Jags' POV
Hay. Badtrip naman 'tong si Kerk. Kumakain ako ng tanghalian, bigla na lang akong pinasama sa kanya. Pasubo na ako eh kaso bigla na lang niya akong hinatak.
"Saan ba tayo pupunta Kerk?" tanong ko.
Actually, nasa labas na kami ng campus. Gumawa na naman ng excuse yung loko. Sabagay, sikat atsaka gwapo kaya napagbibigyan.
Humantong kami sa isang bilihan ng mga damit. Halos mga dalawampung minuto din ang ibiniyahe namin.
"Teka pre, bibili ka ng pambabaeng damit?" tanong ko ulit sa kanya.
Ano ba 'tong mga kaibigan ko? Parang mga bading.
Si Hyrant kanina mangiyak-ngiyak na. Tapos ngayon naman si Kerk, bumibili ng pambabaeng damit. Bakla ba sila?
"Oo, pero hindi para sakin." sagot niya.
"Eh para kanino yan?" tanong ko na naman.
"Malalaman mo rin mamaya. Huwag kang atat." sabi niya sakin.
Pasuspense din itong lalaking ito. Psh.
Ikot lang kami ng ikot ni Kerk hanggang sa may lumapit sa aming isang babae.
"Ah, sir, ano po ang kailangan niyo?" tanong niya.
"Ahm, ano po ba ang bagay na damit para sa magandang babae na magaling kumanta at mga 5'3 o 5'4 ang tangkad?" tanong ni Kerk dun sa babae.
Magandang babae?
Magaling kumanta?
5'3 o 5'4?
Teka. Si Phia ba ang tinutukoy niya?
"Wait po sir. Titingnan ko po kung ano ang mahahanap ko." sagot nung babae na namumula pa. Umalis na ito at naghanap ng damit sa new arrivals section.
"Crush ka yata nun tol. Nagbu-blush eh." sabi ko kay Kerk ng nakangiti.
"Psh. Kahit ilan pang babae ang magkagusto sa akin, isang babae lang ang tangi kong gugustuhin." sabi niya.
Teka, si Kerk ba 'tong nasa harapan ko? Ngayon ko lang kasi narinig yung mga ganung salita mula sa kanya.
"Seryoso tol, anong nangyari sayo at parang masyadong may laman yang mga sinasabi mo?" -ako
"Wala." ang tangi niyang nasabi.
Wala daw. Malamang inlove 'to. Iba na ang ugali eh. Nagbago na.
Pero kanino naman siya maiinlove? Kay Phia kaya?
Hindi kaya...
"Kerk, naa—"
"Eto na po sir yung damit." pagputol nung babae sa sasabihin ko.
"Salamat." sabi naman ni Kerk.
Pumunta na siya sa counter at binayaran ito.
Alam niya na kaya? Pero bakit hindi niya pa sa amin sinasabi?
Lumabas na kami ng hindi nagpapansinan. Ino-obserbahan ko ang bawat kilos niya sakaling may makita akong clue.
Hindi ko alam kung anong iniisip ngayon ni Kerk. Hindi ko kasi mabasa yung expression sa mukha niya. Atsaka, medyo malalim rin ang iniisip niya.
"Hoy tol, okay ka lang? Mukhang malalim ang iniisip mo dyan ah." sabi ko sa kanya.
"Huh? Ah..eh..wala." sagot niya.
"Wala daw. Ako pa biniro mo."
"Wala nga tol. Kulit mo talaga. Halika na nga. Bilisan na natin. Baka magkaroon ng rally sa campus dahil tayo nakakalabas kahit school hours tapos yung iba hindi."
"Ang dami mo namang palusot eh."
Pero seryoso, ang dami ngang palusot ng mokong na 'to.
Mula sa kung bakit siya lalabas ng campus kapag school hours, lalabas sa classroom kahit may leksyon, kung bakit siya hindi nakagawa ng mga assignments at projects, kung bakit wala siya sa klase minsan kahit na present siya, at marami pang iba.
Hindi ko nga aakalain na sa dinami-dami ng kanyang mga palusot eh LAHAT ng mga ito ay nakakalusot. Take note, LAHAT. Astig, 'di ba?
Nang makabalik kami sa campus, nadatnan naming pinagkakaguluhan na naman ng mga babae si Krest.
Tss. Lapitin talaga yun ng mga babae. Ang lakas ng appeal nun eh!
Pero sa isang banda ng field, nakita ko si Phia na umiiyak.
May sasabihin sana ako kaso inunahan na ako ni Kerk.
"Jags, pwede mo ba itong dalhin sa room ni Phia?" sabi ni Kerk habang iniabot niya sakin yung damit na binili niya.
"Sabi ko na nga ba, para kay Phia 'to. Pero bakit ako ang magdadala sa room niya?" tanong ko.
"Ikaw lang kasi ang maaasahan ko."
"Bakit hindi na lang ikaw ang magdala?"
"Ayaw ko kasing malaman ni Phia na sakin galing yang damit na yan. Atsaka, galit nga siya sa akin hindi ba? Baka kasi hindi nya tanggapin yan."
Dinala ko na lang yung damit sa room ni Phia. Ipinatong ko ito sa upuan niya at nag-iwan ng mensahe na suotin niya yung damit.
Lumabas na ako sa room nila at nagmamadaling tumakbo para lang makalayo sa room na iyon.
Baka kasi may makakita sa akin. Lagot na. Patay ako nito. Baka ako ang mapagbintangan na ako ang nagbigay kay Phia ng damit. Ayoko ng mga issue na yan. Ayokong pumatol sa mga maliliit na bagay.
Matapos ang ilang minuto, nakita ko si Phia na papunta sa CR ng girls. Bitbit na niya yung damit na ipinatong ko sa upuan niya.
Ibinalita ko naman agad ito kay Kerk na nakatambay lang malapit sa CR ng girls.
"Susuotin yata ni Phia yung damit. Nakita ko na pumasok sa loob ng CR dala yung binili natin." sabi ko sa kanya.
Napangiti naman si Kerk sa narinig niya.
Naaninag namin na bumukas yung pintuan ng CR ng mga babae matapos ang ilang minuto.
Si Phia yung lumabas. Suot-suot na nga niya yung damit na binili ni Kerk para sa kanya.
Buti naman.
Recess5D?
BINABASA MO ANG
He's a DANCER,She's a SINGER
RomanceALL RIGHTS RESERVED.Places,incidents,and the names of each of the characters in this story are products of the author's imagination.Any resemblance to the story is highly coincidental.I apologize if it did so. [author]