Prologue

0 0 0
                                    

"Heto. Tignan mo ang gawa ko," sabi ko at binuhat ang aking alagang pusa sa harapan ng screen.

"Sa tingin mo, matutuwa kaya sila dito?" Tanong ko sa aking alaga habang nasa ibabaw siya ng aking mesa at dahan-dahang hinihimas ang kanyang balahibo.

Nakatingin pa rin siya sa screen at pinagmamasdan ang gawa kong web toon. Kinuha ko ang tasa ng aking kape at uminom dito.

"Meow." Sagot ng aking pusa.

Napangiti ako sa kanyang sagot at muling hinimas ang kanyang balahibo. Sa susunod, ikaw na ang iguguhit ko.

Hinalikan ko sa labi ang aking alaga at sinabing, "Huwag mo akong iiwan."

• • •

My Guardian Cat Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon