Nakita ko na naman silang magkasama
Muka naman silang masaya.
Ramdam ko na naman ang sakit
sa sobrang sakit hirap na kong kumapit.
Umiiyak na naman ako dahil sa kanya,
dahil nakita ko silang masaya sa isa't isa.
Nasasaktan na naman ako ng sobra,
dahil mas masaya siya sa piling niya.
Kailan ba ako titigil sa pag-iyak?
Kailan ba ako titigil sa kaaasa?
Kailan ba ako titigil na mahalin siya?
Hanggang kailangan ba ako magpapakatanga?
Kailan ko ba siya makakalimutan?
Sa makalawa? Sa isang Taon? Sa isang buwan?
Kailan ba? Kailan ba ako matututo?
Para hindi masaktan pa ng tulad mo?