Antagonist's Love Story (a short story)

179 15 17
                                    

Antagonist’s Love Story

(a short story)

KONTRABIDA??

Oo, ako yun. Yan naman ang tingin sa’kin ng lahat eh. edi pangatawanan. Akala ba nila I can’t fight back? Let’s see.

“Athena! Ano na namang drama mo dyan?” si Jace pala. Mabuti pa ‘to, bida ang tingin sa’kin -_-

“Bakit na naman ba?”

“Ang sungit ah? Tara na kaya! Uwian na oh. Ang lalim palagi ng iniisip mo. mabuti kung… “ hindi o narinig ang huli nyang sinabi.

“Ano?”

“Wala! Sabi ko, ang panget mo na! palagi na lang nakasalubong ang kilay mo!” aba’t – salbahe ‘to ah.

“Hoy !! anong sabi mo??” hinabol ko sya dahil tumakbo sya. Malamang, hahabulin ko ba kung ‘di tumakbo? Duh!

*blag*

“What the— tignan mo nga ang dinadaanan mo!! What a clumsy lady you are!” sigaw sa’kin ng impaktang ‘to. sino pa ba?? Edi ang kontrabida ng buhay ko. Akala mo kung sinong mabait ‘yan kapag kaharap ang ex ko. Oo ! ex ko! Nilandi nya lang naman si Dylan. Nagpalandi naman yung isa. Psh magsama sila!!

Nilagpasan ko na lang sya matapos tignan ng masama.

“Siguro hanggang ngayon, hindi mo pa din tanggap na akin na si Dylan? Ang bitter mo naman masyado!” ano daw??

Humarap ako sa kanya at syempre, I maintain my poise. Bawal mawala yun noh!

“Excuse me? Bitter? Ako? Eh sino kaya ang masama ang tingin sa’kin kapag kasama ko si JACE?” I emphasized the name. “Ang mahirap kasi, may boyfriend na, pero umaasa pa din sa EX nya. So sad to say, Jace doesn’t like you anymore.”

“How dare you!” sasampalin nya sana ako pero dumating si Jace at hinawakan ang kamay nya. For sure kinikilig yan nahawakan ulit niJace ang kamay nya haha

“Jace” sabi ni impaktang Demie. Bagay sa kanya ang pangalan nya.. DEMIEnyita hahaha

“Don’t you dare touch her.. or else…”

Wow ah, maka speech naman ‘to si Jace, ung hindi ko lang kaibigan ‘to baka nainlove na ‘ko. Pero syempre hindi yun pwede mangyari noh! Si Dylan lang ang mahal ko. Hindi ako taksil !

“Or else what?” ako na ang nagtanong. Di na makapagsalita ang bruha eh.

“Nothing. Tara na.” at binitiwan nya ang kamay ni Demie, saka ako kinaladkad. Nilingon ko naman si Demie atsaka ngumiti ng nakakaloko. Serves you right, bitch!

“Kaw ah! Ano namang drama yun? Haha..” biro ko kay Jace.

“Aish! Wag ka ngang tumawa.” Namumula ang loko. Kinikilig din ba ‘to dahil nakita nya na naman ang ex nya na yun? Don’t tell me..

“Do you still have a feelings for that bitch?”

“Don’t call her like that!” singhal nya sa’kin. Ok, now I know.

“Fine!”

At umalis na ako sa harap nya. Sabi ko na nga ba may gusto pa din sya sa babae na yun eh. Bakit hindi nya na lang kaya balikan para kami na lang ulit ni Dylan. Tsk

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Antagonist's Love Story (a short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon