Simula

7 0 0
                                    

Sabi nila lahat tayo may The One.

Yung magmamahal sayo ng tunay. Yung tanggap ka niya maging sino o ano ka man.

It's either dadating siya sayo ng kusa or hahanapin mo siya.

Swerte mo pag siya na mismo yung hahanap sayo. Dahil ang hirap maghanap at maghintay sa wala. Pano pag napagod ka? Naumay ka?

Hay! Nakakalurkey atwe! Ako dito di pa nga napapagod kakahanap sa kaniya eh. Ang bigat kaya ng bilbil ko!

I promised myself na hinding hindi ako susuko. Fighter kaya to! And im not familiar to the word "Give up" fan to ng Never Give Up Ideal men!

At isa pa, ayokong masayang lahat ng effort na ginawa ko. Just to find my The One.

Oo ngat hindi ito madali. Lahat naman ng bagay ay pinaghihirapan. The world is unfair, kailangan pag masaya ka ngayon. The next day e malulungkot ka na naman.

Magkasama talaga yan, yung Saya at Lungkot. Not all the time we are happy and blessed. Dapat maranasan nating lahat ang dumaan sa mga pagsubok.

And that challenge will make us stronger. Dito natin makikita ang katatagan natin.

Pero pano pag yung gusto mong maging The One eh hindi ka naman gusto?

Makakaya mo ba ang mga pagsubok na dadating sayo?

Or susuko ka nalang kase alam mong hindi ka niya magugustuhan?

Pilit niyang nilalayo yung sarili niya sayo kase ayaw ka niyang saktan. Yung iniiwasan ka niya para wala ka ng panghawakan.

Sige lang, alam ko namang may puwang pa ako sa puso niya. Pero siya lang naman tong nagtutulak sa akin palayo. Pero kahit anong tulak niya sa akin hinding hindi ako lalayo. Kahit matumba man tatayo pa rin ako. Ganun ko siya kamahal. Handang kong isugal lahat para lang sa taong mahal ko.

Kahit na nagdudulot ito ng masama sa akin, gagawin ko. Gagawin ko lahat para lang mahalin niya din ako. Just like how much I love him.

Dont Have Any Idea YetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon