Summer Romance [ 2 ]
Chapter 2
Gab's
Paggising ko, napatingin ulit agad ako sa orasan sa bedside table ko.
6:34am
Good. 10:00am pa naman ang alis ng eroplanong sssakyan ko. I know, I know I'm running late. But I can manage.
Ready na ang maleta ko, pinuno ko na siya kagabi ng mga damit. Pinuno ko na din ng mga bagay na kakailanganin ko sa matagal na panahon. Ang atm card ko, check na check. Ang pocket money ko, pwede pa naman.
Nagpabook na ako ng ticket kagabi at gladly naaccomodate naman nila ako with such a short notice.
Naligo na ako, nagpalit ng simpleng loose t-shirt na color white at shorts na pastel purple. Tsaka yung sandals ko na gladiator. I fixed my hair into a tight french braid. Chineck ko ang moon necklace na laging naka sabit sa leeg ko.
I'm all set.
Para lang tong magsli-sleepover pero sa mahabang panahon at malayong lugar.
Kaya mo to, Gab. Diba gusto mog magpahinga?
Naimagine ko kaagad ang dagat, ang ice cream, ang palm trees, ang swimsuits.
I'm finally doing it!
Kinuha ko na ang shoulder bag ko at ang maleta ko, I take a one last look sa kwarto ko. Hmmm, mukhang hindi iniwan. Pwede na.
Hinila ko ang maleta papunta sa bintana. Iniangat ko iyon at inilaglag sa bushes sa baba. Buti naman hindi nakagawa ng masyadong ingay.
Lumabas na ako sa kwarto ko.
Okay, aaminin ko medyo kinakabaha-
"HI ATE."
"AY JUSKO!" sigaw ko. Kinalma ko ang sarili ko, napipi agad ako ng pader ng wala sa oras. "Phillip, wag kang mangugulat ng ganon."
Kinusot niya ang mga mata niya at naghikab. "Sorry Ate." bulong niya. "Aalis ka?"
I shake my head. Nako, ito talagang bata na to. Hinawakan ko siya sa mga balikat niya at ginuide siya papunta sa kwarto niya. Binuhat ko siya para makahiga siya sa kama niya.
"Matulog ka muna Phillip, maaga pa oh. Paggising mo, pupuntahan ka na ni Daddy." bulong ko.
Hinalikan ko ang noo niya at nakatulog naman siya ulit.
Bumaba na ako at nandoon si Daddy. Uniinom ng kape at nagbabasa ng dyaryo.
"Iniwan ko si Phillip sa kwarto niya, day off mo naman ngayon diba?" tanong ko. Hindi ko hinintay ang sagot niya. "Aalis muna ako."
Napatingin siya sakin. Sa tingin niya this is just a normal day. "Bumalik ka ng maaga." sabi niya.
I exhaled.
Pumunta ako sa kitchen table, kung saan nasa likod niya kaya hindi niya ako makikita. Kinuha ko ang letter sa bag ko at pinatong sa table.
By the time they'll read this, nasa Palawan na ako. Hopefully.
Dumiretso agad ako sa labas at umikot sa bahay, kinuha ko ang maleta ko, not making a sound. Naglakad ako ng kaunti papalayo sa bahay at sumulpot naman ang isang kotse.
Nilagay ko ang maleta ko sa trunk. Sumakay agad ako sa shotgun seat noon. "Hi Kap."
Pinaandar niya na agad ang sasakyan. "Hay nako Gab." sabi niya habang umiiling.
BINABASA MO ANG
Summer Romance (JaDine FanFiction)
FanfictionOne unforgettable summer. Portrayed by: Nadine Lustre and James Reid Written by: girltryinghard | 2016 ©