IKAAPAT NA KAPITULO

363 29 8
                                    

IKAAPAT NA KAPITULO

"Anong oras na?" tanong ni Jona Mae kay Chilles na kasama niya.

"5 na. Bakit?"

"Mag-ikot-ikot tayo!" suhestiyon ni Cynnara.

"Ayoko. Nakakatakot!" sabi naman ni Ronagrace.

"Tsaka magsi-6 na oh! Baka magalit pa si Smile sa'tin eh diba sabi niya, 6 PM magkikita-kita sa may sala?" sabi naman ni Chilles na sinang-ayunan din ni Jona Mae.

"Girls!" tawag ni Smile na naging dahilan para mapalingon silang lahat sa kanya.

Pinalapit naman ni Smile ang mga kaklase sa kanya at inutusang umupo ng pabilog.

"Anong kalokohan na naman 'to, Smile?" bagot na tanong ni Ronalyn sa kanya.

"Magkwe-kwentuhan tayo ng nakakatakot! Awooo!" sagot niya habang tumatawa.

"Oy, walang ganyanan, asawa ni Natsu!" sabi ni Xian sa kanya.

"Smile naman eh! Ayoko na!" (Marielle)

"Utang na loob, Smile. Wag!" (Andrea)

"Okay fine! Yung mga ayaw, wag nalang kayong makinig! Basta magkwekwento ako!" Hindi papapigil na sabi ni Smile. At dahil pabebe siya, wala talagang makakapigil sa kanya.

Kaya sa gusto man o hindi, nakinig nalang yung iba habang ang mga matatakutin naman ay itinuon sa iba ang kanilang pansin.

"Makinig kayong maigi. Kasi isa ito sa mga magliligtas ng buhay niyo."

Hindi masyado napagtuunan ng pansin ng kanyang mga kaklase ang sinabi niyang iyon pati na din ang pag-iiba ng kanyang boses. Nagsimula na siyang magkwento.

Sa isang bahay, may isang masayang pamilya. Si Papa Bear, si Mama Bear, at si Baby Bear.

Si Papa Bear ay isang napaka-walang kwentang ama at asawa kina Baby Bear at Mama Bear. Sugarol at lasinggero kasi siya. Mahilig din siyang mambabae (or mang-oso ng babae since oso naman siya) pero baliwala lang 'yon kay Mama Bear hangga't sa kanila pa rin umuuwi si Papa Bear.

Si Mama Bear naman ay isang dakilang masokista at tanga. Nagbubulag-bulagan siya sa mga kabalastugan na pinaggagagawa ng kanyang asawa. Nagbibingi-bingihan, nagpapaalipin. Mahal niya kasi ang asawa niya kaya ganun. Mabait si Mama Bear kahit na minsan ay sinasaktan na siya ni Papa Bear.

Kung si Papa Bear ay masama, at si Mama Bear ay mabait, ano naman si Baby Bear?

Si Baby Bear ay lumaki na may malaking galit sa kanyang ama. Saksi siya sa lahat ng paghihirap at pananakit na ginawa ng kanyang ama sa kanyang ina kung kaya't ganoon na lamang ang galit niya dito. Mas nadagdagan pa ang galit ni Baby Bear kay Papa Bear nang saktan na rin siya nito.

Sabi nila, isa daw sa dahilan ng kamatayan ay ang galit.

Totoo ito dahil isang araw, hindi na nakatiis si Baby Bear kay Papa Bear.

Pinaslang niya ito. Pinatay niya si Papa Bear.

Pinagsasaksak niya ito gamit ang kutsilyo, pinaglaruan ang lamang-loob nito, at-

"SMILE, TAMA NAAA!" naiiyak na sigaw nina Andrea dahil hindi na nila makaya ang mga kinukwento ni Smile.

"Tama na, please.." Umiiyak na sila sa takot.

Tumigil naman si Smile at nanatiling nakatayo lang. Nang biglang..

"AHHHHH!"

"SMILE, OH MY GOD!"

"TAMA NA 'YAN!"

"TAWAGIN NIYO 'YUNG BOYS!"

+++

Interesting yet? :D Infairness, medyo kinakabahan at natatakot ako kasi gabi ko 'to tinatype. XD #ParaMayNakakatakotFeels

Hi pala sa mga kaklase ko dyan! (Perlas awoo! Awoo!) Salamat dun sa open forum natin! 032116 is hart hart. 💜

MANSION 49 (2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon