Si Marcus, isang bata na lumaki sa isang wasak na pamilya. madalas na tila may galit sa mundo, na ibinabaling sa ibang tao ang galit at hinanakit. Wasak man ang pamilya nya, nandoon parin ang suporta at pagmamahal ng magulang nya.
Pinupuntahan sya ng kanyang ama, sila lang ng kanyang ina ang magkasama sa buhay. Sa mata ng iba kahit wasak man ang pamilya nila, ay maganda parin ang buhay nila. Okay naman ang kanyang mga magulang pero sadyang di na nila ginusto pang magkasama sa iisang bahay.
May ibang pamilya na ang kanyang ama, kaya labis nalamang ang galit nya ng iwan sila nito. Hindi man maialis kay Marcus ang galit na iyon, sa lahat ng oras tanging ina nya lamang ang sinasabihan nya ng mga problema. Tanging ina nya lang ang nakapag papaintindi sakanya na kahit ganon ang ngyari sa kanilang pamilya ay ama nya parin yun kahit anu pa man ang mangyari.
May mga oras na naiintindihan nya iyon, pero namumuo parin sa dugo nya ang galit pag naiisip nya ang ngyari sakanilang pamilya. Kaya sa pang araw araw na aspeto ng buhay nya, hindi na nya naiisip na ang lahat ng mga bagay na iyon ay may dahilan. Na may Diyos na hindi napapagod na ingatan sya.
BINABASA MO ANG
My Angel and I (Short story)
Teen FictionPakiramdam na nawala na sayong ang lahat, lalo na ang pamilya mo. Na akala mo patapon na buhay mo. Pero may Diyos na gumagabay sayo, pati narin ang magiging anghel sa buong buhay mo. Pinaghalong istorya ng Pamilya at sa taong Minamahal mo.