Diko alam kung bakit hangang ngayon nararamdaman ko pa din yung sakit.
7months na ang nakalipas simula nung mangyare ang lahat antagal na diba pero hangang ngayon di pa din ako makamoveon?Sorry ha, sorry kasi minahal kita.
Sorry ha, sorry kung sineryoso kita.
Sorry ha, sorry kung naghahabol ako.
Sorry ha, sorry kung iniiyakan ko ang isang katulad mo.
Sorry ha, sorry kung tanga ako.
Sorry ha, sorry kung umaasa ako.
Sorry ha, sorry kung papansin ako.
Sorry ha, sorry kung feeling close ako sayo.
Sorry ha, sorry kung text pa din ako ng text.
Sorry ha, sorry kung iniistalk kita sa fb.
Sorry ha, sorry kung nagpapakita pa ko sayo palagi.
Sorry ha, sorry kung napunta pa ko sainyo.
Sorry ha, sorry kung naguupload ako ng pictures kasama ka.
SORRY HA? Miski kasi ako diko din alam kung bakit nagagawa ko yung mga bagay na yan, diko nga alam kung bakit hangang ngayon nagkakagnito pa din ako. Diko alam kung hangang kailan ako magiging ganito.
Inaamin ko na sa loob ng ilang buwan na nakikita mokong masaya at nakangiti sa kabila ng lahat ng kasiyahan na yon may tinatagong sakit, lungkot at kasawian.
"MJ POV"
"i think im falling"
"i think im falling"
"i think im falling"Mga katagang diko makalimutan at paulit ulit na sumasagi sa aking isipan. Simple salita lang pero pag narinig mo yan galing sa taong mahal na mahal mo at ineexpect mong mahal na mahal kapa, sobrang sakit pakingan e. Yung tipong mas masakit pa pag ginulpi ka nang nanay mo. Pero seryoso masakit talaga.
*flashback*
"bakit ba ayaw mona?" malungkot kong tinatanong sakanya. Ngunit hindi siya sumasagot.
"tumingin ka naman sa mga mata ko, bakit ayaw mona bi? :("
"wag mokong iiwan hindi ko kaya"
At nagsimula nang tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Ang hirap, ang hirap pigilan nang mga luhang patuloy ang daloy mula sa aking mga mata. Bigla niya akong tinignan at nataranta siya di niya alam kung anong gagawin niya. Kailangan kopa pala umiyak bago niya ako titigan at kausapin. -_- :( </3"hala wag ka umiyak bi :("
"bi sagutin moko bakit ayaw mona? :("
Yumuko muna siya saglit, para bang nagiisip kung sasabihin niya ba yung dahilan o hindi :(
Mga ilang segundo tumingin siya saken tapos may binubulong siya. Hindi ko maintindihan yung sinasabe niya kaya tinanong ko siya.
"hindi kita maintindihan bi, baka pwedeng sabihin mo nang maayos"
Patuloy pa din ang daloy nang aking mga luha.Lumapit siya nang konti sakin, tapos nagsalita siya ngunit sa mahinang tinig.
"i think im falling :("
*end of flashback*
Hindi ko alam gagawin ko pagkatapos kong marinig ang sinabi niya, halos mamatay ako sa sobrang sakit nung mga panahong iyon, napahiga nalang ako sa sahig nila at iyak nang iyak. Umiyak din siya habang naiyak ako, alam kong nasasaktan siya habang nakikita niya kong nasasaktan, kaya inupo niya ako sabay hinalikan sa pisngi. Pero hindi pa rin sapat yun para huminto ako sa pagiyak. Sobrang sakit, napaka sakit. Yung mga panahon na yun gustong gusto kong sapakin yung pader nila sa sobrang sakit, gusto kong tumalon sa terrace nila, gusto kong mamatay dahil hindi ko na talaga kaya yung sakit na nararamdaman ko. Hindi ko siya masisisi sa mga desisyon niya, dahil kahit kailan diko naman pwedeng diktahan yung puso niya.
A/N: ngayon ko lang napublish hahaha ngayon ko lang kasi nabuksan account ko dito e. :D sorry po. Sorry sa errors. Kung naguguluhan po kayo sa story pwede pong mag tanong saken feel free to message me po. :) Godbless po sa lahat.