From the Author
Whoah! Nagbabalik na naman si Yuu upang ipagpatuloy ang kaniyang kuwento dito sa Macho Hearts Book 3: Sakura Hearts.
Paalala lamang po na bagamat sa Japan ang setting ng kuwento, tagalog pa rin po ang gagamitin kong wika ng mga tauhan pero naka-italics ang mga dayalogo bilang tanda na ang mga tauhan ay nagsasalita o nag-uusap sa Japanese. Isipin niyo na lang iyong mga tauhan ng Koreanovelas na nagtatagalog para maintindihan natin ang usapan nila...hehe...
On the other hand, salamat po sa mga nag-suggest na gawin ko na lang siyang isang buong libro sa halip na one-shot -- malaking karangalan po sa akin na matupad ko ang inyong mumunting kahilingan. At dahil din sa mga suggestions ninyo ay patuloy pa nating masusubaybayan ang love story ng mag bestfriend na sina Yuu at Kiyo.
Sa totoo lang po, nang isulat ko ang first chapter ng Macho Hearts Book 1 ay wala akong ideya kung ano ang dapat kong asahan. Ang alam ko lang kasi ay mahal ko ang pagsusulat, at ang Wattpad ay isang paraan upang maibahagi ko sa iba ang pagmamahal na ito.
Sa orihinal na plano ko, dito na talaga sa Sakura Hearts magtatapos ang kuwento nina Yuu at Kiyo -- gusto ko lang kasing ipakita ang nangyari kay Yuu noong mga panahong wala siya sa Piling ni Kiyoteru; at kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos nilang maghiwalay sa airport sa ending ng book 2.
Pero dahil sa mga mambabasang tinangkilik ang love story ng mag-best friend, nabuo ang aking desisyon na itutuloy ko ang libro hanggang Book 5. As of this writing, nasa mahigit 6,000 reads na po ang Macho Hearts (total para sa Book 1 and 2) -- at iyan ay dahil sa inyo.
Alam ko na sa dami ng bumasa ng kuwento ko, malamang ay may mga hindi natuwa. Pero ayos lang iyon. We cannot please everybody naman kasi. Pero para sa mga nagpakita sa akin ng suporta, gusto ko kayong pasalamatan.
Iyong iba po sa inyo na nag-follow sa akin sa facebook, na-add ko na po kayo as friends (pa-accept na lang please..hehe); para sa mga nag-add sa akin sa WeChat, salamat din po.
Gaya po ng nabanggit ko, marami-rami na rin ang nakakabasa ng Macho Hearts Book 1 and 2, at gusto ko pong banggitin sa pahinang ito ang ilan sa mga mambabasa na hindi lang nag-follow sa akin, at nag-like or nag-vote sa story ko, ipinakita rin nila ang suporta nila sa akin sa pamamagitan ng kanilang mga comments:
Salamat po sa mga sumusunod na readers ng MH 1 and 2 na nagbigay ng panahon upang mag-comment ng mag-comment ng mag-comment. Huwag po sanang magtatampo ang iba, babanggitin ko lamang dito ang mga readers na nag-stand out ng bonggang-bongga...
@BibheIndaya, @IamRaziel, @nawawalaako, @leosoulhunter at ang mga suki commentators na sina @mustang98, @00kyleI00, @ohohgian, at siyempre, si @Jhimpson na halos mag-comment sa bawat chapter ng MH 2.
Salamat din kay @PaulCuizon09, @AkoStan, @ako_si_VINO at @Nicko11 na nag PM sa akin para iparating ang kanilang suporta.
At siyempre, malilimutan ko ba ang mga nag-add ng aking kwento sa kanilang mga reading lists? Naging paraan din po ito para mai-promote nila ang gawa ko. Salamat sa mga sumusunod na readers:
@BibheIndaya, @RichmondPepito, @leosoulhunter, @00kyleI00, @Nicko11, @broguy, @zicky14, @AngeloMoraldeConde, @LelouchviLamperouge, @RenJieArcite, @ClarkyPotx, @ICEEXO, @chitongmoreno, @lexie_baje, @IamAenote, @MaESTUVWXYZ, @LouieOy, and @Mustang98.
Maaaring madagdagan pa ang listahang ito sa mga susunod na araw, at patawarin po ninyo ako kung hindi ko na ito ma-update, pero alam po ninyo na lampas-langit ang pasasalamat ko dahil sa mga suporta ninyo, kaya ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sa inyo. Mwah!
Kung gusto niyo po makita sa isang folder ang mga pictures na pino-post ko sa bawat chapters, i-click po ninyo ung "external link" -- nasa gilid din lang iyon ng page, sa baba ng cover photo.
Narito po and I'm very excited to present to you the 3rd installment of Macho Hearts. Enjoy!
-- Desmond Fox
BINABASA MO ANG
Macho Hearts Book 3: Sakura Hearts
General FictionSI HISAGI YUUTO ay nagsumikap na mamuhay ng normal sa piling ng kaniyang bagong pamilya at mga kaibigan sa Japan. Simula nang lisanin nila ang Pilipinas ay nangako siya sa sarili na hindi na mauulit pa ang kaniyang katangahan sa larangan ng pag-ibig...