CHAPTER 45

82 3 0
                                    

Shine's POV

3 weeks akong tulog. Ngayon lang ako nagising. Medyo masakit pa ang ulo ko Si kuya ang sumalubong saakin. Wala akong makita dahil naka benda ang mukha ko.

Alam na alam ko naman kung anong boses ni kuya e.

"Tyrone, gising na sya?" Nakarinig ako ng boses ng babae. Sino kaya to? Aba, hindi pwedeng girlfriend ni kuya dahil di pa sumadaan saakin yan.

"shine, bunso okey ka na ba?!" Tanong ni kuya. Hmmm. Biruin ko nga to. Ginaganahan ako e.

"S-sino kayo?" Sana umepek. Huhuhu. Sayang yung acting skills ko.

"Di mo ko natatandaan? A-ako to. S-si kuya tyrone"

"Sorry, hindi kita kilala. Sino ako?" Narinig kong sunod sunod ang pag sob ni kuya. Gusto ko tumawa ng malakas pinipigilan ko pero di ko na kaya, kaya natawa na ako.

Nagulat pa si kuya dahil bigla akong tumawa. "Joke lang yun kuya. Ang galing ko talaga. Hahaha siguro ang pangit ng mukha mo"

Patuloy ako sa pagtawa at yung ksama nyang babae. Sure ako maganda yun.

"Shine naman e! Ilang anesthisia ba ang tinurok sayo at ang lakas mo mang trip. 3 weeks kang tulog tapos ganyan ka *sniff"

"Kuya e.. nag lalambing lang, namiss kita kuya!" Naramdaman kong niyakap ako ni kuya. Sobrang higpit.

"K-kuya di ako makahinga! Bwisit ka!" Bumitaw na sya at sabay sabay kaming tumawa. Tinawagan na din ni girl si mama at si jane si mark din.. Sino nga ba to?

"Ahm kuya, sino yung ksama mo?" Tanong ko kay kuya. Ayoko sya masungitan kasi kakagising ko lang.

"Sya si sophia. Yung pinag seselosan mo. Yung crush ko" pabulong nyang sabi saakin yung huling line. Natawa ako.

"Crush ahskdlfl" tinakpan agad ni kuya yung bibig ko. Sasabihin ko pa naman sana na sya yung crush nya.

"Kahsnsb nakxks jskakd" hindi na maintindihan yung salita ko dahil naka takit parin si kuya sa bibig ko.

"Huy tyrone. Bitawan mo na si shine. Trip mo!" hay buti nlang andito si ate sophia. Kung hindi hindi na talaga ako bibitawan nito.

Dumating ang doctor kasabay ng pagdating nila mama. Kinausap muna ng doctor sandali sila mama sa sofa yata. Naiwan si kuya.

"Kuya.. nasan si sky?" Hindi ko kasi naririnig ang boses nya. Bakit kaya? Nasan kaya sya?

"Hindi mo pa ba alam kung sino ang donor mo?" Bigla akong kinabahan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Mag sasalita na sana ako kaso bumalik na yung doctor at sila mama.

"Handa ka na bang tanggalin natin yung benda sa mukha mo?" Tanong ng doctor. Tumango ako, sign na handa ng ako.

Huminga ako ng malalim.
May chance kasi na hindi parin ako maka kita e.

Unti unti ng tinangal ang benda sa mukha ko nag simula sa noo ko ang sa ilong. Nung natanggal ng tuluyan.

Hindi ko parin dinidilat yung mata ko dahil natatakot ako.

"Idilat mo na shine" sabi nung nurse. Kumapit ako sa bakal. Natatakot ako.

"ma, kuya, natatakot ako. Ayokong idilat" naiiyak na ako. Agad lumapit si mama. Niyakap nya ako ng pagkahigpit higpit na parabang sinasabi na wag ako matakot dahil andyan lang sya

"Sige na anak, makakakita ka promise" huminga ako ng malalim. Unti unti kong binuksan yung mata ko. Habang nakayakap ako kay mama. Bumitaw ako habng patuloy sa pagdilat.

Sweet BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon