Mahal nasaan ka?
Mahal nanjan kapa ba?
Mahal kailangan kita!
Mahal babalik kapa ba?
Mahal maghihintay padin ako kahit walang kasiguraduhan.
Mahal nandito lang ako sa tabi mo
Mahal miss na miss na kita
Mahal ikaw padin yung 'SUM' ko at ako padin ang 'PONG' mo.
Mahal hindi mag babago ang pag mamahal ko sayo.
Ikaw at ikaw padin ang hahanapin ng puso kong ito.
Mahal ang hirap
Mahal sobra ang sakit
Mahal hindi kona kaya
Mahal ikaw lang ang kailangan ko
Mahal pakiusap sabay nating harapin ang pagsubok na ito
Mahal Patawad sa lahat
Mahal nag sisisi ako
Mahal tulungan mo naman ako ng tulad ng dati.
Mahal alam kong masaya kana ngayon ng wala ako
Pero mahal ako, ito nangungulila sayo, sa mga yakap at halik mo! Sa mga himig mong nag papasaya ng araw ko.
Mahal sobrang hirap pala masanay ng ksama kita
Mahal hindi ko alam na ganto pala kahirap gawin yung mga bagay na kasama kita subalit ngayon ako nalang mag isa.
Bawat gawain na ginagawa nateng dalawa noon ay ginagawa kong mag isa ngayon pero kalaunan ay naaalala padin kita sumasagi kapa din sa isip ko. Ako'y nag papakatatag. Pinipilit kong maging matatag ng sa ganon dimo ako masabihan ng mahina, ng sa ganon dimo ako makitang sobra ang pag durusa nung nawala ka. Pero hindi ko mapigilang maluha at maisip ka. Kahit anong gawin ko sa araw di man kita naiisip ngunit pag dating ng gabi, pag ako'y nahiga na sa mainit kong higaan. Doon, oo doon ay paulit ulit kitang naalala, pag ka yakap ko ang aking unan pag ang kumot ko ang nagsisilbing painit sa aking katawan. Dahil nasanay na akong katabi kita nasanay akong humihiga sa binti at braso mo nasanay akong yakap mo ang nag sisilbing kumot ko. Nasanay akong Gigising ng umaga mukha mong kay ganda ang masisilayangg ko. Kaya ang hirap! Sobrang hirap! Pero wala kana. Mukhang kailangan ko na nga sigurong sanayin ulit mag isa. Kinaya kong lumaki mag isa pero bakit ganon yung mahigit dalawa't kalahating taon nating pag sasama ay para bang buong buhay kona?Oo kinaya kong lumaki mag isa pero bat ganon? Nung nawala ka parang hindi kona kayang ipag patuloy pa. Nung nawala ka gsto kong tapusin na. Ilang Beses sumagi sa isip ko na sana mamatay nalang ako. Para tapos na, Para wala na, wala ng sakit , at para wala nakong maramdaman. Mahal bakit kung kelan kita kailangan eh aalis ka? Mahal ako lang ba ang may mali? Mahal bakit kailangan umabot sa ganto? Mahal nasaan kana? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ang tulong mo? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ang yakap mo? Nasaan ka nung mga panahong kailangan ko ang suporta mo? Nasaan ka nung mga panahong mahina ako! Mahal hindi lang ako ang mali! Marami ka ring pagkakamali pero hindi ko ginawang sukuan ka! Diko ginawang layuan ka! Dahil alam kong pag tapos ng lahat masaya padin ako pag kasama kita! Dahil alam ko sa sarili kong nanjan kapa. May uuwian padin ang puso ko.