PROLOGUE

62 4 1
                                    

PROLOGUE


"A-ano, may s-sasabihin sana ako sa'yo." Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang susunod na mangyayari pagkatapos kong sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya.

Hindi siya sumagot at nag bigay pa ng nag tatakang tingin. Napayuko na lang ako sa hiya at sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman ko.

"A-than, ano kasi.... Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo to kaso inuunahan ako ng kaba ko. M-matagal na kitang gusto. Hindi ko alam kung kailan to nag simula pero nagising na lang ako isang araw, ikaw na agad ang nasa isip ko. Pag nakikita kita, bumibilis ang tibok ng puso ko. Pag kasama kita, feeling ko ligtas ako. Pag may kasama kang iba lalo na SIYA, nasasaktan ako kahit wala naman akong karapatan. Alam ko naman na hanggang mag kaibigan lang tayo pero sinabi ko na rin. Alam ko din na pagkatapos nito, pwedeng hindi na maibalik ang pagkakaibigan natin." Kabado at utal-utal kong sabi.

Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako. Hindi siya sumagot, siguro dahil sa galit o kung ano man. Hindi ko na kaya, aalis na ako.

"S-sige alis na ako." Bago ako umalis ay tumingin muna ako sa kanya. Nakita ko ang mga labi niyang unti-unting ngumingisi. Bago pa man ako makaalis ay nag salita siya.

"So you like my brother eh? By the way, I'm ETHAN Chase Cruz and not ATHAN Chance Cruz." WHAT?!

Double Trouble Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon