Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, kaya ngayon mukha akong zombie! Nilagyan ko ng concealer ang eye bags ko at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri ko. Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa dining room. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kristoffer sa tabi ng upuan ko. Nakangisi lamang siya sa akin, inirapan ko siya at hinalikan sa pisngi si Mom at Dad. Kumpleto kami ngayon ah, pati si Kuya Seth at Sab ay nandito. Umupo na ako sa tabi ni Kristoffer.
"Boyfriend mo na pala itong si Kristoffer." Dad said.
Lumingon ako kay Toffer na nakangisi at inilipat ang tingin kay Dad. "Yes, Dad." Naramdaman kong may humawak sa kaliwang kamay ko na nakapatong sa aking hita. Tinignan ko si Toffer at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Mas hinigpitan niya naman ang pagkakahawak dito. Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko nalang siya.
"Kelan pa naging kayo?" Tanong ni Kuya Seth habang nakataas ang kilay. Hindi ko pinansin ang tanong ni Kuya at nagsimula na akong kumain ng breakfast.
"Samantha Margaux I am asking you!" Pasigaw na sabi ni Kuya.
"Kagabi lang." Pacool na sagot ni Toffer sa tanong ni Kuya sa akin.
"Huwag ka ngang magalit kay Samantha, kuya. Porket nagaway kayo ni Ate Sandra kagabi, magagalit ka na din kay Samantha." Pagtatanggol sa akin ni Sab. Hindi ko nalang sila pinansin at patuloy pa din sa pagkain.
"Bata pa si Sam! Hindi pa siya pwedeng magboyfriend!" Sigaw uli ni Kuya.
"Seth, hayaan mo na si Sam at Kristoffer. Alam na nila ang ginagawa nila, right baby?" Napatingin ako kay Mom at tumango.
"Fine!" Pagsuko ni Kuya.
"Let's eat." Mahinahong sabi ni Dad. Yas, di pa sila nagsisimulang kumain. Ako palang ang nakain habang nagaaway away sila kanina. Napalingon ako kay Toffer ng kulbitin niya ako. Nagtaas ako na kilay sa kanya.
"Subuan mo ako." Sabi niya, hindi pa din kasi niya bininitawan ang kaliwang kamay ko. Umirap ako at sinubuan siya.
"Kelan pala ako magkakaapo?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Mom.
"Mom!" Sabay na sigaw namin ni Kuya Seth.
Natawa naman si Sab at si Toffer, habang si Dad ay napapailing.
"Kelan niyo po ba gusto?" Natatawang tanong ni Kristoffer. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya naman napangiwi siya.
"Bukas!" Humahagikgik na sabi ni Mom. Umiling nalang ako at uminom na ng tubig. Tumayo na ako at humalik sa pisngi nila Mom. "Alis na po kami!" Sigaw ko at hinila si Toffer palabas ng bahay.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya, kaya naman pumasok na ako. Umikot naman siya sa harap para makapasok sa driver's seat. Nagulat ako ng inilapit niya ang mukha niya sa aking mukha. Napakunot ang noo ko, ngumisi lang siya at inayos ang seatbelt ko. Habang inaayos niya ay naaamoy ko ang mabangong buhok niya. Hindi ko napigilan kaya hinawakan ko ang buhok niya. Napatingala naman siya sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa, hanggang sa mas lumapit pa ang mukha niya sa mukha ko.
"HAHAHAHAHHAAHHAHAAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAA." Sabay naming tawa. Lumayo na siya at umayos ng upo. Nagsimula na siyang magdrive papunta sa school.
"Toffer?"
"Hmmm. Why, Gaux?" Tanong niya nang di lumilingon sa akin.
"Totoo na ba talaga 'to? I mean, uhm tayo na ba talaga?" Tanong ko habang tinitignan ang mukha niya.
Lumingon siya saglit sa akin bago ibinaling ang tingin ng diretso. "Oo naman." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko habang ang isang kamay niya ang nakahawak sa manibela.
"Why?" Tanong ko.
"Why?" Paguulit niya sa tanong ko, na parang tinatanong ang kasunod.
"Why did you asked me to be your girlfriend?"
"Because I want to be your boyfriend." Sagot niya at hinalikan ang kaliwang kamay ko. I felt butterflies in my stomach. Totoo pala 'yon? Never in my life I felt something like this. This is very unfamiliar feeling to me. Na kahit nagkaboyfriend na ako dati ay hindi ko naramdaman itong pakiramdam noon. Feeling ko nasa cloud nine ako.
"I promise, Gaux. Hindi kita sasaktan." Sabi ni Toffer at hinalikan ako sa labi. Hindi tumagal ang paghalik niya sa akin. "Tara?" Nagtaka ako sa tanong niya. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Nakarating na pala kami sa parking lot ng school. Tumango ako sa kanya at ngumiti. Bumaba na siya at binuksan ang pintuan ko. Tinanggal niya ang seatbelt ko at inalalayan ako bumaba. Pagkasara niya ng pinto ay pinatunog niya ang sasakyan.
We are holding hands while walking our way to our school. First time ko 'to. First time kong may makaholding hands. Siguro lahat ng first ko ay si Toffer, maliban nalang sa first boyfriend. Pinagtitinginan kami ng ibang estudyante na papasok din ng school. Lahat sila ay halatang kinikilig sa amin, nginitian ko nalang sila at mukhang nagulat pa yata sila.
BINABASA MO ANG
The Revenge of the Wallflower Girl
Ficção AdolescenteSi Samantha ay isang nerd sa kanilang school. Palagi siyang binubully dahil nakasalamin siya at panget daw siya. Hindi niya pinansin lahat ng panlalait na iyon. Hindi siya umiimik tuwing inaapi siya. Hanggang sa isang araw, ang kanyang nobyo na si...