Maingat ko itinaas ang aking katwan sa higaan na kahit may sakit ay tinungo ko ang kusina para mag-simulang magluto. Tunog ng pag-sangag ng sibibuyas at bawang ang nagpapukaw saking diwa at minadali ang aking ginagawa. nang ako ay matapos ay inihanda ko sa lamesa ang mga kailangan sa kainan. Mga mabibigat na yapak ang aking sunod na narinig, mga yapak na sadyang naalala ng aking puso. " Kumain na tayo" tawag ko sa lalaking bumaba galling sa hagdan. Tinignan niya ako na may lamig sa kanyang mga mata na nag pangilabot sa akin pagkatao " Baka may lason yan? Kung gusto mo kainin mo at ayaw kong mamatay ng dahil sayo" at tinungo niya ang pintuan at lumabas na ng bahay. Narinig ko ang ugong ng sasakyan ay doon na ako mistulang nanghina at nandilim ang aking pananaw.
Naalimpungatan lamang ako at naramdamang nakahiga pala ako sa sahig. Tinignan ko ang orasan at nakitnang mag a-alasiyete na pala! Dali dali akong tumayo at biglang nadulas na siyang pagka-bagok ko sa may lamesa. Dugo. Dugo. Dugo lamang ang nakikita ko sa nanglalabo kong paningin. "aaaah!" isang sigaw ang aking narinig kaya ay hinay hinay kong itinaas ang aking paningin. Nakita ko ang isang lalaki na may kasamang sindak na babae, hinanap ko sa mukha niya ang pag aaala ngunit mukhang wala akong nakita sapag kat nawalan na ako ng malay.
Sa ikatlong pagkakataon ay nagising ako ngayong araw, ngunit iba na ngayon, kung kanina ay masakit ang akin katawan ngayon na may ulo. Pinakiramdaman ko ang aking paligid, may konting ingay ngunit tahimik. Masyadong pamilyar ang senaryong ito kaya't kahit natatakot ay hinay hinay kong binuksan ang aking mata at nakaaninag ng isang ilaw.Di ako nakuntento ay ipinilig ko ang aking ulo, at nakakita ng dalawang babaeng nag uusap. "Buti naman ay nagising ka, di ko alam ang gagawin ko kanina!" kaya pala siya pamilyar dahil siya ang babaeng tumili kanina, agad na naghanap ang aking mata. "Hindi siyaya pumunta. Nung nakita ka naming na nakahandusay sa sahig ay hinayaan ka lang niya at umakyat ng kwarto. Ako ang tumawag ng tulong at ang nagdala sayo sa ospital" isang ngiti lamang ang aking binigay sa kanya na tanda ng pagpapasalamat. Dahil sa sakit ng katawan ay wala akong nagawa kundi hayaang pumatak ang aking luha. Masakit, masakit na tratuhin kang ganito pero ang mas masakit ay dahil sa sarili mo mismo ay tanggap mo ang parusang ito na kung iba ang nasa katayuan mo ay iallahad mo rin sa kanila ang ganitong parusa, pero masakit at mahirap. Para kang nabubuhay sa mundo, pero di ka kailangan na ni-kahit ang sarili mo ay di mo kailangan.
Sa sumunod na mga araw ay ipinilit ko ang aking paglabas ng ospital na sa una ay hindi sinang-ayunan ng aking doctor. Kahit nasa aking kaalaman na di pa ak magaling ay ipinilit ko pa rin ang aking gusto na idanadahilan na ako ay walang pera at kaniya akong pinapirma ng mga papeles na kung may mangyaring masama sa akin ay di niya ito responsibilidad at pinasalamatan ko ang babaeng tumulong sa akin na ang ngalan pala ay Alyssa na isa sa mga babaeng dinala niya sa bahay. Kahit mabigat sa aking puso ang katotohanang yun ay hindi ko hinayaang hindi buong puso ang aking pasasalamat.
Mansyon. Yan ang bahay na naaaninag ko ngayon. Bahay na sanang uuwian hindi isang kulungan. Nanginginig kong buksan ang pintuan ng bahay at nasindak ako sa aking nakita. Isang babae at isang lalaki ang hubo't habad na ang naglalampungan sa aking salasa galit ay nilapitan ko ang babae at pinag buhatan ng isang malakas na sampal at hinila ang kanyang buhok. "walanghiya kayo! Ginawa nyu pa sa pamamahay ko!" Tuloy tuloy na sampal ang aking ginawa hanggang sa napagod ako, umiiyak na nilisan ng babae ang sala dala ang kanyang damit. Umiiyak akong napaupo sa sahig at tinignan ang lalaki sa aking tabi na simula kanina ay walang ginawa. "Tapos ka nang magwala? buti naman at pinaalis mo yung babae. Nakakainis na siyang kasama eh. Akala ko patay ka na? Buti di ka tinuluyan ng mga doctor na yun. Okay lang naman na pahabain nila buhay mo, may pantaboy na ako sa mga babae sa paligid ko" Sabi nito na parang walang pake at ngumisi pa sa akin. Nagdilim ang aking paningin at isang sampal din ang inabot ko sa kanya. Tumalikod at tinungo ko ang aking kwarto at doon umiyak. Iyak. Iyak. Iyak. Parusa at paghihirap na lang ata ang magpapatapos ng buhay ko. Walang katapusan na kadiliman na lamang ang aking mararanasan, kalian ko kaya makikita muli ang sinag ng aking araw? Taimtim lamang akong nagdasal.
Dahil mukhang naalala ng aking katawan ang aking ginagawa araw araw ay nagising ako sa perpektong oras na maghanda ng almusal, kaya bumangon ako nag handa. Alam ko man na hindi siya kakain ay ginawa ko pa rin ang lahat ng makakaya ko upang maging mukhang masarap ang aking luto. Nakarinig ako ng yapak na nagpabilis na naman ng aking puso, "kain na" mahina kong sambit at kahit alam ko na tutunguin niya pa rin ang pintuan ay hinintay ko ang sagot niya habang nakayuko. Napataas ang aking ulo ng marinig ko ang tunog ng upuan at hindi pintuan. Umupo siya! Hinanda niya ang kaniyang sariling kumain na hindi tumitingin sa akin, ako may di maalis sa kanya ang aking mata. Napaka-gwapo niya talaga, satagal naming nagsama ngayon ko lamang naaninag muli ang kanyang mukha ng matagal na di natatakot o naluluha man. "ano?" pagbabalikwas niya sa aking pagtitig sa kanya. Di ko nga rin wari na ako'y tumititig na pala! Tinalikuran ko siya at sumilay saking labi ang isang ngiti na matagal ko nang di nagagamit. Tuwang-tuwa ako na inayos ang aking pinaglutuan. "alis na ako" pagpapa-alam pa niya bago niya nilisan ang bahay. Puno ako ng saya ngayon na sa lima naming taong kami ay nagsama ay naramdaman kong muli. Nagpaalam na siya at kumain pa, kahit na di niya ako tinawag upang sumabay sa kanya ay tuwang tuwa pa rin ako. Alam kong mababaw ang aking kasiyahan ngunit Masaya ako. May gaan sa aking kalooban na aking ipinag patuloy ang mga Gawain ko bilang asawa.
Isang malakas na pitik sa ulo ang aking naramdaman na nagpahina sa buong kaibuturan ko. Naghanap ako ng pwedeng masandalan, sandali akong umupo at pinakalma ang aking sarili at ininom ang gamot na inireseta sa akin ng doctor ko. Isang tunog ng telepono ang aking narinig at nakitang telepono ko iyon "Doktora. Salamat naman po ay tumawag ka may itatanong lamang ako sa kondisyon ko-" at ang sumusunod na mga katagang niya ang gumuho sa aking pagkatao.
Hinintay ko ang pagtatakip-silim at pagdating ng lalaking gusto kong hingian ng tulong. Alas-siyete na ay di pa ito dumadating, kahit ganun pa man ay nagpatuloy ako sa paghihintay. Pumatak ang alas-dose ay doon ako nakarinig ng pag ugong ng sasakyan, sumigla ang mukha ko at dali daling tinungo ang labas upang salubungin siya. Laking dismaya ko ng Makita ko siya na may kasamang babae, di man lang ako tinitignan ay derederetso siyang pumasok ng bahay. Kung dati ay gumuho na ang mundo ko ngayon naman parang wala nang natira, isang kalawakan ng kawalan. Malumay kong tinungo ang aking kwarto at doon ay umiiyak ng tahimik. Umiiyak kong tinungo ang mga larawan sa lamesa at napahagulgol. "kasalanan mo, kasalanan mo lahat kaya dapat lang na maranasan mo ito" paulit ulit kong sambit sa sarili ko na kinukumbinsi na isa akong masamang criminal na dapat maranasan ang lahat nitong parusa. Dapat lang, ito ang nararapat mangyari. Napansin ko ang kalendaryo sa aking tabi at napansin kong ikaw-25 pala ng Mayo kanina, kaya pala niya ginawa lahat yun sapagkat ang regalo niya ay angsandaling pagkabalik ng dati naming buhay. Napangiti ako, nakahit masakit ay ibibigay ko naman sa kaniya ang nararapat niyang regalo.
Tuloy pa rin ang buhay ko, magigising, magluluto at maghihintay sa pagdating niya habang may babae sa kanyang bisig na ako mismo ay hinihiling kong mayakap siya. Ngunit may iba sa ngayong araw na ito, tila naiiba kaya naman umakyat ako sa kwarto at kumuha ng papel at pansulat. Nanghihina na ako, nanglulupasaysay. Pagud na pagod na ang aking katawan kaya naman sa huling pagkakataon ay hinayaan kong pumatak ang isang luha at nakangiting pinikit ang aking mga mata.
Nakarinig na lamang ako ng yapak at tawag, nakita ko ang lakas ng pagkatok niya sa pintuan. Nakita ko rin kung papaano niya ipinilit na buksan at binasag ang pintuan na naghihiwalay sa kwarto ko at sa bisig niya. Nakita ko siya na tinungo ang kama, at niyakap ang isang babae na wala nang pulso at may dugo sa paligid niya. Umiiyak siya, umiiyak ang asawa ko. Napangiti ako, mahal niya pa pala ako para umiyak ng ganyan. Salamat, salamat na kahit di ko maramdaman ang init ng bisig mo ngayon ay nakita ko naman na kahit walang nangangailangan sa akin sa mundong ito ay iniyakan mo ang katawan kong nahiwalay na ang aking kaluluwa. Naway mabasa mo ang munting sulat na ibinigay ko, sa huling sandal minahal kita Timothy. S huling sandali inalay ko sayo ang huling oras ko. Nasa liham ko ang tunay na nilalaman ng puso ko, di mo man marinig ang tunay kong huling habilin ay mababasa mo naman; Mahal na mahal kita.
Mahal kong Timothy,
Di ko alam san magsisimula, patawad? Alam mo, tanggap ko naman lahat pangako. Pero bakit ang hirap maghangad ng sobra pa doon? Sobra pa sana sa pag-intindi, inasam ko rin na mapatawad mo ako, mahalin at pagkatiwalaang muli. Di ko sinasadyang madulas ng hagdan ng araw nay un, di ko rin ginusto na mawala an gating kambal. Mahal na mahal ko ang mga anak ko kahit nasa sinapupunan ko pa lamang sila. Ramdam ko ang bawat galaw nila, pagtitiis ko sa pagdadala ng animong sobra kong laking pakwan. Mahal ko sila Timothy, kaya tanggap ko ang lahat ng galit mo nang malaglag sila. Di lang ikaw ang nagalit sakin, pati sa sarili ko ay nagalit ako. Alam mo naming ulila ako, walang tatay, nanay, kapatid o kamag-anak man lang. ikaw lang ang meron ako, ikaw at ang mga anak ko pero naging pabaya ako at sa sarili kong kamay ay sinira ko ang matagal kong pinangarap.
Timothy, ikaw ang bumuhay sakin kaya ikaw rin lamang ang may karapatang kumuha nito. Salamat sa regalo mo nung anebersaryo natin. Masaya ako, pinasaya mo ako. Palagi mo naman akong piansaya eh, tinuloy mo naman ang pangako mo sa kasal natin. Ako lang talaga ang may sala, ako lang. wala man akong sariling pera ay binibigay ko ang huli kong regalo; buhay ko bilang asawa mo. Sinabihan man ako ng doctor na magpagaling at pumunta ng hospital ay di ko ginawa. Inialay ko ang buhay ko sayo at ang natitirang araw ko upang pagsilbihan ka. Sa araw araw kong niluluto ang mga paborito mo kahit na sa limang taon nating pagsasama ay kakaunti lamang doon ang nakain mo. Pero Masaya ako at hinayaan mo akong pagsilbihan ka, na di mo ako pinigilan panindigan na ako ay iyong asawa. Pinasaya mo ako, salamat.
Sa huling sandali Timothy hayaan mo akong ilahad sayo ang pagmamahal ko. Mahal na mahal kita, ikaw ang kalawakan ko. Sa iyo umikot ang hininga at buhay ko. Hindi ako namatay sa sakit na leukemia kundi inalay ko lamang ang aking buhay sa aking pinakamamahal na asawa.Buong pagmamahal ko sa iyo
Mrs. Teresa M. Gonzales
P.S: Hayaan mo ako na magamit sa huling sandali ang pangalan mo ah, salamat :)