Prologue

15 1 0
                                    

Ganoon ba talaga ang magmahal? Lahat ng emosyon mararamdaman mo. Nandyan yung sa bawat araw na magkasama kayo, abot langit yung ngiti mo at kung minsan pa nga wala ka ng mapaglagyan ng kilig mo.

Pero hindi nga naman magpapatalo ang nakakalokong pakiramdam na halos maubos na ang luha mo sa tuwing magkaaway kayo na tila para bang guguho ang bahagi ng mundo mo.

May mga pagkakataon pa ngang gusto mo ng bumitaw sa sobrang sakit ng nararamdaman mo, pero hindi mo magawa sa pag aakalang ikaw din ang pinapangarap makasama ng taong sobrang mahal mo at pinapangarap mong makasama sa bawat yugto ng buhay mo.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana, halos magbulag bulagan ka na sa kung ano ang katotohanan. Mga bagay na labis mong inaasam, mga pangarap na binuo kasama siya ngunit ang lahat ng ito ay may hangganan. Hangganan na kung saan ang puso natin ay sumisigaw "ayoko na, tama na, pagod na akong masaktan".

Pero di natin masasabi ang bawat mangyayari. May mga oras na masasabi mong "Eto na talaga." Pero di mo mapapansin sa ilang sandali lang mapapaisip ka kung "Kaya ko pa ba?". Di natin masasabi ang tama at mali sa pag-ibig. Di natin alam kung kelan ba ang sinasabi nilang "Tamang Panahon" sa pagmamahal dahil masasabi ko na ang pag-ibig ko ay

WRONG TIMING LOVE.

Wrong Timing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon