Chapter 15: Memories

6 0 0
                                    





Chapter 15:Memories

Penelope's POV

Hanggang ngayun hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari bakit ba kasi kailangan maramdaman ko ito, sakit sakit lang ah, paulit ulit nalang! Pwede bang maging masaya nalang ako kahit wala siya grrr! nakakainis, nakakaloka yung nararamdaman ko onting-onti nalang mababaliw na ako.

Tatayo na sana ako sa kama ko para mag simulang ayusin yung sarili ko nung may biglang bumagsak na karton, tinignan ko kung ano to laking gulat ko nung makita ko ang sang damukal kong picture kasama si Lawrence pati yung mga binigay niya saakin nadun din sa loob.

Una kong tinignan yung picture naming naka simangot siya na parang na tatae. Hahaha naalala ko nung pumunta kami sa Enchanted Kingdom agad ko siya hinatak sa space shuttle kasi hilig ko yung mga matataas para kasing nakaka-excite lang. Pasakay na kami nung nahalata kong nanginginig siya hinawakan ko lang yung kamay niya tapos tinignan ko siya ng naka ngiti.

"Wag kang matakot hindi naman kita iiwan eh."

"Hindi naman ako natatakot ano ka ba wag ka na nga makulit"

"Wew? Eh bakit parang gusto mo ng masuka?"

"Wala nakakain lang ata ako ng panis."

Haha siraulo dinamay pa yung panis na pag kain, hindi ko nalang siya pinansin at excited na sumakay sa space shuttle, haha tignan ko lang kung hindi ka pa umamin pag ka tapos nito.

Umandar na yung space shuttle di ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya nakakatawa kasi yung expression nang mukha niya parang naiihi na natatae na pinag sama kaya ako ito nababaliw sa kakatawa ng patago sa kanya.

"Ano okay ka parin ba nag sisimula pa lang tayo?"

"Oo naman sino bang nag sabing natatakot ako?"

"Ang yabang talaga bahala ka sa buhay mo."

Tuloy tuloy parin ang pag andar hanggang papunta na kami sa moment na sobrang nakaka exciting, kung ako excited yung katabi ko parang gusto ng mahimatay sa mangyayari kaya hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit para hindi niya maramdaman yung takot saka ako nag sisigaw hanggang sa matapos ng yung ride.

"Buhay ka pa ba?"

"Tss malamang tara na nga uwi na tayo."

"Haha wait lang picture tayo para may memories tayo ng pag ka bakla mo."

"Ayysst! Wag mo nga akong asarin jan."

Hinila ko nalang siya palapit saakin para makapag picture na kami yung baliw ayaw ngumiti kahit anong gawin kong pag papatawa wala parin kaya ayun ang ending nakasimangot parin siya.

Hahaha sarap talagang maalala yung araw na yun, yung araw na masaya pa kaming dalawa na kami lang ang nag kakaintindihan sana kasi hindi na yun nangyari edi sana masaya parin kaming dalawa hanggang ngayun.

Pangalawa kong tinignan yung picture kong tulog ako sa kotse niya ito yung panahon na parang ayaw niya akong mawala sa tabi niya panahong gusto niya ako lang kasama niya.

Nag tataka nga ako sakanya kung bakit gabing gabi napasugod siya sa bahay namin tapos parang ang lungkot-lungkot niya kaya nung sinabi niyang kailangan niya ako hindi na akong mag atubiling umo-o sakanya.

Habang papunta kami kung saan man dahil ayaw niyang sabihin kung saan kami pupunta tinignan ko lang siya sinusuri ko yung bawat sulok ng mukha niya ngayun ko lang napagtanto na ang swerte-swerte ko sa kanya dahil sa lahat ng magugustuhan  niya bakit ako pa? Bakit ako na may malaking eye glasses, may paldang mahaba, may magulong buhok, walang fashion sa buhay, libro ang buhay, laging loner bakit ako pa kasi.

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon