabihin kung hindi magagalit saakin si shine

"Umuwi ka na! Di ka nya kailangan!" Sigaw ko sa kanya. So ganon? Kung hindi ko sya sinabihan ng ganon. Di nya dadalhin si shine sa ospital

Umalis sya ng walang sinasabi. Bahala sya. Bwisit sya.

Lumabas ang doktor galing sa emergency room.

"Dok. Kamusta sya?"

"She's on stable now. Konting pahinga lang. About sa mata nya, kailngan na syang operahan kung hindi mabubulag sya."

"Sige po dok. Kakausapin ko po ang pamilya nya. May nahanap na po ba kayong donor?"

"Acctually meron na. Kaso sabi nga ni shine. Ayaw nya, so pwedeng umatras yung donor."

Sana pumayag na si shine. Bakit ba kasi ayaw nya? Ang bait naman nung donor na yun.

Pumunta agad ako sa kwarto ni shine para kamustahin sya. Gising na sya ngayon.

"Shine. Ayus ka na ba?"

"Oo bestie. Alam mo ba kung paano ako napunta dito?"

"Si sky. Nag patulong ako, nag away pa kami bago ka madala dito"

"Sinabi mo ba?"

"Hindi. Sabi mo wag kong sabihin."

"Salamat bestie. Mapagkakatiwalaan ka talaga. Salamat sa care mo."

"Ahm, bestie. Pwede ba na pumayag ka na mag pa opera? Kasi may donor na. Ang problema nalang ayaw mo"

"Ayoko. Ayoko bestie."

Wala akong magagawa kung ayaw nya. Buhay nya yan at kahit bestfriend ko sya, hindi ko sya pwedeng diktahan.

"Wag mo na din ipaalam kay kuya at mama ang nangyari sakin"

Tumango ako bilang pag sang ayon. Nakauwi na kami at nag pahinga na din sya.

Nag vibrate ang phone ko. Tinignan ko kung sino yung nag text kala ko si mark. Hindi pala, si lorene.

From: bebe lorene

> bestie, sama kayo bukas. May fool party ang buong 4th year. 8:00 am. Sa queen fool.<

Sasama pa ba ako? hindi na muna ako nag reply. Pinuntahan ko si shine.

"Bestie, may fool party daw. Ano sasama tayo?"

"Sige bestie. alam ko malapit na ako mabulag kaya susulitin ko na"

"BESTIE! Wag mo nga sabihin yan!"

"Hahaha. Biro lang. Sige sama tayo"

"Are you sure? How about youe eyes?"

"katawan ko ang lalangoy hindi mata."

Kahit na naka pikit sya ngayon dahil ni rerelax nya yung mata nya, nambabara parin.

"Tss. Sige bestie. Babalik na ako sa kwarto ko. Matulog ka na ah. Wag ka na mag cellphone at mag basa ng wattpad."

"yes ma'am"

Umalis na ako doon. Bumalik ako sa kwarto kong pagkalinis linis. Kala mo dinaanan ng yolanda.

Pero ok lang yan. Atleast maganda yung nasa loob. Inayos ko na din ang gamit ko. Pato gamit ni shine.

mag go-grocery na din kami bukas para baon namin. Nireplyan ko na si lorene.

To: bebe lorene

>sige bebe. Sasama kami.<

Send

Nahiga na ako at ipinikit ang mata ko. Dinilat ko agad dahil parang nakita ko si mark.

bakit kapag pumipikit ako sya yung nakikita ko. Naaalala ko yung time na kumakain kami ng fish ball.

Hayyssst. Mark asan ka na ba? 2 weeks na wala ka pa! humanda ka sakin. May aaminin na nga sana ako e!

Unti unting may pumatak sa pisngi kong mga luha. Pinunasan ko agad yun. Pinikit ko ang mata ko at nag relax. hanggang sa maka tulog ako.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon