"Hello mom? Nasaan po yung driver?" Tanong ko kay mommy sa kabilang linya habang nandito ako sa parking lot.
... "Ay sorry 'nak. Nasira kasi yung sasakayan eh kaya di ka nya masusundo, pasensya na kung di ko nasabi agad nalimutan ko eh, alam mo na natanda na"
"Ah, ok lang po. Sige po mag co-commute nalang po ako"
... "Sige, mag iingat ka ha gabi na"
"Ok po" tapos ay pinatay ko na yung tawag. Buti nalang at laging may extra sa baon kong pera.
Tumingin ako sa wrist watch ko, 6:30pm narin pala. Nag lakad na ako palabas ng campus, onti nalang yung mga nasakay na estudayante dahil halos lahat nakauwi na.
Nung may jeep na huminto sa tapat ko agad akong sumakay dito. Nasa bandang gitna ako at siksikan na halos kami dito.
"Bayad po" sabi ko at inabot ko na yung bayad, medyo malayo-layo din yung bahay namin dahil sa traffic at pahinto-hinto pa itong jeep. Kaya naman napag pasyahan kong umidlip muna habang nakasansandal ako.
...
Pagmulat ko ako nalang pala ang mag isa ang nasa jeep at yung driver. Tumingin ulit ako sa wrist watch ko, 7:00pm na. Tumingin ako sa labas dahil baka lampas na yung subdivision namin.
Napakunot yung noo ko ng mapansin kong parang sobrang dilim ng dinadaanan namin na halos walang poste ng ilaw. Ang natatanging ilaw lang namin eh yung headlights ng jeep.
"Manong, brownout po ba? Bakit parang sobrang dilim ng kalsada?" Tanong ko kay manong driver, pero di sya sumagot kaya napatingin ulit ako sa labas.
Isa ko pang napansin ay parang kami lang yung nabyahe sa lugar na 'to, walang ibang sasakyan.
"Manong? Nasaan na po ba tayo?" Tanong ko ulit, pero ayaw talaga nya sumagot kaya lumapit ako sa unahan at inalog sya. At laking gulat ko ng biglang mahulog yung ulo nya sa lapag. Tapos ay sumirit yung dugo sa leeg nya.
At dahil sa sobrang takot ko, napatras ako. Tuloy tuloy parin ang pag andar ng jeep kahit wala ng ulo yung driver. Habang naatras ako may nabangga ako mula sa likuran ko kaya napatingin ako dito. At halos gusto ko ng maihi sa salawal ko ng makita ko ulit sya, yung anino na pulang pula ang mata. Napaatras ulit ako palayo sa kanya pabalik sa unahan kung nasaan ang pugot na ulo na driver.
"Si-sino ka ba?" Nanginginig kong sabi. Sa panaginip ko lang kasi sya laging nakikita, akala ko hindi sya totoo! Pero nasa harapan ko na sya, kaya ibig sabihin totoo sya!
"Ako ang sumumpa sayo na kahit kailan ay hindi ka magiging masaya!!! At ngayon handa kana ba ha? Handa ka na bang sumama sakin sa impyerno?!"
"Hindi! Panaginip lang kita! UMALIS KA DITO! UMALIS KA!" sigaw ko habang kinukurot ko yung sarili ko dahil baka panaginip lang pala 'to. Pero kahit anong gawin ko hindi talaga sya nawawala sa harapan ko.
"Hindi mo ko panaginip Lexter! Bangungot mo ako! Totoong bangungot!" Tapos non ay sinakal nya ako ng sobrang higpit na halos di na ako makahinga.
"Bi-bitawan mo ako!" Pilit kong tinatanggal yung kamay nya sa leeg ko pero sobrang lakas nya.
Hanggang sa makarinig ako ng malakas na pagsalpok, kaya naman nabitawan nya ako at tumilapon ako sa unahan. Tumama ang ulo ko sa matigas na bagay at dahil duon, nawalan ako ng malay.
...
BINABASA MO ANG
LEXTER
Mystery / Thriller|| Series of HNIA & AKP! || Si Lexter ay anak ni Alexis at Sixto na sinumpa ni Arleen na kapatid ni Steve. Ano ang mangyayari sa buhay ni Lexter? Magiging magulo kaya? Magiging masaya? O magiging nakakakilabot ang kanyang storya? Alamin yan dito sa...