JAENIE P.O.V
*knock knock knock* "Rise and Shine bunso" I slowly open my right eye, then I saw my Kuya Jacob opening the curtains, para makapasok ang sun light sa kwarto ko, he even open the balcony.
"Bunso, pasensya na ako ang gumising sa'yo, maagang umalis si Mom and Dad para sa business trip sa Macau, biglaan e" so sad, wala na naman pala sila Mommy at Daddy.
"Okay lang kuya, minsan ka lang namang andito sa Pinas eh" I smiled at him.
"Nga pala, tumawag ang President ng camera club n'yo 9:30 daw call time ng shoot n'yo" oo nga pala may shoot nga pala ako today, pero ang sakit pa rin ng katawan ko dahil ng pagtuturo ko ng volleyball kahapon.
"Ang sakit pa ng katawan ko kuya, anong oras na ba?" Tanong ko kay kuya.
"It's 8:00 am na bunso, may hinanda na akong breakfast sa dining table natin, may business meeting ako with the Torres, bumangon ka na ha, maliligo lang ako at magbibihis at aalis na" lumapit muna sa akin si Kuya at kiniss ako sa noo. Then lumabas na rin naman s'ya.
Tingnan mo itong si Kuya Jacob binuksan ang pinto ng balcony ko e bukas ang aircon, nagsasayang ng kuryente eh. Hahahaha. Makabangon na nga.
Bumangon na ako at dumeretso muna sa bathroom para mag toothbrush at maligo na bago kumain.
After maligo, nag browse lang ako ng maaaring isuot sa closet ko and I decided to wear a white v-neck t-shirt, black leggings and my white roshe run. Since nasa locker ko na ang jersey ko di ko na kailangan pang magdala ng ibang damit, so ung black cross bag ko lang ang dinala ko.
After ko namang mag ready, bumaba na ako sa dining area namin at kumain na, nakita ko naman si kuya na, umiinom ng tubig, naka corporate suit na s'ya.
"Kuya, mukhang formal ang meeting mo sa mga Torres ah" pag puna ko naman kay kuya dahil nga masyadong formal ang suot n'ya.
"Oo bunso, pag uusapan lang ang kasal n'yo at ang pag kikita n'yo na talaga ni Gabriel Torres, since wala sila Mommy and Daddy, ako muna ang makikipag meeting sa kanila" so wala na akong takas this time?
"Ahhh, ingat ka kuya !" I smiled and hugged him bago s'ya umalis.
Umalis na rin naman si Kuya, ako at ang mga maid na lang ang natitira dito sa bahay.
Kumakain ako, feel na feel ko pa kasi ang sarap ng luto ni kuya, when suddenly my phone rang.
*ring ring ring* tiningnan ko naman ito, pero unknown number lang, hindi ko sinagot kasi di naman naka register sa contacts ko eh. After 5 seconds nag ring ulit pero dinecline ko lang. Pero nag ring lang ulit at sinagot ko na.
"What took you so long to answer my call?" Sabi ng lalaki sa kabila ng linya.
"Ha?" Yun lang ang nasabi ko.
"Where the hell are you?! It's already 9:45 am you are 15 minutes late!, ano yun? Kami pa mag aantay sayo?! May mga importante din kaming gagawin after this shoot!" Sigaw ng nasa kabilang linya.
"Sino ba ito?" Mahinahon ko namang tanong.
"This is Lemuel, pinatawagan ka nila sakin, dahil kanina pa kaming nag aantay sayo!" Napatingin naman ako sa wall clock ng dining area at nanlaki ang mata ko literal ng makita kong 9:45 na nga.
"Pasensya na, wait lang papunta na ako d'yan" hala, eto ka na naman Jae.
"Manang!, alis na ho ako, pakiligpit na ho muna ng pinag kainan ko. Nagmamadali po ako" sabay inom ko naman ng tubig at tumakbo na palabas ng bahay para makasakay sa sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
Born For YOU
Romance"The BEST kind of relationships begin unexpectedly. When you get that astonished feeling and everything happens so suddenly. That's why you don't look for Love. It'll come to you just at the right time; the time you never thought it would have"