Hayy! Wala nga pala akong alam dito. Pupunta nalang ako sa condo ni kuya. Good thing at natandaan ko pa kung saan ang daan.
Pinaharurot ko na yung sasakyan ko. Bigla namang tumawa yung lalake sa gilid ko.
"Hoy baliw! Ano tinatawa tawa mo diyan?" Parang tanga naman ako. Anong mapapala ko sa lalakeng 'to? Eh tulog pa 'to. Tss
Nakarating kami sa tapat ng condo ni kuya. Nag park muna ako bago ko binuksan ang pinto nung lalake at inalalayan patayo.
Ugh! Ang bigat ng lalakeng 'to. Inakbay ko ang kamay niya sa balikat ko bilang suporta at pagewang gewang kaming pumasok sa loob.
Tatawagin ko nga 'tong Alberto! 'Alberto ang lasinggero'
"Hoy alberto! Umayos ka nga!" Bulong ko sa kanya ng makita kong, may iilang tao ang naka tingin sa amin.
Dire-diretso akong pumasok ng elevator at pinindot ang button papuntang 15th floor. Magsasarado na sana ang pinto ng elevator ng may biglang humabol na matandang babae.
Tumingin siya sa amin at ngumiti. Pinindot niya naman ang 14th floor.
Tahimik lang kami sa loob ng biglang dinantay narin ni Alberto yung isa niya pang kamay sa akin. Parang naka yakap na siya sa akin.
Biglang napa tingin naman sa amin ang matanda at ngumiti
"Hija, boyfriend mo ba iyan?"tanong ng matanda
"Ay nako, hindi--"
"Ah, ito po?" Sabay turo ni alberto sakin. "Girlfriend ko po ito. Haha! Nagkaroon lang po kami ng konting problema kaya't tinatanggi niya na kilala niya ako"
Tumingin naman siya sa akin. At ako naman ay napayuko. Anong pinag sasabi ng lalakeng 'to!?
Bumukas na ang elavator kaya bumaba na yung matanda.
Bigla ko naman binalibag si Alberto sa sahig.
"HOY IKAW AH! TINULUNGAN NA NGA KITA KANINA EH!"
*Ting*
Bumukas na yung pinto ng elevator kaya inalalayan ko na naman si Alberto. Syet ang bigat naman ng bakulaw na 'to -_-
Nakatayo na ako sa harap ng pinto ni Kuya. Nag door bell ako ng nag door bell. Walang sumasagot. Isang doorbell pa ang ginawa ko pero wala parin.
Walang nag bubukas.
PATAY! wala nga pala si Kuya! Nasa bar pa nga pala sila!
Nasapo ko ang ulo sa katangahan ko. Aish!
Naalala kong nilalagay niya yung isa niyang susi sa ilalim ng Door map. Kaya hinanap ko ito nakita ko.
Binuksan ko na yung pinto habang akay akay ko parin si Alberto. Pabagsak ko siyang nilagay sa kama ni kuya. Patay ako nito! Pero bahala na. Alangan naman sa bahay ko patuluyin yan? Sinigawan ko siya bago umalis sa kwarto ni Kuya
"Hoy lalake! Condo unit 'to ni Kuya! Iiwan na kita dito ah! Tatawagan ko nalang siya para malaman niyang may lalake dito! Wag kang gagawa ng kabalastugan ah! Kundi malilintikan ka sakin!" Sigaw ko at umalis na.
BINABASA MO ANG
The One
FanfictionMaria Sabrina Collins ang babaeng fan ng grupong 'The Bad Boys Band' na kinabibilangan ng kanyang kuya na si Seth Collins. Ang bumubuo sa banda nila ay sina Keith Montefalco, Pierce Navarro, Seth Collins at si Kaiden Anderson. Kasama niya ang kanya...