CHAPTER ONE
INILIBOT ni Ryxer ang paningin sa kabuuan ng racing field na pag-aari nilang magkakaibigan. Sino ba ang mag-aakala na hindi lang pala pambababae ang kaya nilang gawin? They could also manage business at nasa harap niya na ang pinaghirapan nila.
His parents were very proud of his success at siyempre, ang success niya ay success din ng mga ito. He could still remember his younger days when he and his friends would talk about cars. Siguro ganoon talaga ang mga lalaki—kung ang mga babae ay mahilig sa mga sapatos, silang mga lalaki naman ay mahilig sa mga sasakyan. Minsan nga ay mas mahalaga pa sa kanya ang mga sasakyan niya kaysa sa mga babaeng kinakama.
"Boss, may naghahanap po sa inyong chicks," tawag-pansin sa kanya ng isa sa mga maintenance ng sasakyan na ginagamit niyang pangkarera.
"Sabihin mo wala ako."
"Okay, Boss," sabi nito at tumalima na.
Nagsasawa na si Ryxer na kung sino-sinong babae ang naghahanap sa kanya. 'Yong iba nga ay hindi niya na makilala. He could not even remember the names of those poor girl who kept on pestering him pagkatapos niyang paligayahin. Umiiwas na nga siya minsan, kaya lang ay masyado siyang lapitin ng mga babae. Sino lang ba siya para tanggihan ang biyaya?
Sumakay siya sa nakaparada niyang sports car at pinaandar iyon sa buong field. Solo niya ang buong lugar dahil mamaya pa naman darating ang mga kaibigan niya. Nakasanayan na nilang magkakaibigan na maglaban-laban sa pangangarera. Kung sa ibang magkakaibigan, mga bar o clubs ang ginagawang lugar upang makapag-bonding, sa kanila naman ay ang racing field ang nagiging daan para mas lalong tumibay ang samahan nila.
Nagpupunta naman siya sa bar hindi para lunurin ang sarili niya sa alak kundi para kumuha lang ng babae na magpapainit sa kanyang gabi.
Medyo binagalan ni Ryxer ang pagpapatakbo sa kanyang red Ferrari 458 Italia Liberty Walk sports car nang mamataan sa big screen ang mukha ng isang babae. Sigurado siya na nandiyan na ang mga kaibigan dahil pinaglalaruan na naman ang mga camera. Apat na big screen ang nakalagay sa buong racing field. Doon nakikita ng mga tao ang nangyayari kapag may race na nagaganap. Sa pinakagitna iyon ng field nakapuwesto, mataas at kitang-kita iyon ng lahat ng nanonood. Kasinlaki iyon ng screen sa loob ng isang sinehan kaya kitang-kita sa buong paligid kung ano o sino man ang lumabas sa screen na iyon.
The woman was wearing a peach V-neck blouse, skinny jeans and peach doll shoes. As simple as that. She was about five and six inches of height. Hinahangin ang straight na buhok nito. Hindi niya inalis ang tingin sa babaeng iyon hanggang sa buong mukha na lang nito ang nakikita sa big screen. She had this thin pinkish lips, natural ang kulay ng mga labing iyon. Lahat naman kasi yata ay malalaman kapag may lipstick o wala ang isang babae.
Malalantik ang pilikmata nito, namumula rin ang magkabilang pisngi ng babae dahil sa sikat ng araw. Kumunot ang mukha nito at bahagyang umusli ang mga labi nang tila ma-realize na ang mukha nito ang nasa apat na big screen sa buong lugar. Magkasalubong ang dalawang kilay na padabog itong pumasok sa isa sa mga opisina na naroon.
Napailing na lang tuloy si Ryxer at ipinarada ang sasakyan.
"Next time, si Charlton naman ang gawin nating model ng mga sasakyan natin. Mas bagay sa kanyang mag-model kaysa ikulong ang sarili niya sa apat na sulok ng boutique niya," narinig niyang sabi ni Ether. Ito ang pinaka-bully sa kanila—anak nina Tita Natalie at Tito Scott.
"Huwag mong idamay ang kapatid ko sa wala mong kapararakan na suhestiyon, Ether," Cassidy spoke. Ang babaeng nasa big screen kanina na tinitingnan niya ay ang kapatid nito, si Charlton.
"Wow, pare, ang lalim, hindi ko maarok."
Nagtataka siya kung bakit napaka-bully nitong si Ether samantalang takot naman ito sa mommy nito.
BINABASA MO ANG
RACE 1: Left Behind
RomanceAll that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a grown woman. She's already got everything that people could have; a loving and supporting family, a group of friends who truly cared for her...