Chapter 16
"Woah! Hikari, is that you?" Natutuwang tanong ko habang papalit kami sa isang babaeng nakatayo sa harap ng isang salamin. Mukhang di rin sya makapaniwala sa nakikita nya. "You're look very different."
Namumulang tumingin naman sya sa'min ng kuya nya at kiming ngumiti. "I can't believe it myself." Nahihiya pang sabi nya.
Inilipat ko naman ang tingin ko kay Dark na abot tenga ang ngiti. Tumatango-tango pa sya habang nakahawak sa baba nya. "Hmm. I knew it. Ghad, I'm so genius." Mahangin na bulong nya.
Natawa ako sa sinabi nya. Para syang isang artist habang tinitingnan ang obra maestra nya. Ehem, wala po syang ginawa kanina kundi kumain ng tatlo bowl ng ice cream. 'Yung nagmake-up po ang bigyan natin ng credits.
Binalik ko ang tingin ko kay Hikari.
Iba na ang suot nya ngayon. It's a cute pink dress. Tama lamang ang haba nito. Kita ang napakaputi na tuhod at binti ni Hikari. Sleeveless iyong dress kaya medyo na expose 'yung braso nya pero desente parin tingnan. Napansin kong wala na din ang salamin sa mata nya at in-enhance pa ng konting make-up ang ganda nya. Nakaipit din ang buhok nya pakaliwa at nilagyan iyon ng kulay pink din na ribbon.
Lalong lumaki ang ngiti ko nang mapansin ang nakangiting mukha nya ngayon. Napakaliwanang ng ngiti nya. Ngayon ko lang iyon nakita ang ganoong klaseng ngiti nya sa loob ng ilang araw na magkasama kami. Mukha pati siya ay natuwa na pagbabago ng itsura nya at napakagandang bagay niyon. Nagkaroon na sya ng kompyansa sa sarili. Sa tingin ko ay hindi na sya palaging nakayuko.
"You're very pretty." Muling sabi ko sa kanya. Napakamot naman sa ulo dahil dun.
"Y-You guys think so?" Tila nahihiyang sabi pa nya. Tumango naman ako habang ang kay Dark naman ay may kasama pang approved sign. Tuwang-tuwa talaga sya.
"At ngayon, ang kulang nalang ay, " sabay na napatingin kami ni Hikari kay Dark nang magsalita ito. May kinuha ito sa bulsa nya at nang ilabas nya 'yung kung anong iyon, natawa ako bigla. "SELFIEEE..!" Sigaw nya at pinakita ang cellphone nya.
Mamahalin po iyon kung itatanong nyo man. Di nakakapagtaka.
Pinagmasdan ko silang magkapatid habang nagpipicture silang dalawa. Hindi naman nahihiya si Hikari at nagpose ng kung ano-ano. Di ko alam kung dahil komportable lang sya dahil kami lang ang kasama nya o dahil nakatulong talaga 'yung pagbabago nya para madagdagan ang tiwala nya sa sarili nya.
"Ipopost ko 'to sa facebook ko mamaya para ipaalam ng mga kerengkeng mong kaklase na followers ko that you've already changed." Sabi nya at muling kumuha ng picture.
"Kuya, tama na! Madami na masyado 'yung nakuha mo!" Sabi ni Hikari at marahang lumayo sa kuya nya.
"Wait, last one." Sabi ni Dark at biglang tumingin sa'kin. "Carlo, join us." Sabi pa sa'kin.
Teka, ako?
Tinuro ko pa ang sarili ko para makasigurado. Tumango naman sya habang nakangiti.
Marahas naman akong napaiiling. "Hala, ayoko nga kayo nalang." Pagtanggi ko sa alok nya. Bigla naman syang ngumuso at mukhang nalungkot ng sobra sa pagtanggi ko.
"Sige na, isa lang." Nakanguso paring sabi nya. "Di mo ba alam na mahal 'yung kinain mong ice cream kanina? Dalawang bowl pa 'yung kinain mo."
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Possession (BxB)(gay)
RomanceWe're bestfriend and I'm his possession...