AN: Yan na Ayah :3 Huehue
~*~*~~*~*~*
May mga bagay talaga na hindi mo inakalang ganun ang kahihinatnan. Isa na rito ang kwento ng isang babae na akala ng lahat ay ang pinaka swerte sa lahat...
---
"Ate Viel para sainyo po. May nagpapabigay." Nakangiting sabi nung 2nd year na lalaki habang inaabutan ng anim na asul na rosas si Vivianne, ang kaibigan ko. Vivianne Lorraine ang pangalan niya pero Viel ang palayaw niya.
Kitang kita naman sa mukha niya ang pagkabigla. "Ading kanino galing to?" Pagtatanong niya. Ngumiti yung lalaki saka sinabi, "Basta po." Saka siya kumaripas ng takbo palayo. Nagtinginan lang kami ni Viel saka nagpatuloy ng maglakad. Papunta kami ngayon sa social hall, may meeting ang mga class officers at free day naman sa mga regular na students kaya nagkalat sila sa corridor.
"Ate Viel para sainyo po. May nagpapabigay." Bigla nanamang may nag-abot kay Viel ng mid-size na panda na stuff toy. This time isa namang 3rd year na babae. "Uh... Kanino galing?" Tanong nanaman niya. Gaya nung nauna, "Basta po." Ang sagot nung babae saka tumakbo papasok sa classroom nila.
“Naks naman Viel. Feel ko kay Jay galling yan. Bakit parang ngayon lang may sweet na nangyayari sa relationship niyo na involved ang ibang tao. Sobrang special ata ng event ngayon. Monthsary niyo ba? Or anniversary? Or baka naman may kasalanan siya?” Pagtaatnong ko sakanya. Ngumiti lang siya pero parang may nangingilid ng luha sa mata niya. Hindi ko na pinansin kasi baka na-touch lang siya sa surprise na to. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.
Si Jay nga pala yung boyfriend niya. Student council president namin. Nakakabilib nga kasi sobrang disiplinado at mukhang strict ni Jay pero pag nakikita ko silang magkasama ni Viel, iba yung aura na nagra-radiate sakanya. Si Viel lang yung may kayang magpatawa kay Jay ng sobra. Karamihan nga ng mga babae sa school naiinggit sakanila. Hindi sila masyadong show off kaya naman hindi ko rin alam kung kailan naging sila.
Nang pababa na kami ng hagdaan bigla namang humarang si Erwin at may dalang paper box. "Viel para sa'yo daw oh." Pag-aabot niya. Kukunin na sana ni Viel pero biglang ihinagis ni Erwin sa ere yung paper box kaya naman tumilapon parang confetti yung mga laman nito. Maliliit na papel yung nagsilaglagan at bumuhos samin. Tumingala lang kami.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinikilig ako kahit hindi para sakin yung mga nakasulat sa papel. Gusto niyo malaman kung ano yung ilan sa mga nakasulat?
"Loving you was worth it." "It' sall LOVE and GOOD TIMES." "I won't be your forever but I'll be your ALWAYS." "You'll always have me." "You are my one in a million."
BINABASA MO ANG
Sweetest Yet Most Painful (One Shot)
Short Story''It was a surprising bittersweet experience...''