Chapter 6

1 0 0
                                    

"Oh my! Half japanese ka?! Kaya pala ang puti mo! Ang ganda pa!"

"Haha, grabe ka naman. Maganda ka naman din ah"

"Ehem" napatingin naman kaming dalawa ni Fiona kay Aubrey

"Ahh, syempre maganda din si Aubrey. Diba aubrey? Hehe" palusot ko

"Baliw, na o-op kasi ako sa inyo. Haha! Hello, namdito pa ako"

"Baliw talaga 'tong si Aubrey. Hahaha!"

"Teka, pano nga pala kayo nagkakilala?" Tanong ko habang nag lalakad na kami papuntang restaurant.

_

Ayun nag kwentuhan lang kami nila Fiona. Si Aubrey ay nag paliwanag sakin kung bakit sila naging mag pinsan ni Fiona. Ayun pala ay magkapatid ang tatay ni Aubrey at Nanay ni Fiona. At si Fiona naman ay nag kwento tungkol sa japan. Pangarap kong maka punta ng japan. Puro kasi US at New York lang napupuntahan ko.

"Haha, sige Fiona. Bye! Thankyou! Sa susunod ulit ah." Ngumiti kami sa kanya ni Aubrey. Ngumiti naman din siya sa amin pabalik

"Salamat din! Sige mag iingat kayo ni pinsan ah. Pareho pa namab kayong baliw, haha"

"Ah! Nag salita ang hindi baliw. Haha" parinig ni Aubrey at pareho kaming natawa.

Nag paalam na kami kay Fiona at umalis na. Mabilis akong naihatid ni Aubrey sa bahay. Niyaya ko ulit siyang tumambay muna sa bahay. Pero tinanggihan niya ulit. Sabi niya babawi nalang daw siya sakin sa susunod.

Naging mas mailap na ang pag dalaw dito ni Aubrey ng malaman niyang dito na ulit nakatira si Kuya. Sana naman mag pansinan na yung dalawang iyon. Ako nahihirapan sa kanila eh. Wala naman na si Dad para matakot si kuyang ipakita ulit ang pagmamahal niya kay Aubrey. At ito naman si Aubrey ay parang natakot ng mahalin si kuya.

Okay kwento ko sa inyo kung anong nangyari? Ayoko nga.

Di joke. Haha! Kasi nga ganto iyon.

Nung nasa high school pa kami ni kuya. 3rd year na kami. Duon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob manligaw kay Aubrey. Tumagal yung ligawan nila ng bwan? Taon? Ata. Ng biglang tinutulan ni Daddy si Kuya sa panliligaw kay Aubrey. Hindi daw sila bagay para sa isat-isa. At isa pa ay mga bata pa raw sila sa mga ganoong relasyon. Si Kuya naman laging susmusunod kay Dad, kaya sinunod niya ito. Itanaboy ni Kuya si Aubrey. Dumating yung araw na hindi na talaga kinaya ni Aubrey si kuya. Na 'tila sumuko na ito. Tapos ayun, parang nagsisi si Kuya sa ginawa niya. Pero hindi niya parin sinisi si Dad.

Pero nagbago lahat ng pananaw niya kay Dad. Bigla kaming iniwan ni Dad. Walang pasabi, walang paalam. Hindi manlang inisip ni Dad na paano nalang kami kapag wala siya. Isang linggong paghihirap namin nuon ni Mommy. Gabi-gabi, saksi kami ni kuya kung paano ni Mommy iniyakan si Dad. Ilang beses narin namin narinig na kausap ni Mommy si Da pero sa dulo umiiyak parin si Mommy. Wala paring Daddy ang nagpaparamdam samin. I miss my Dad.

Tapos nun. Nag punta kami ni Mommy sa states para i-handle ni mom mag isa yung buisness namin. Si kuya nag paiwan dito sa pinas. Pero ngayong second year college nako ay pinauwi nako ni Mommy dito. Susunod nalang daw siya dito umuwi kapag na tapos na niya ang mga kailangan niya pang tapusin para sa konpanya.

Si Kuya naman ay naging malayo na ang loob kay Dad. Nagsisi na siya kung bakit siya naniwala kay dad na layuan si Aubrey.

Okay, sa susunod nalang ang kwentuhan. Ngayon ay dapat na tayong matulog!

Nagpalit na ako ng damit na pajama at nagluhay ng buhok bago ako pumikit.

Naghintay muna ako ng.. Siguro mga kalahating oras? Bago ako dinapuan ng antok.

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon