Nang ika'y muling nakita
Sa ilalim ng nagdidilim na langit
Puso'y muling nabuhay
Ang saya sa iyong mukha
Noong nagtapat ng pag ibig,
Ay nagbigay sa puso ng
Lubos na kasiyahan
Ang kislap ng iyong mga mata
Ay hindi matanggal , sa kadahilanang,
Pareho pala ang nadarama ng
Iniibig kong sinta
Maraming taon na ang lumipas
nang ika'y muling nahagkan
Subalit hanggang ngayon dama ko pa din
Ang init ng iyong mga kamay
Tinitigan ko ang iyong mukha
Ang iyong mga mata,
Sinasaulo ang mga ito.
Pinunit ang aking puso sa pagbalik ng iyong alaala.
Pinikit ko ang aking mga mata
Kase alam kong ika'y hindi na babalik
Nakakatawa kasi hindi na umuulan ang aking mga mata.
Pero patuloy paring sinisira ng realidad ang aking puso.
Ang isip may nakakalimot
Ngunit ang puso ay hindi kailanman
Makakalimutan ang pag ibig na ipinadanas
Nang ika'y muling nakita
Sa ilalim ng nagdidilim na langit
Puso'y muling nabuhay
Ngunit alam nito,
Na hindi kana kalianman babalik.
BINABASA MO ANG
Nakalipas
PoetryNagawa ko lang to dahil sa isang proyekto namin sa Filipino. Pasensiya na at hindi pa ako bihasa sa larangan ng pagtutula. Kung hindi po angkop ang aking mga salita, magagalak po ang aking katawang lupa kapag ako po ay sinabihan nyo.