I'm Desperate (oneshot)

4.4K 105 28
                                    

LOUISE’S POV

Kinamumuhian nila ako. Kinasusuklaman nila ako. Galit sila sakin.

Bakit?

Kasi pinikot ko lang naman si Jiro Ignacio.

Siya ang pinakamamahal ko, siya ang buhay ko, sa kanya umiikot ang lahat.

I’m Louise Alonzo.

And I’m proud to be desperate.

Magbestfriends kami ni Jiro. Mga bata pa lang kami nung malaman kong hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanya. Mahal ko siya hindi bilang kaibigan… dahil mahal ko siya bilang kaisa- isang lalaki sa buhay ko. Possessive ako kaya’t kung ano ang akin, akin.

 Akin lang si Jiro.

Kaya’t nung nalaman kong magpapakasal siya kay Anne, girlfriend niya. Ginawa ko lahat para may mangyari sa amin. Nilasing ko siya at nilagyan ng pampatulog. Kaya’t noong gabing iyon, may nangyari samin.

2 linggo pagktapos ng mangyari samin, naramdaman ko na ang mga sintomas… sintomas ng pagbubuntis. Lagi na lang akong nahihilo, nagsusuka, at tumakaw na din ako. Kaya sinabi ko na sa lahat ang mga nangyari.

Galit na galit ang mga magulang ko sakin. Wala daw akong delikadesa. Walanghiya daw ako. Lahat ng masasakit na salita natanggap ko na. Halos isumpa na nga ako ni Jiro eh.

Hindi na din natuloy ang kasal nila Jiro at Anne. Hindi na din ako tumira sa bahay ng parents ko kundi sa condo na ni Jiro. Pero… parang hangin lang talaga ako dahil ni minsan hindi niya ako binigyan ng kahalagahan.

Yeah right, call me kontrabida. Pero mahal ko yung tao eh.

“ Jiro. Kain ka na oh. Nagluto ako ng pagkain” sabi ko pagkauwi niya. Pero dinaanan niya lang ako. Sa 2 linggo ko dito, ni minsan hindi niya man lang tinikman lahat ng niluto ko. Kasaklap. L

Kumatok ako sa pintuan niya…

“ Ano ba! Shit naman oh! May ginagawa yung tao, bakit ba!” sigaw ni Jiro

“ Kain ka na, alam ko gutom ka” sabi ko nalang

“ Hindi ako gutom pwede ba!” sabi niya at isasara niya sana yung pinto

“ Wait lang Jiro” sabi ko. Kailangan kong maging matatag para kay baby. Para kay baby, gagawin ko lahat para mabuo ang family niya.

“ What!?”

“ Jiro, sorry na oh. Balik na tayo bhes sa dati? Diba wala naman tayong away dati? I love you Jiro, so please? I’m sorry” sabi ko habang lumuluhod sa harap niya

“ No wonder ginawa ka ng university bilang Teatro President. Dahil napakagaling mong umarte. Please lang nauuyam ako sa pagmumukha mo!” sabi niya

Baby… I’m sorry if Mom have to do this. I love your Dad. Pero mukhang di niya tayo kayang mahalin. Tatatagan ko ang loob ko baby, mommy will never leave you. I love you. I- cheer mo lang si Mommy, baby… Magkakabati din kami ni Dad mo.

Lumipas ang mga araw at malamig pa rin ang pakikitungo niya sakin. Hindi ko maiwasang malungkot. Masakit para sakin, pero kailangan kong tanggapin. Ginusto ko ito eh, ngayon pa ba ako aatras?

Nasa mall ako ng makita ko sila Anne at Jiro na naghahalikan. Gusto kong magwala pero wala akong karapatan. Sino ba ako? Isang desperadang bestfriend na pinikot lang naman siya. Nang hapong iyon, mas pinili ko na lang umuwi.

Wala na akong kaibigan… wala nang natira. Dahil simula noong may ginawa ako kay Jiro, lahat sila itinakwil ako. Masama ba ang ginawa ko? Wala ng natitira sakin. Buti pa si Baby

I'm Desperate (oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon