Kathryn's POV
"BebeKath! Alis muna kami ng girls ha?" nakangiting pamamaalam ni Andria ng makita nila ako pababa ng hagdan.
"San na naman kayo pupunta ha?" nagtatakang tanong ko sa kanila at nagpunta sa kusina para kumain.
Nadatnan ko naming nakaupo na doon si Daniel na ngiting-ngiti, "Good Morning, Kath." Tumayo sya at hinalikan ako sa pisngi, "Good Morning, din!" nakangiting bati ko dito.
"BebeKath! Shupi na kami ah? Mwaaah!" narinig kong sigaw nila Andria mula sa sala.
"Pasalubong ko!" pabiro kong sigaw at narinig ko naman silang tumawa.
Magmula kasi nung sa nangyari sakin ay dito muna sa bahay natutulog sila Andria at sila Quen. Parang ginawa nilang bahay ampunan 'tong bahay. Bahay ng may mga saltik na kabataan. Hahaha!
Nag-aalala lang naman sila sa kalagayan ko kahit na sinabi ko na sa kanila nan aka-move on na ako sa kaunting trauma na dinala nung nangyari. Pero ang sabi naman nila na aalis din sila dito next week.
"Kain na tayo, Kath," sabi ni Daniel at nginitian ko sya bilang tugon.
"Nga pala, nasan yung mga lalaki?" tanong ko sa kanyang habang kumakain kami.
"Ayun may pupuntahan daw ang mga loko. Di man lang nagsasabi. Medyo late na rin kasi ako nagising," sabi nito sabay subo ng isang punong-puno na kutsara. Dahil sa ginawa nya ay nabulunan sya bigla.
"Nako! Ayan kasi! Mas tumakaw ka sakin e," natatawang sabi ko dito at binigyan sya ng isang basong tubig.
"Nag-hahanda lang naman ako para pag marami na anak natin kayo ko silang alagaan," nakangising sabi nito sabay kindat sa akin, na ikinapula naman ng pisngi ko.
"'Manyak ka talaga!" sabi ko sabay pinalo sya sa braso at tumawa lang sya.
"Yieee! Si Kathryn! Excited na magka-anak ng marami," asar nito sakin habang nakangiti pa ng malaki. Inirapan ko lang sya at bumalik na sa pagkain.
"Mabulunan ka sana ulit!" sabi ko at sakto naming napaubo na naman sya bigla.
"Ayan ka na naman! Dahan-dahan lang kasi sa pagkain," alalalang sabi ko rito at hinimas ang likod nya.
"Yiee. Concerned ka lang sakin eh. Pakipot ka pa, Kath," nakangising sabi nito at nagtaas-baba ang kilay.
Inirapan ko ulit sya at kumain na lang ulit. Bahala sya sa buhay nyaaa!
Narinig kong tumawa si Daniel kaya lalo pa akong napanguso.
"'Wag ka ngang ngumuso dyan kung ayaw mong..."binitin nya pa yung sasabihin nya kaya napatingin ako sa kanya at saktong...
"Daniel!" sigaw ko matapos nyang alising ang labi nya sa labi ko.
Hinalikan nya lang naman ako. Oo! Hinalikan! Omygad!
Nakangisi lang sya at nakatingin sakin. Bumalik naman ako sa pagkain ko at yumuko dahil nararamdaman ko na ang pula na ng mga pisngi ko.
Ahh! Ang hilig talagang manghalik!
Gusto mo naman, Kath. Diba?
Tse manahimik ka ngang konsensya ka! Ahhhh!
---
Nandito kami ngayon ni Daniel sa may garden. Picnic daw kaming dalawa. Picnic nga pero kalsada naman nasa harap naming.
Nagset kami ng picnic blanket at naglagay ng konting mga unan. Yung pagkain ay nagpadeliver na lang kami ng bucket meal sa KFC at pizza sa Shakeys.
Hindi ko ba alam dito kay Daniel at naisipang magpicnic dito e, kainit-init. Wala pa naming ganong puno dito samin.
"Daniel, bat di na lang tayo nagpunta dun sa dati nating pinuntahan nila Andria? Mas maganda pa dun!" sabi ko sabay kuha ng isang chicken legs at kinagat ito.
"E gusto mo bang makita na naman natin yung Sam na yun?" sabi nito at biglang kumagat sa hawak kong chicken legs.
"Hoy! Kumuha ka ng sayoo!" sabi ko at inilayo sa kanya yung kamay ko.
Nang maalala ko na sinabi nya si Sam ay napalo ko na lang bigla ang braso nya, "Baliw ka! Patay na yung tao. Binubuhay mo pa. Rest in peace, Sam," sabi ko sabay tingin sa kalangitan.
Nakatingin lang ako sa langit at pinagmasdan ang kakaunting ulap na nakikita ko. Matagal din ako nakatingala nang mapansin ko na nakatitig pala sa akin si Daniel. Nagtataka ko naming syang tiningnan at kumagat sa chicken legs ko. Pagkakagat ko ay nagulat ako nang bigla nyang kurutin ang kanang pisngi ko, "Ang cute mo talaga Kath. Kaya napakaswerte ko sayo eh," nakangiti nitong sabi habang nakatingin pa rin sakin.
"Gutom lang yan, Daniel!" sabi ko at tinawanan na lang sya.
Napatigil ako sa pagtawa nang makita kong biglang sumeryoso ang mukha nya. Natahimik kaming parehas at nagtitigan. Literal na nagtitigan. Makailangsegundo lang ang lumipas ay bigla syang nagsalita.
"Pano kaya kung sumuko na ako agad nung simula pa lang?" sabi nito at dahan-dahang sumandal sa balikat ko.
Di ako nagsalita at nagpatuloy lang na kumain.
"Pano kaya kung hindi ko napilit si Andria na alamin kung nasan ka nung araw na yun?" sabi ulit nito.
"Pano kung hindi namatay si Sam?" sa pagsabi nya na yun ay umayos sya ng upo at tumingin sakin, "Babalikan mo pa ba sya?"
Nang tanungin nya ako nun ay hindi ko alam pero napangiti na lang ako bigla. Yung ngiting feeling ko ay abot na sa langit. Yung ngiting totoo. Yung ngiti ko na walang makakapaggawa nito kundi sya lang. Si Daniel lang.
Sa halip na magsalita ako para sagutin ang tanong nya ay lumapit ako kay Daniel at hinalikan sya sa labi.
Mga sampung segundi din yata kami na nasa ganung pwesto nang humiwalay na ako sa bumalik sa pagkain. Tiningnan ko si Daniel at para bang naistatwa ito sa pagkakaupo.
"Huy!" tawag ko dito at kumaway-kaway sa sa harap nya.
"Daniel!" tawag ko ulit at sya naming natauhan sabay ngumiti ng malapad.
"Sabi na't may pagnanasa ka sakin Kath eh! Di mo lang inaamin," sabi nito sabay kiniliti ako.
"Danieeel!" sigaw ko dito pero lalo lang nya akong kiniliti.
"Ahh, Danieeel! Kumakain tayo!" banta ko dito pero tumatawa lang sya at hindi pa rin tumigil sa pagkiliti sa akin.
Napahiga na kami parehas dahil sa pagkiliti nya sa akin. Ngayon ang pwesto naming ay sya ang nasa taas at ako ang nasa baba. Bigla syang tumigil sa pagkiliti sa akin at biglang sumeryoso ang mukha.
"Kathryn," bulong nito habang biglang papalapit ang mukha nya.
Bumibilis nang bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa bawat isang millimeter na nababawas sa pagitan ng mukha naming dalawa. Nang halos dalawang inches na lang ang pagitan ng aming mga mukha ay bigla na lang akong napapikit at hinintay na dumampi ang labi nya sa labi ko.
Pero wala akong naramdamang halik sa sa labi ko. Naramdaman ko na dumampi ang halik nya sa noo ko sabay sabing,
"Papakasalan kita, Kath."
=====
Hi guuys! Tapos na ang exams at nararamdaman ko na ang simoy ng bakasyon! Hahaha. Woooh! Bitin ba? Sorry naaa. Hahaha.
Maraming salamat sa pagbabasa! At malapit na nga pala 'to matapos. Mga isang chapter na lang. Wahaha. :* Ramdam ko na. Ramdam ko na na kaylangan ko nang patahimikin at 'wag gambalain ang buhay ni Kath at Daniel. Hahaha. :*
- mariya
BINABASA MO ANG
Mr. Casanova Kidnapped Me-KathNiel
Fanfic"Hindi na ako magpapakidnap sa iba dahil sa una pa lang kinidnap mo na ang puso ko..."