The Sunset View

10 0 0
                                    


Bench..

Yun ba yung.... Kinakain?

Hindi! Beans yun!

Ah! Haha teka, yun ba yung 20 pesos? Benche?

Tss. Bente yun!

Hmm... saglit!

Bench... bench... wala na akong maisip na kalokohan! Aish.

Hello world! I'm Haze. Bahala na kayo kung paano niyo babasahin yan.




5:00 pm

Pauwi na ako galing school. Pero dahil ang ganda ng sunset...naupo ako sa bench na dinaanan ko. Pinanood ko ito hanggang sa tuluyan ng lamunin ng dagat ang araw.


Kanina ko pa napapnsin ang lalaking naka-shades na yan. Nakaupo siya sa kabilang bench. Mukhang pinagmamasdan rin niya ang paglubog ng araw. Kanina pa siya nakatingin diyan at ni hindi man lang lumilingon.


Gandang-ganda siguro sa dagat at araw! Parang ako lang. hehe.


Makauwi na nga. Hanapin pa ako ng ate kong nagmamaganda. Pwe! Maganda naman talaga. Pero mas maganda ako sabi nila.. Hehehe.

Dumaan ako sa harap ni Mr. Shades...

Bakit? Wala lang, trip ko eh.

Pero...



Hindi man lang lumingon! Ni hindi nga kumurap eh!

Engot, Haze! Paano mo nasabing di kumurap ha? Nakita mo ba? Nakita mo?

Hindi. Naka-shades eh.

Boplaks ka talaga.



^^^^

"B-break? Yun ba yung... y-yun ba yung... ginagawang pader?"

Brick yun, engot.

"Haze, yan ka na naman eh. Puro ka kalokohan."

"Bakit, Arlo? Nagbibiro ka lang naman diba?"

"Tsk! Maghiwalay na tayo, Haze. Di pa ba malinaw yun sayo?"

"Bakit, Arlo? Porket ba puro kalokohan ang alam ko? Tinatawanan mo naman diba?"

"Hindi yan, Haze."

"Dahil ba.... Dahil b-ba... b-bo-bobo ako?"

"..."

"Sabihin mo, anong dahilan?!"

"H-Hindi kita mahal, Haze. Akala ko magwowork. Akala ko, madedevelop din ang felings ko para sayo. I-Im sorry, Haze. I really am sorry!"

*boogsh!*

Sinapak ko siya.


____


Bench, paupo muna ha? Ang sakit pala masabihan ng hindi ka mahal ng boyprren mo. Ganito pala ang feeling. MASAKIT :(

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BENCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon