Trains Go Separate Ways (BoyXBoy)

149 4 1
                                    

Hi guys! First time ko pong magdulat ng storya na ipapabasa ko sa publiko. Well, hindi kasi ako sanay magsulat ng mahahaba gamit ang wikang Pilipino kaya parang "training ground" ko na rin 'to. Ito po'y one shot lamang at kung resemblance man siya sa tunay na buhay, sasabihin ko pong kathang isip lamang ang storyang ito pati ang mga characters pero siyempre, may mga inspirasyon akong ginamit na maiuukol sa tunay na buhay; all the rest, kathang-isip na.

Heto na po ang Trains Go Separate Ways

•••

"Oh sige guys, sosorpresahin ko nalang si Miggy. Baka nga magustuhan niya 'yun. Alam niyo naman 'yun, parang bata sa pagkahilig sa sorpresa." Ang sabi ni Christian sa tatlo niyang bestfriends mula pagkabata na sina Anna, Kathy, at Dennise; ang mga natatanging nakakaalam sa tunay na kasarian ni Christian at ang pakikipagrelasyon nito kay Miggy, ang campus hottie.

Pero ang hindi alam ni Christian ay sa halip na masorpresa niya si Miggy, siya pala ang masosorpresa.

"Ay shit Kath, kailangan kong bumalik diyan sa bahay mo! Nakalimutan ko yung gift! Buti nalang kakababa ko lang ng train kaya nasa platform pa ako! Oh, abangan mo ako ha, babalik ako agad agad! Bye!" Ang sabi ni Christian kay Kath at kaagad naman nito binaba ang telepono.

Nang nakalipat na si Christian ng platform, hindi niya inaasahang may makikita siya.

Nang nakaalis na ang tren sa platform na pinanggalingan niya, lumantad ang dalawang taong napakahalaga sa kanya. Si Miggy at si Rhiann.

Si Rhiann ang isa pang matalik na kaibigan ni Christian. Siya ay napakatalino kaya parati silang sabay mag-aral ni Christian kaya siguro parehas silang nakagraduate bilang mga Valedictorian.

Si Miggy naman ay gwapo, maputi, at maganda ang hulma ng katawan buhat ng pag gy-gym. Ang buhay ni Christian, ang boyfriend niyang patago.

Si Christian ay 'di mapagkakailang gwapo't kaakit-akit. Maputi, katamtamang pangangatawan at matangkad. Siguro siya'y mga nasa 5 foot 10 inches. Purong Pilipino pero minsa'y napagkakamalang may lahing Tsino dahil siya'y singkit.

Napakabait ni Christian, bilang anak, kaibigan, at kasintahan. Sa sobrang kabaitan nga nito eh medyo naalarma na ang kanyang ina. Sabi nga sa kanya ni Mummy K: "Anak, hindi naman sa ayaw kong nakikitang masiyado kang mabait sa kapwa mo pero anak, minsan kasi naaabuso ka na hindi mo pa napapansin. Parang sa LRT lang, kapag bigay ka ng bigay, ikaw na rin ang nawawalan; ang napagiiwanan... Kaya anak please, maging mabait ka kung sa mabait pero huwag na huwag mong hayaang maabuso ka, matuto kang lumaban."

Bumungad sa kanya ang dalawang napakahalagang tao sa buhay niya... na naghahalikan. Hindi alam ni Christian ang gagawin at nabitawan niya na lamang ang kanyang telepono dahilan kung bakit nahulog ito sa riles at pumito naman ang guard on duty. Napansin niyang masiyado na siyang malapit sa dulo ng platform kaya umatras siya.

Ngayon, alam niya na ang ibig sabihin ng mapagiwanan, ng mawalan... Dahil kasi sa pagiging masiyadong mapagbigay. Masakit.

Dahil nga napapito ang guard on duty, natigilan si Rhiann at Miggy. Pero mas natigilan sila nang makita si Christian na nakatayo lamang sa kabilang platform nakatingin sa kanila habang unti-unting nilalamon ng matinding kalungkutan.

"Why? Ano bang ginawa kong mali? Ito na ba? Ito na ba ang sumpa ng pagiging masiyadong mabait?" Naisip ni Christian.

Nang akmang sisigaw sana sina Miggy ay tinaas lamang ni Christian ang kanyang palad, ngumit, at nagsabi ng napakahinang "No.". At tuluyan nang napahagulgol ito.

Bumaba na si Christian pero naisip niya na baka sumunod pababa sina Miggy kaya kalahati palang ng hagdan ay umakyat ito at saktong dumating ang tren.

Sumakay si Christian sa tren at nang tumunog na ang warning buzzer, kita niyang hingal na hingal na Miggy ang humahabol sa papasarang pinto. Niyakap na lamang ni Christian ang sarili at umiling iling habang humahagulgol parin at siya'y umatras mula sa pinto ng akmang makakahabol pa si Miggy.

Pero hindi. Hindi na siya umabot. Lahat ng mga paliwanag, lahat ng mga excuses na sana ibabato pa sa kay Christian ay hindi na nakaabot.

Sa mga nagdaang araw, hindi na muling nagkrus ang landas ni Christian, Rhiann, at Miggy. Dahil na nga rin sa magkakaiba sila ng kurso kahit pa'y iisang unibersidad lamang sila, hiwa-hiwalay parin ang mga building.

Kapag naman nagpupumilit si Rhiann at si Miggy na makausap si Christian, nandiyan sina Kathy, Anna, at Dennise para harangin ang mga ito.

"Ano friend, it's been 2 weeks since 'THE INCIDENT' so... Deretsahan na 'to, what's your game plan?" Ani ni Dennise.

"Hindi na friend. Ayoko na. Once is enough."

"Ha? Don't close your doors just because of one doorbell prank!"

"I am not! Well, it's more of kinda a, uhmm.. basta it's more than that."

"So???"

"What I meant was stop na. Hindi na. Tapos na ang mga araw ng pagiging masiyadong mabait; masiyadong mapagbigay. Sabi nga ni mum, ang masiyadong mabait, napagiiwanan, nawawalan... once is enough. Kaya ko 'to. Masakit man pero kakayanin ko, para sa sarili ko. Siguro it's time na talaga para paglaanan ko ng pansin ang sarili ko kaysa inuuna ko masiyado ang iba. Saying that I'm not okay right now is a gross understatement... I am so hurt right now; I feel so betrayed... so much. Kaya it's time na talaga for us to go on... Parang tren kami sa isang istasyon, nagtagpo man, maghihiwalay din. Magkaiba din ng tatahaking daan..."

- FIN -

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trains Go Separate Ways (One Shot • BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon