Multo

8 0 0
                                    

Inihahalintulad ko ang pag ibig sa isang multo. Kagaya mo, kagaya nyo ako'y dipa gaanong naniniwala sa multo pero pag ikaw ay nakarinig ng mga kwento ikaw ay matatakot. Oo tama nakakatakot minsan kase matatakot kana lang na baka balang araw ay iwan nya tayo. Oo nakakatakot kase minsan maiisip mo nalang na baka hindi tlaga kayo para sa isat isa. Minsan maiisip mo na para bang dumating lang sya sa buhay mo para pasayahin ka sa isang limitadong oras o panahon ng buhay mo. Pero pag dating ng ilang minuto,oras,araw,lingo,buwan o taon iiwan nya rin tayo. Nakakatakot. Nakakatakot na umasa tayo sa akalang Sya na, Sya na hanggang dulo. Pero hindi padin pala. Nakakasawang umasa sa katagang 'mahal kita' oo minahal mo ako. Pero yung pag mamahal na ibinigay mo ay limitado pala. Dimo pala kayang patunayan ng matagal. Susuko kadin pala. Iiwanan mo lang din pala akong mag isa. Hindi mo pala ako masasamahan sa daan na ipinangako naten sa isat isa. Na kahit anong mangyare ay mag kasama tayo sa daan na iyon. Pero yung akala kong diretso at walang hangganan na daan. Ay magtatapos din pala. Mag iiba ka pala ng daan. Pinili mong lumiko. Kung saan hindi na ako ang iyong kasama. Kung saan parehas na tayong mag isa sa daan. Kung saan walang kasiguraduhan ang tatahakin kong landas. Napaka dilim, wala na yung ilaw na mag hahatid saken sa tamang daan. Yung ilaw na akala ko hinding hindi mapupundi at sasamahan ako hanggang sa dulo ng walang hanggan. Ngunit mali pala. Mapupundi ka din pala at iiwan ako. Kaya naiwan ako sa isang daanan na sobrang dilim. Wala akong makita. Pinipilit kong sundan ang mga himig mo. Pinipilit kong maglakad mag isa. Ngunit naririnig ko ang himig mo. Hinahanap kita. May naaaninag akong ilaw sa napaka layong lugar sa dadaanan ko. Pero ito ay nawawala. Naiisip ko na ikaw yon. Kaya iniisip kong ikaw yung ilaw na yon. Kaya diko piniling sumuko. Pinili kong lumaban, pinili kong sundan ang ilaw na nagmumula sayo, pero ito din pala ay mawawala siguro nga ito'y tinatakpan mo. Para maligaw ako. Para matuto akong lumabn mag isa. Siguro nga ginusto mo nalang din mag isa. Siguro nga mas pinili mo nalang mag isa. Kaya kahit anong aninag ko sa ilaw na iyon. Mawawala at mawawala din pala. Kase nga,siguro nga ayaw mona kong makapunta kung nasaan ka man. Kaya ibbgay ko na ang daan sa iyo. At ako ay kakaliwa. Mag iiba na ako ng daan para sayo mahal. Siguro nga hindi tayo pwedeng mag sabay. Siguro nga kailangan ko ng mag iba ng daan. Kung san wala sa landas mo. Kung saan wala na ako sa pangarap mong daan. Kaya ako ay mag lalaho na mahal sa landas na tatahakin mo Paalam mahal!subalit sa kabila ng lahat ng hirap at sakit Ako'y nag babakasakali padin sa muling pag kikita at sana sa pag kikita na iyon ikaw ay babalik pa. Ako'y maghihintay sa muling pagbabalik mo mahal. Hindi man siguro ngayon siguro sa mga susunod na panahon. Kahit walang kasiguraduhan ako'y Magbabakasakali...

By: Angelo Christian C. Argente

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Multo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon