Chapter 5

1 0 0
                                    

Mabilis dumaan ang mga araw at ngayong ay friday na. Half day kami tuwing friday kaya tinawagan ko si Autumn para sa bestfriend bonding namin ngayon. Haha excited nako

Maraming nangyari sa buong linggo ko dito. Lahat nakaka inis kasi loner ako.

Tapos kanina may sinasabi si Sir samin, hindi ko tuloy alam kung ano ba yun? Ang narinig ko lang eh may program sa next Saturday.

Magtatanong sana ako sa mga classmates ko kung sino ka grupo ko. Kaso naalala ko, hindi nga pala nila ako pinapansin.

Pero ngayon tatanggalin muna natin ang stress sa isip natin. Haha!

Si Autumn marunong na siyang mag maneho. Kaya may sasakyan na siya. Pero ako marunong kaso wala akong sariling kotse. One day. Magkakaroon din ako niyan.

Sinabi ko narin kay kuya kanina na wag na niya akong isabay kasi nga diba mag b-bonding kami ni Autumn. Okay naman daw, basta mag iingat lang daw kami.

Maya maya pa ay dumating na si Aubrey. Kumaway ako sa kanya at ngumiti. Sumakay na ako at pinaandar na niya ang kotse. Naka ngiti siyang sumalubong sakin.

Minsan napapaisip ako kung may manliligaw na ba si aubrey at ayaw niya lang siguro sabihin. Pero napa iling nalang ako. Dapat magtiwala ako sa bespren ko. Nirerespeto ko kung ayaw niya sabihin sa akin ngayon.

"Anyare sayo diyan Sab? May pailing-iling ka pa diyan? Pfft!"

"Wala, wala. Haha!"

"Saan gusto mo unahin? Kumain o mag laro ng.."

"Arcaaaade! HAHAHAHAHA" nag sabay kami. Haha mahal na mahal namin ang mga palaruan. Sa states, medyo iba man yung Arcade dun kaysa dito. Pero mas masaya dito! Haha

Nag park na kami sa parking lot ng building at pumasok na.

Tumingin ako kay Aubrey ng mag tanong siya sa akin

"So.. Saan mo gusto unahin?" Naka taas na kilay niya

"Arcade muna tayoo!"

"Sige tara na nga! Haha"

Ayun nag lakad kami ng nag lakad. Muntik pa kaming maligaw kakahanap kung nasaan ba dito ang arcade. Parang kaming ignorante! Minsan parang nakikita kong tinatawanan kami ni Lady guard. Huhubels

At ayun! Nakarating narin kami sa tapat ng arcade! Malayo palang, nag sasabong na yung tugtog ng sayawan at kantahan.

Iniwan ko muna si Aubrey at nag papalit ng maraming tokens. As in MARAMI!

Bumalik na ako sa kinaroroonan ni Aubrey at ibinigay ang kalahati ng pinapalitan kong tokens sa kanya.

"Woah, grabe ka naman, Sab? Ang dami!"

"Haha, okay lang yan! Para hindi bitin!"

Pag sa ganitong oras, nag hihiwalay muna kami ni Aubrey. Siya sa sayawan. At ako naman sa kantahan. Kapag sa laro naman ay ako basketball, at siya naman ay sa target shooting.

Pumili na ako ng kanta, at nag simula na mag hulog ng dalawang tokens sa may video-oke. Nag sinula na itong tumugtog

"Para kang asukal, sintamis mong mag mahal

Para kang kumot, na yumayakap sa tuwing ako'y na lulungkot

Kaya't wag mag tataka, kung bakit ayaw kitang mawala~"

Naka pikit ako habang kinakanta ko ang bawat lyrics. Dinadama ko yun. Parang kasing may kulang sakin? Hayy wala. Basta parang feel ko 'tong kantahin kaya ito ang pinili ko

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon