#TSBLivingTogether

18 1 0
                                    


Ilang oras na 'ko nagkukulong dito sa kwarto. Anong oras na ba? Ayoko makita yung hinayupak na yun. I still can't believe na may kahati na 'ko sa bahay ko and what make it worse is lalaki pa! Badtrip talaga ako sa daddy ko.


'Di na ako nakatiis na hindi lumabas. I'm really hungry. Isang baso lang na kape ang laman ng tyan ko simula pa kaninang hapon and it is nearly nine in the evening.


Pagkalabas ko ay nandoon yung lalaki sa couch at nanonood ng TV. Wow ha! Feel at home.


"Where's my food?" I asked him.


Tiningnan nya ako at nagkibit-balikat.


"Hoy! 'Di ba sabi ko magluto ka ng dinner? Nasaan na?" Tanong ko uli habang naghahanap sa kitchen.


Tinuon nya yung tingin sa TV, "As far as I know, my job description is to protect you at all cost and not to follow your orders."


Kinuyom ko yung palad ko. "Grr! Bwiset! Ikaw na nga tong nakikitira dito, antipatiko!"


Naghanap na lang akong ng instant noodles sa kitchen at niluto 'to. Tapos napansin ko ang mga pinagkainan nya sa sink. Kapal! Hindi talaga nya ako tinirahan sa niluto nya. Supplies ko lahat ng nandito at ginamit nya 'yon without my permission. Damn it! How can I survive when someone's making it harder.


Umupo ako sa sofa at nakinood na rin ng TV habang kinakain yung noodles.


"Hey, what's your name again?" Tanong ko sa kanya.


Hindi nya inalis yung tingin nya sa TV at nag-cross arms, "Sinabi ko na yun kanina. Problema mo na kung di mo yun maalala Ms. Mariyenne."


"So ano ang gusto mo itawag ko sa'yo ngayon nyan? Mokong? Epal? Jerk? Pangit?!" Inis kong sabi. Damn! Nagtatanong ng maayos tapos gano'n ang sagot? Sino matutuwa no'n?!


"Axe, call me Axe." Tapos tumayo na sya at dumiretso sa kwarto nya.


Nag-isip naman ako ng gagawin habang nasa sofa. Hindi pwedeng ganito kami sa bahay KO. Nagtatrabaho sya kay daddy kaya hindi ko sya mapasunod sa gusto ko. Hindi ko alam kung paano na ang buhay ko ngayon na may dumagdag na asungot.


Buong gabi, nag-iisip ako ng paraan para mas maging madali ang lahat sa buhay ko dito. Hanggang sa naisipan ko gumawa ng rules.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

#1 Mind your own business.

#2 Share with the chores as well as expenses(especially food supplies).

#3 Clean as you go.

#4 Privacy is the best policy.

#5 Taking photos and personal information is prohibited.

#6 There's a schedule for everything.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Superstar's Bodyguard [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon