CHAPTER 40

87 4 0
                                    

Shine's POV

"Yaaaawwwwwnn. good morning sun!"

Maaga aga din akong nagising. 6;00 am palang naman 8 naman yung fool party.

Tulog pa si jane. Bakit kaya? Hayyst. Inayos ko na yung gamit ko para mamaya.

Medyo excited pero kinakabahan. siguro yun na yung parang field trip ng school.

Sana nga may js prom na e. Kaso matatagalan pa daw yun kasi dec. Palang baka naman daw sa february gaganapin. Para araw ng puso.

Maya maya may narinig ako bumaba sa hagdan. Nakita ko si jane.

"Good morning besti!" Sabi ko sa kanya. Ang good mood ko ngayon.

"Good morning too. Ano yan bestie?"

Tinatanong ni jane yung pagkain ko. Lagi ko naman to kinakain dati. Siguro nakalimutan na nya kung ano to.

"Coco-crunch bestie. You want?"

"No. Thanks nalang. Oat meal sakin e."

Kumain lang kami ng kumain habang nag kukwentuhan. Masaya maging bestfriend si jane. Oo maldita sya, masungit pero matalino at mabait.

Ang swerte ko nga talaga sa bestfriend ko. Kaso, makikita mo sa mata nya yung lungkot.

"Bestie, sabihin mo na"

"Anong sabihin ko na?"

"Bakit ka malungkot?"

"Hindi ako malungkot ah!"

"Bestie, di mo ako maloloko."

"Tss. Ok fine wala naman akong lusot sayo plagi e."

"So, ano nga yun?"

"Ah, eh.. kasi namimis ko na sya. Magcoconfess na nga ako e. Kung kelan mahal ko na sya. Saka sya aalis."

Nalungkot ako sa narinig ko. Bilang bestfriend nya, mas nasasaktan ako.

Hindi ako sanay na walang asungot dito sa bahay. di ako sanay na walang tumatawag na butiki saakin.

"Mahal mo ko?" Biglang nahulog si jane sa upuan nya. Ako naman ay napatayo.

"m-mark?"

nauutal na sabi ni jane.
Tumayo si jane at tumakbo papalapit kay mark at niyakap nya to.

"Kala ko di ka na babalik! bakit di ka nag paalam ha!?"

"Shh. May inasikaso lang. Jane mahal din kita"

"Ehem. ehem dun kayo sa kwarto wag dito. Kumakain ako oh, nakakaumay e!"

"Opps. Sorry, ang bitter mo bestie!"

Lumabas sila ng baHay. Hayysstt. Eto nanaman ako nag iisa. Walang ksama walang kausap.

Pero ok lang. tinapos ko na yung pagkain ko. umakyat ako sa taas at naligo. matagal ako mag ayos at alam ko yun.

Ganon talaga pag babae ka e. Marami ka dapat ayusin hindi tulad sa lalaki.

Pulbos lang, suklay, lagay ng gel. tapos, tapos na. O diba e sa babae marami.

Papatuyuin pa yung buhok, pa-planstahin, mag me-make up, mag iipit, mamimili ng damit na halos magtagal ng 123456 years. Dejoke.

Pero ganun talaga e. Isama mo pa yung menstration. Buti nalang tapos na ko. Hehehe.

Pinuntahan ko na si jane sa kwarto nya. Literal din akong napanganga dahil sa sobrang ganda at sexy nya.

Kahit malabo na ang mga mata ko, kitang kita ko parin sya. Sana ganyan din ako ka ganda.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon