"Tessa, I want to tell you something important."
Napabangon na ako mula sa kinahihigaan kong blanket na nakalatag sa damuhan dahil sa sinabing iyon ni Rafael. Tama ba ang narinig ko? May importante raw siyang sasabihin sa akin? Napalunok pa ako bago nakatitig sa gwapo niyang mukha.
"A-ano 'yun, Raffy?" nauutal ko pang tanong.
Ngumiti si Rafael.
Anak ng! Ang gwapo talaga niya talaga lalo na kapag ngumingiti. Para siyang nagko-commerical ng toothpaste sa harap ko.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa iyo eh," sagot niya na nagkakamot pa ng ulo. Pa-cute pa ang mokong! Kung pwede lang na i-fast forward ko na!
Oh my golly! Ito na nga yata ang pinakahihintay ko na sasabihin niya sa akin. Kaya ba ipinagpaalam niya ako kina Papa at Mama na dadalhin dito sa Tagaytay dahil...
Dahil magtatapat na siya ng pagmamahal niya para sa akin?
"Tessa..."
Naramdaman ko ang mainit na palad niya sa ibabaw ng kamay ko. Ilang taon ko na bang hinihintay na marinig ang mga salitang sasabihin niya ngayon sa akin? Tatlo? Apat? Limang taon? Ah! Hindi ko na talaga maalala. Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko bago muling napalunok nang salubungin niya ang mga tingin ko...
"Matagal ko nang gustong ipagtapat sa iyo ito..."
Wala na akong makapang salita na itutugon sa kanya. Bumibilis na ang tibok ng puso ko. Kaba? Excitement? Hindi ko na alam ang nararamdaman o mararamdaman ko. Sasabihin niya na ba talaga sa akin ang mga salitang napakatagal ko nang hinihintay na ipagtapat niya sa akin?
"Contessa..."
Hinawi ng isang kamay niya ang buhok ko bago isinabit sa may likod ng tainga ko. This is it pusit! Sa malamig na hangin, ilalim ng bilog na buwan at nagkikislapang mga bituin sa langit. Magtatapat na sa wakas ang lalaking kauna-unahan at nag-iisang nais kong makasama sa habambuhay.
"Rafael..." nakangiti at malambing kong banggit sa pangalan niya. Malapit na ba talaga akong maging isang Mrs. Rafael Concepcion?!
"Contessa, I just wanna tell you that..." Tumikhim pa siya na dahilan nang pagkaantala ng sinasabi niya. Pinapakaba ba ako lalo ng poging ito o siya mismo ang kinakabahan sa gusto niyang sabihin sa akin? Sabagay, sino ba naman ang hindi kakabahan kung magtatapat ka na sa taong matagal mo ng napupusuan?! Shemay! Ngayon pa lang, sobrang kinikilig na ako talaga! Lord, alam kong napakabata ko pa para dito pero sign lang ang kailangan ko. Kung magtatapat na siya ngayong gabi sa akin, siya na talaga ang para sa akin. Pero kung hindi pa... Kung hindi talaga... Pwede bang siya na lang!? Please...
"Contessa, I'm..." Ikinulong na niya sa mga palad niya ang magkabilang pisngi ko at wala ng isang dipa ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa. Nakagat ko na ang pang-ibabang labi ko nang mapansin kong nangingilid na ang luha sa mga mata niya. Oh my God talaga! Magtatapat lang siya ng feelings niya naiiyak na siya kaagad! Juicecolored! Heto na 'yun! Heto na talaga 'yun. Magtatapat na siya... Ipagtatapat na niya sa akin ang lahat... Ipagtatapat na niyang...
"I'm gay..."
BINABASA MO ANG
Torn Between Two Beki (Published Under Psicom Publishing Inc.,)
RomanceMatagal nang may gusto si Rafaela sa kababatang si Miguel. At kaya niyang tanggapin ang katotohanang isa itong lalaking medyo ipinaglihi sa babae. Handa siyang maghintay na maging tuwid ulit ang landas nito. Ngunit kung kailan naman handa na siyang...