LOVE TAKES TIME by Pilyong Kapitan

641 14 7
                                    

CHAPTER ONE

PART I

Bata palang ako madalas na kaming magkasama ni Jasm, buwan lang ang tanda nya sa kin.  Mula sa elementary, highschool at early years ko sa college ay magkasama na kami. Bukod sa mag-bestfriend ang erpat ko at erpat nya, hindi malinaw sa min kung bakit ganun nalang ang effort ng mga magulang namin kapag nalaman nilang nagkatampuhan kami.  Elementary ako noon nang pilit akong binuhat ng tatay ko papunta sa bahay nila na tatlong bahay lang ang pagitan para magsorry daw ako kay Jasm na maghapon na palang di kumain dahil sa tampuhan namin.  Yun ay nang hindi ko sya kasamang umuwi dahil sumama ako sa mga kabarkada ko para maghanap ng gagamba doon sa lugar ng isa kong kaklase.

Nang araw ding iyon, sabay kaming kumain sa kanila.  Mukhang wala nga syang gana.  Tinitingnan ko lang sya; sa isip-isip ko, "napaka isip bata naman nito."  Nawala sa isip ko, ako pala ang isip bata dahil responsibilidad ko sya kapag magkasama kami dahil ako ang lalaki.  Yun ang laging sinasabi ng erpat ko sa kin na dapat protektahan ko si Jasm. 

Graduation sa elementarya noon, kapag titingnan ko mga picture ko dapat lagi kong katabi si Jasm. Wala akong solo pic maliban sa prepared photo shoot para sa yearbook.  Hindi ko nga alam kung ano ba ang nakain ng mga magulang namin at kailangan lagi kaming magkatabi ni Jasm sa mga kuha namin.

High school na kami nang muntik na kaming magkahiwalay dahil sya lang ang nakapasok sa Manila Science High School.  Kaya naghanap ako ng ibang school pero laking gulat ko ng di na rin siya tumuloy dun dahil malayo raw sa place namin at hindi ko sya mababantayan.  Ang babaw ng dahilan pero nahiya talaga ako noon kaya pinagsumikapan ko ng magaral ng maigi.  Gaya ng laging sinasabi sa kin ni Jasm, hindi raw ako bobo... tamad lang daw ako.

Nasa section 2 kami noon, hindi na raw kami pwedeng isingit sa section 1 dahil late enrollees kami at talagang napakiusapan lang na makapasok kami dun na dapat nasa last section kami.  Ok na rin kasi parang hindi rin naman ako sanay na hindi sya kasama.  Natuwa na rin ako dahil hindi ako mapapabarkada kapag kasama ko sya.

Minsan may nanligaw sa kanya, nagagalit ako dahil bakit inentertain nya.  Dahil dun halos tatlong linggo kaming di nagpansinan at yun ang pinakamatagal para sa min sapagkatl kilala na naman namin kung paano aamuhin ang bawat isa; pero bakit sa pagkakataong ito parang ang hirap panghimasukan ang buhay nya?  Sino ba ako sa buhay nya? Alam kong hindi nya rin masasagot yun dahil hindi rin malinaw sa ming dalawa.

Sino ba si Richard? Sya ay isang:

1. mayabang

2. feeling pogi

3. to the left... to the left ang ilong

4. sabi nila ala John Prats daw ang mata pero para sa kin BANLAG sya

5. maputi raw, e ano naman?!

6. dalawa puyo (marka yun na dating may sungay)

7. sungki ang isang ngipin, parang kumakaway...

8. may cleft chin daw, pero para sa kin dalawa ang reason kung bakit may ganun: (a) uso dati yun at trese hudas ang tawag dun; (b) bingot yun, napunta lang sa baba...

9. at marami pang iba...

Isang araw, nung ok na kami ni Jasm, nakiusap sya sa kin na wag daw muna akong umuwi, kasi may date raw sila ng mokong na yun.  Kasi kapag umuwi ako dapat nakauwi na rin sya.  Nagpunta sila nun sa SM Mega Mall.  Ano pa nga ba ang magagawa ko? E di gumala na rin muna ako sa mall.  Inaantok na nga ako at napapagod sa kalalakad di pa sya nagtetext sa kin, ALCATEL pa dati ang phone namin nun medyo hugis safeguard pa at orange ang backlights.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVE TAKES TIME by Pilyong KapitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon