Venus
Alas kwatro na ng umaga ng magising ako,sinadya ko talaga yun.
Kahit masakit na iwan ang taong mahal ko.
Ice
Nagising ako na wala na si Venus. Yung babaeng talaga yun. Tumayo na ako tsaka nag-shower. Tsk!
+Tok.Tok.Tok+
Napatingin ako sa pinto, gumuhit ng ngiti ng maisip ko na baka bumalik si Ve.
Agad ko naman binuksan ang pinto pero agad nawala ang mga ngiti sa labi ko ng malaman kung sino ang kumatok sa unit ko.
"Mars."-sambit ko. "Mukhang may hinihintay ka hah."-sambit ni Mars tsaka pumasok sa unit ko. Sinara ko naman agad ang pinto.
" Anong ginagawa mo dito?"-tanong ko agad kay Mars na busy sa pagtingin sa loob ng unit.
Nataranta agad ako ng makita ang maliit na mansa ng dugo sa kama ko.
"Sh*t!"-pabulong kong mura.
"Ahm, kumain ka na ba?"-tanong ko sa kanya napatingin naman siya sakin, ngumiti ito sabay hila sakin papuntang kusina.
Venus
Dumerecho agad ako sa bahay namin ng umalis ako sa unit ni Ice.
Agad sumalubong sakin si lola napatigil agad ako at nabalutan ng kaba sa dibdib.
"San ka galing?"-mahinahong tanong ni lola. "S-sa b-bahay ng k-klase ko...p-pasensya kana la kung hindi ako nakapagpaalam s-sayo...B-biglaan po kasi."-pagsisinungaling ko.
Nabigla ako ng ngumiti siya. "Okay lang apo, halika na kumain na tayo."-aya ni lola.
"Ahmm,s-sige po."-sambit ko at pumunta na kami sa mesa.
~~
Mag iisang linggo na ang nakalipas ng may mangyari samin ni Ice. Isang linggo narin kaming di nagkikita at mas okay na yun.
Iniiwan ko narin silang dalawa ni Mars, di ko narin sinasagot ang mga tawag ni Ice.
Habang busy sa paglilinis ng bahay napatigil ako ng may biglang kumatok sa pinto.
Agad ko naman itong binuksan at kinagulat ang taong nasa harapan ko ngayon.
"M-mars."-bati ko sa kanya. Ngumiti lang ito sabay yakap sakin. "Kamusta kana Ve, namiss kita."-sambit ni mars sakin na kinagulat ko, niyakap ko rin siya bilang pagtugon dito. "Namiss rin kita Mars."-sambit ko. Gusto kong umiiyak dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Kumalas kami sa pagkakayakap at inaya siyang pumasok sa loob ng bahay.
Umupo kami sa upuang kahoy namin.
"Napadalaw ka?"-tanong ko sa kanya.
"Ahmm wala lang..namiss lang talaga kita."-masaya niyang sambit.
"Ah ganon ba."-ani ko. "Ewan ko ba kung bakit bigla kitang namiss siguro naglilihi ako."-sambit niya na kinabigla ko. "N-naglilihi?"-takang tanong ko. "Oo,baka kasi alam mo na."-masaya niyang ani. "S-sinong ama?"-tanong ko. Sana wag siya.. "sino pa ba, edi si Ice."-sagot niya.
Para akong sinaksak ng ilang beses. "G-ganon b-ba..c-congrats."-ani ko. Ngumiti lang ito.
"Thank you Ve."-sambit nito sabay hawak sa tiyan niya. "I-ilang b-buwan n-na yan?"-tanong ko habang hinahawakan ang kamay kong nanginginig na.
Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa mga tanong ko. Sh*t ka Ve!
"Ahmm,di ko pa alam. Di pa kasi kami nakakapunta sa doctor ni Ice."-masigla nitong sambit.
Humaba pa ang aming paguusap ni Mars at himala na kinaya ko yun hanggang napagdesisyunan na ni Mars umuwi.
Hinatid ko siya sa pinto at nung mawala na siya sa aking paningin dun ko nilock ang pinto tsaka sumandal dito at dun humagolgol ng iyak.
Kailangan ko na talaga siyang kalimutan alang alang kay Mars at sa magiging...anak nila.
BINABASA MO ANG
Kabit Ako Ng Taong Mahal Ko(EDITING)#HHC2018
DiversosMasaya na kaming dalawa ng taong mahal ko, almost perfect na nga eh pero dahil sa katangahan ko nagbago lahat. Naging parang roller coaster ang buhay ko na humantong sa pagiging sampid ko o pagiging kabit sa buhay ng taong mahal ko. Pero nagbago ako...