"How do I look? Okay lang ba saakin 'to?" Tanong ko kay Autumn habang hindi parin inaalis ang tingin ko sa salamin. Sheez! Kinakabahan ako! First day of school ko ngayon!
"Kahit naman ano isuot mo maganda eh" ngumiti sakin si Autumn. Nambola pa. Haha
"Eh kasi naman Aubrey! Sa school ko nalang din ikaw mag aral!"
"Oo, may inaasikaso lang ako"
Biglang may kumatok sa pinto.
"Sab! Anong oras na. Kumain na tayo at baka ma late tayo. Iiwan kita pag mabagal ka pa!" Sigaw ni kuya
"A-ano, Sab! Alis na pala ako. Nakalimutan kong may meeting nga pala akong pupuntahan ngayon" sabay ngiti niya. Inayos niya yung gamit niya atsaka lumabas.
Hindi manlang ako hinintay? Grabe talaga yung babaeng yun.
Bumaba na ako at sinabayan si Kuya kumain. Natapos na kami at sumakay na sa kotse. Si Kuya ang nag d-drive. Ako naka upo sa shot gun seat. Kwento ako ng kwento kay kuya. Sa mga years na pumunta kami ng US.
"Ahh, kuya! Si dad nga pala--"
"Shut it, Sab. I don't want to talk about that jerk!"
"Kuya! He's our father! Kahit na iniwan niya tayo, tatay parin natin siya"
"Whatever, sis. Mauna ka ng pumasok. Naturo ko naman sayo yung mga lugar diyan sa school diba? Yung room mo tandaan mo kung saan. May pupuntahan lang ako"
Tinapik ko si kuya sa balikat at ngumiti bago ako bumaba ng sasakyan niya.
Pagka pasok ko ay pinagtitinginan agad ako ng mga babae. Pero karamihan ay lalake. May iilan din ang nag bubulungan.
Hindi ko nalang sila pinansin. Taas noo akong naglakad papuntang room ko at baka ma late pa ako.
Pagpasok ko doon ay sumalubong na naman sakin ang mga tingin ng mga kaklase ko? Nagangat balikat nalang ako at umupo sa pinaka dulo. May apat na upuan sa last row. Lumingon lingon ako. Wala na talagang bakante kaya umupo ako malapit sa bintana. Yung iba napangsinghap at nagulat.
School ba talaga 'tong pinasukan namin ni Kuya? Bakit para magugulatin ata sila. At parang bihira lang makakita ng gantong nukha. Pang laban kasi sa pageant ang mukha ko eh. HAHHAHAHAHAHAH djk.
Biglang may humarap sakin tatlong babae. Tiningala ko sila kasi naka upo ako at sila naka tayo. Ngumiti ako sa kanila
"Hello! I'm Maria Sabrina Collins" ngumiti ako ulit
Nagulat ako ng padabog nung isang babae pinalo ang desk ko. Wala pa yung prof namin. Lahat ng mga classmates namin ay naka tingin na samin.
Tumayo ako "Teka ano bang problema niyo?" Mahinahon kong sabi sa mga bakekang na'to. Hindi porket transferee ako dito, hindi ko na sila papatulan. Bitch please?
"Ikaw! Ang kapal ng mukha mong umupo sa row na'to! Transferee ka pa naman! At akala ko ba bawal ang hampas lupa dito?" Nag iinit ang dugo ko dito sa mga babaeng 'to!
"Bakit ikaw? Matagal kana dito pero ayan agad pinapakitang ugali mo sa mga transferees? Pangalawa, kung bawal hampas lupa dito. Buti nakapasok ka" I smirked
Bigla naman umingay yung room namin.
Mukhang uminit ang ulo sakin, ang bakekang na'to kaya mabilis niyang higit ang braso ko
"A-aray ko! Ano ba!" Pumipiglas ako sa hawak ng babae pero tinulungan siya ng mga alipores niya.
Ano ba yan? Unang araw ko palang dito. May hindi na agad ako kasundo
BINABASA MO ANG
The One
FanfictionMaria Sabrina Collins ang babaeng fan ng grupong 'The Bad Boys Band' na kinabibilangan ng kanyang kuya na si Seth Collins. Ang bumubuo sa banda nila ay sina Keith Montefalco, Pierce Navarro, Seth Collins at si Kaiden Anderson. Kasama niya ang kanya...