CHPTR 5

152 1 0
                                    

Phia's POV

"Salamat dahil tinutulungan mo ako sa problema ko. Alam kong hindi ito yung plinano mo para matulungan ako, kaya pasensya na kung bakit naging ganito pa yung paraan." sabi ni Kerk habang nakayakap siya sakin.

Ang awkward ng feeling pero pinipigilan ko ang sarili ko na huwag ma-fall sa kanya.

Oo, ayaw kong ma-fall sa baliw na 'to kaso ayaw papigil ng tibok ng puso ko.

Actually, matagal na akong may GUSTO kay Kerk. Kaso ng nalaman ko na nagkaroon siya ng girlfriend, kinalimutan ko yung nararamdaman ko para sa kanya at umiral yung sobrang sakit.

Ngayong magkayakap kami, bumabalik na naman yung nararamdaman ko para sa kanya.

Kailangan ko itong pigilan.

"Ah, o..okay lang." -ang tangi kong nasabi habang tinatap ko yung likod niya.

Tinanggal niya na rin yung pagkakayakap niya sakin at naglakad na kami pareho sa Music Department kung saan ako pumapasok.

Maya-maya,

"PHIA! KERK!" rinig kong sigaw ni Hyrant.

Napatingin kaming dalawa at pumunta sa kinatatayuan ni Hyrant at ng kasamahan niya.

"Hello Phia!" bati sakin ng isang lalaking kagrupo nila. Matanong nga kung anong name niya.

"Hello din!" sabi ko sabay ngiti. "Ano name mo? Hehe. Si Kerk at Hyrant lang kasi ang kilala ko sa grupo niyo eh." pagtatanong ko.

"Ah. Hehe. Ako nga pala si Jay Dregs pero tawagin mo na lang akong Jags." pagpapakilala niya sabay shakehands sakin.

"Kerk!" biglang tawag niya kay Kerk na katabi ko lang. Ang hyper niya. "Ano yung nakita namin kanina?" tanong niya na namumula. Hehe. Ang cute niya.

"Ah, wala yun. Nagpapasalamat lang ako kay Phia." sagot ni Kerk.

"Nagpapasalamat para saan?" biglang sulpot ng kontrabida na walang iba kundi si Qwerty.

"Nagpapasalamat ako kay Phia dahil nakilala ko siya at dumating siya sa buhay ko." biglang sagot ni Kerk.

"Duh. Nagpapasalamat dahil dumating siya sa buhay mo? Fss." pagtataray ni Qwerty.

Aba! Gagawin ko talagang pampalipas oras ang babaeng ito!

Narinig ko naman na nagbulungan sina Hyrant at Jags pero pinabayaan ko na lang ito.

Bigla na lang umalis si Qwerty. Tsh. Susulpot sulpot tapos bigla bigla namang aalis. Nagpapapansin yata.

Tinignan ko naman yung relo ko. Lagot.

"Kerk, Hyrant, Jags! Una na ako! Late na kasi ako eh." sabi ko sa kanila.

Tatakbo na sana ako ng biglang hawakan ni Kerk yung kamay ko. Bumulis na naman yung tibok ng puso ko.

"Sama ako. Baka pagalitan ka ng instructor niyo." sabi niya sakin.

"Huwag na. Hindi naman ako nun pagagalitan." sabi ko naman sa kanya.

"Ah basta. Sasama pa rin ako." para 'tong bata.

Hinawakan niya yung kamay ko sabay takbo papunta sa room ko.

He's a DANCER,She's a SINGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon