FRENEMIES

156 6 6
                                    

Friends

Or

Enemies??

Saan ba talaga kaming dalawa diyaan?

Away

Bati

Away

Bati.

Yan na ang naging cycle of life naming dalawa.

Pero...

Paano kung,

Dahil sa mga pangyayaring iyon, ay mahulog ako sa kanya?

Ano ang mangyayare? Masasaktan o sasaya ba ako?


~


Nakakainis talaga ung lalaking yun! Kahit kailan nakakabadtrip siya!

"Away na naman?" I simply nodded as a response to my bestfriend.

Hindi naman nakakagulat na mag-away uli kami ng lalaking yun, kasi lagi namang may nangyayareng kaguluhan saming dalawa.

"Di ba kayo nagsasawa? Naku naku. Kung di ko kayo kilala, for sure pagkakamalan kong may LQ lang kayo"

Wth.

"Nagbibiro ka ba? Yun? Yung Ice na yun? LQ kami? Huh! Never" Padabog akong umalis ng room.

Nakakainis!

Pumunta nalang ako ng garden at umupo sa isang bench.

Si Ice Sanchez. Ung karibal kong ka-away at the same time partner in crime ko.

I dont know, pero kasi kapag magkasama kami ang saya ko lang. Kaso panira lang talaga siya, laging nang-aasar.

Umabot na nga kami sa point na di kami nagpansinan for two months, at ung malala ay magkatabi lang kami ng seat, like wth?! Mapaglaro si tadhana!

Haays..

Gwapo naman si Ice. Actually, crush ko nga siya eh. Mabait, sweet at caring naman kasi siya. May pagka-bully at badboy nga lang. Take note, kilala siya sa buong school dahil isa siyang dakilang HeartBreaker. .

"Flare Ocampo soon to be Mrs. Sanchez, anong ginagawa mo dito?"

Potek!

Napatayo agad ako sa gulat.

"Leche ka Ice! Aatakihin ako sayo eh, pag ako na dedo, ikaw uunahin kong multuhin" Duro ko sa kanya. Kaso ang loko, tumawa lang.

Ito.. Ito ang ayaw ko..

Kapag tumatawa siya, ngumingiti...

Unti-unti akong nahuhulog sa kanya.

Who can blame me? Ang pogi niya lang kasi talaga.

I sighed. Kung di lang talaga to loko-loko tagal na kong umamin sa kanya.

"Flare tara na. Sorry kanina haha! Sila Enzo kasi eh, nag dare lang sakin haha!" iniripan ko lang siya.

Nauna na akong maglakad sa kanya.

Naiinis ako sa sarili ko. Di ko alam kung bakit. Alam ko namang masasaktan ako kapag pinagpatuloy ko pa tong nararamdaman ko sa kanya, pero ano? Eto ako, nahuhulog at nahuhulog parin.

Naramdaman kong may umakbay sakin. I didn't bother to look kasi alam kong si Ice lang yun.

"Ice.. Can I ask you something?" Tanong ko.

FrenemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon