You broke my heart

37 0 1
                                    

Minsan mapaglaro nga naman ang tadhana. Lalo na pagdating sa pag-ibig, nakakaloka na minsan parang lahat nalang ginawa mo para sa taong mahal mo pero lolokohin kalang naman. Minsan andiyan na ang lahat ng diskarte para sa kanya pero bakit pa kaya di niya man lang ma-appreciate ang lahat ng ginagawa mo. Minsan nagmamahal ka ng taong hindi ka naman kayang mahalin samantalang may tao namang nagmamahal sayo pero di mo naman kayang mahalin pabalik. At minsan din naman kung sino pa ang hindi naglalaro sa pag-ibig ay siyang pinaglalaruan. Masakit isipin na parang nararamdaman mo'ng hindi kana liligaya pa sa buhay na ito. At ang kwentong ito ay para sa lahat ng mga tao sa mundo na nasaktan ng dahil sa pag-ibig na inakalang magtatagal...

Isang college student si Aj na nag-aaral sa isang kilalang unibersidad sa kanila. Si Aj ay kilalang pinakasuplado sa mga babae. Ayaw niyang magkaroon ng kaibigang babae, over-acting daw kasi minsan tsaka may mga bagay sa babae na hindi naman maiintindihan ng mga lalaki. Isa si Aj sa mga top sa klase nila at gwapo pa. Hate niya talaga ang mga babae at kung sa pag-ibig naman ang pag-uusapan ay naniniwala siyang darating lang iyon sa tamang panahon at oras. Oo nga naman, mahirap umibig sa isang taong hindi naman laan para sa iyo habang buhay. Hindi rin siya naniniwala sa mga kasibihang: Love at first sight, the more u hate the more u love, first love never dies atbp. Walang ibang iniisip si Aj kundi ang pag-aaral pero lahat ng iyon ay nagbago ng makilala niya si Sarah. Si Sarah ay isang first year college din sa parehong paaralan na pinapasokan niya. Unang araw ng klase ay nakilala niya ang unang kaklase niyang si Butch na naging bestfriend na din niya. Pinakilala ni Butch si Sarah kay Aj noong nasa canteen sila at noong oras na iyon di na maintindihan ni Aj ang kanyang nararamdaman para ba'ng ang tingin niya kay Sarah ay isang anghel na talagang napakaganda. Pinipigilan niya man ito pero sa mga oras na iyon ay gusto niyang kausapin si Sarah at tanungin tungkol sa kanyang sarili. Hindi niya man nagawa dahil sa sobrang kaba ngunit punong-puno naman siya ng pag-asa na makikilala niya si Sarah dahil pinsan ito ng kanyang bagong bestfriend. Humingi siya ng cp number ni Sarah at nagtxt siya nito. Hanggang sa dumating ang mga araw na naging malapit na magkaibigan narin silang dalawa. Ilang buwan ring tinago ni Aj ang nararamdaman niya para kay sarah. Isang gabi, habang nasa dorm si Aj ay naisipan niyang gumawa ng sulat para kay Sarah na naglalahad ng kanyang damdamin. Wala naman sigurong mawawala kung liligawan niya ito dahil single pa naman si Sarah.

laman ng sulat:

:) dear sarah,

      hai! itong sulat na ito ay para talaga sayo. Alam kung di ka maniniwala pero totoo ang mga ito. Sana nga lang ay kahit anong mangyari, mananatili parin ang pagkakaibigan natin. Ito lang yung koneksyon na meron ako sayo ehh. Corney ano? Pero di kuna kayang ilihim to!

Alam kung alam mo na ayaw na ayaw ko sa mga babae noon. Sarah nagbago lahat ng paniniwala ko dahil nakilala kita. Ikaw ang nagbigay paliwanag sa akin na ang lahat ng paniniwala ko ay mali. Sarah, oo nalove at first sight ako sayo ^_^. Hindi pa ako nakaramdam ng ganito noon hanggang sa makilala kita. Sarah, sana mahal mo rin ako.

                                                                                                      AJ<3

Binigay niya ito kinabukasan kay Sarah. Hindi na sya natorpe dahil hindi na niya talaga maitatago ang kanyang nararamdaman. Nabasa nga ito ni sarah at ikinatuwa naman nito. Nang nasa canteen na sila ay halos hiyang-hiya si aj na lumapit kay sarah dahil baka galit ito sa kanya pero kailangan niyang tanggapin ang desisyun ni sarah. At inabot naman ni sarah ang isang maliit na perasong papel kay aj.

AJ!!! ^_^ iLoveyoutoo... :*

Ang sarap nga naman ng pag-ibig ano? nakakakilig! Nagsimula sila sa isang pagkakaibigan lang hanggang sa naging magkasyota na. Inaasahan nilang panghabang buhay na ang relasyon na iyon. Walang araw na hindi sila magkasama at walang oras na hindi sila naglalambingan. Kung mayroon ma'ng bangayan ay hindi nila tatapusin ang araw na hindi sila magkabati. Wala silang sinayang na panahon. Nagtagal ng dalawang taon ang kanilang relasyon hanggang sa isang araw, habang papunta si Aj sa canteen ay nakita niya si Sarah na may ibang kausap na lalaki at magkahawak pa ang kanilang kamay. Nasaktan si aj sa kayang nakita kaya bumalik siya sa kanilang silid aralan. Hindi niya lubos matanggap na ganoon na lamang ang panloloko ni sarah sa kanya. Nang nagkita sila sa labas ng paaralan ay tatanungin sana ni Aj si sarah tungkol doon sa nakita niya pero hindi nakapagsalita si aj ng sinabi ni sarah na...

break na tayo! di kuna kaya.. may mahal na akong iba.

at sa narinig niya ay hindi makapagsalita si aj. Durog na durog ang puso niya. At doon niya napatunayan na ang akala niyang magtatagal ay pansamantala lang pala. Wala siyang magawa dahil kahit ano pa ang gawin niyang pagmamakaawa ay hindi maibabalik sa dati ang relasyon nila ni sarah. Ang una at huling babaing mamahalin niya na sya ring unang babaing dumurog sa puso niya. </3

Sa pag-ibig hindi parating masaya..

oo mahirap ang maloko at masaktan at umasa na magtatagal pa pero hindi na pala. Sa isang iglap nalang nawala ng parang bula ang lahat. Nagsimula sa isang "Hai" at natapos sa isang "Goodbye". Lesson Learned!

PEOPLE MAY LEAVE BUT MEMORIES WILL STAY FOREVER.. ^_^

                                               -wakas-

You broke my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon