CHAPTER 37

57 5 0
                                    

Shine's POV

Kakatapos ko palang mag suklay. Aalis na din ako mamaya at pupunta sa park.

Kinakabahan ako, hindi ko na din sinama si jane kahit sobrang kulit nya.

"Handa ka na ba? " tanong saakin ni jane. Parang sasabak naman ako sa gera nito dahil sa tanong nya

"Oo naman ako pa. O bestie, wag ka mag alala. Kaya ko ang sarili ko. At dala ko na din yung gamot na binigay mo saakin"

Dinala ko yung gamot para sa mata ko. Kapag pala malabo ang mata affected din pala ang brain.

Kaya pala sobrang sakit ng ulo ko. Mukha akong nerd ngayon. Hindi na kaya ng contac lence ko ang grado ng mata ko.

Sumakay agad ako ng taxi .. si manong driver nanaman. Sure ako makakausap ko sya dahil masaya ako

"Siguro po alam nyo na kung saan ako pupunta?" Sabi ko.

tumawa naman sya ng mahina.

"Oo iha, masaya ka at kinakabahan, alam kong Hindi ka pa handa pero ano man mangyari. Wag kang magagalit sa kapatid mo"

Paano nya nalaman? Hindi na ako nakapag tanong dahil andito na kami sa park. Nag pasalamat na din ako.

As usuall hindi ako nag bayad. Mabait si manong,driver e.

Walang tao dito. Hindi na to pinupuntahan ng mga tao. Ewan ko kung bakit. Malapit kasi daw dito yung hunted house.

Di naman totoo yun e. Mga tao talaga.

Naupo ako sa lumang bench doon. Maya maya may umupo din sa tabi ko.

Ang awkward lang. Tumingin ako at nahulog ako sa sobrang gulat ng makita ko sya. Madulas kasi ang upuan at palubog sa bwat dulo nito.

Harap harapan. Ang ganda nya at parang naka tingin lang ako sa salamin.

"R-rain?"

Nauutal kong sabi. Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan. Tumayo sya at akala ko tutulungan nya ako.

"Alam mo shine. Masaya akong nakikita kang nahihirapan at nasasaktan! Alam mo kung bakit? Kasi ang laki ng galit ko sayo! Naiingit ako dahil ikaw ang pinili ng mommy and daddy NATIN! Shine, alam mo noon. Hinangad ko magkaroon ng kapatid, pero nung nalaman kong ikaw ang kakambal ko.. na ikaw ang gusto ni sky? Kinasuklaman kita!" straight to the point nyang sabi saakin.

"Rain ano bang nagawa ko ha? Wala kasi akong makitang dahilan. gustong gusto ko malaman kung bakit dahil sirang sira na ang pagkatao ko. Bakit ba galit na galit ka saakin!?"

"Gusto mo malaman shine ha!? Una sa lahat inagaw mo lahat ng atensyon kay mom at dad. Pangalawa, inagaw mo ang mahal ko! Oo shine! Mahal ka ni sky! pero mahal ko din sya! Ako ang unang nagmahal sa kanya pero kahit kelan never nya akong minahal at dahil yun sayo!"

Umiiyak sya sa harapan ko pero halatang pinipigilan nya yun.

"Huwag na huwag kang lalapit saakin. Baka di ako makapag pigil at masaktan kita. Mabait akong tao sa mabait saakin!"

kitang kita mo sa mata nya na galit na galit sya. Naakot ako sa ginagawa nya. Sa mga sinasabi nya.

I want to know her more. Gusto ko syang makilala. kaso wag na daw ako lalapit.

Hindi naman totoo yung sinabi nyang mahal ako ni sky. Tamang napag tripan lang talaga.

Tumayo ako at nag pagpag sa sarili ko. Tinalikuran ko sya ng walang ibang sinasabi.. Galit sa galit ako sa mundo. Bakit ba lahat ng madadali pnapahirap ng tao?

Tumakbo na ako para mapabilis ako ay sa di namamalayang pag kakataon nakabangga pa ko ng lalaki -.-

"Ouch! Sorry po kuya"

Sabi ko. Napaupo ako pero hindi naman ganon kasakit.

"No its okey. sorry din"

Sabi nya infairness ang gwapo nya ah. Tumayo agad ako.

"Teka, ikaw yung babae sa muse and escort pashion show? Yung hinal--"

"Hindi ako yun. Kakambal ko yun."

"ahh. Anyway i'm retlaw"

"I'm shine" nag shake hands kami. Natatandaan ko na sya yung school mate ko. Medyo madalas ko syang makita dahil may pagka famous sya.

Niyaya nya akong maglakad lakad at pumayag ako. Buong oras din halos ay
Naglakad lakad lang kami. Nagkwentuhan about school.

***

Naka uwi na ako saamin. Nalungkot si jane sa nangyari, kahit ako din e. Matagal kong ginusto mag ka ate o kaya mag karoon ng kapatid pero ganun pa ang nangyari.

Sana kasi nagkapalit nalang kami ng sutwasyon para hindi na sila magalit sakin.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon