Chapter1

4 0 0
                                    

5 years ago

Nagising si Brianna dahil sa malakas na ingay mula sa labas ng kanyang kwarto. "Ano nanaman ba! Ha! Palagi nalang ba tayong ganito?!! Mas mabuti pang maghiwalay na tayo!"  Sigaw ng mommy niya mula sa labas. Alam na agad ni Brianna na nag- aaway na naman ang kanyang mga magulang.

Tumakbo siya papuntang CR at nagkulong doon. Iyak lang siya ng iyak habang rinig na rinig niya ang sigawan na nangyayari sa labas. Hindi parin nasanay si Brianna sa pag-aaway ng kanyang mga magulang. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, hindi niya alam kung ano ang problema, pero isa lang ang alam niya sa panahong iyon. Alam niyang may ibang babae ang daddy niya, dahil siya mismo ang nakakita rito.

"Bri" pagtawag ng isang boses mula sa labas. Agad siyang tumayo at binuksan ito, bumungad sa kanya ang kuya niyang si Brian. Nang makita naman ni Brian si Brianna na namamaga ang mga mata nito ay agad niya itong nilapitan at niyakap.

"Ok, lang ang lahat Brianna, hindi kita pababayaan, mahal na mahal ka ni kuya" saad ng Kuya niya, habang hinahagod ang likuran ng kapatid habang umiiyak sa bisig niya. "Huwag mo akong iwan kuya, huwag kang gumaya kay mom at dad" sabi ni Brianna sa nakakatandang kapatid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Give Me Your Best ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon