Sandra's PoV
Saint Ophiuchus's Hospital
7:45 p.m.
Nagising ako sa mga sunod-sunod na tunog.
"Sandra?" tanong na nanggagaling sa pamilyar na boses.
"Reyes?" tanong ko. Oo si Reyes nga. Kasama sina Ryan, Dannica, Maika. Pati si Cedric? Nakakagulat ah.
Naalala ko bigla ang nangyari sakin.
"There is a bomb. Let's go!" sigaw ko. Tumakbo kami pero alam ko na huli na. Tumilapon kaming lahat. Tila bumagal ang pangyayari. Nakita ko ang sarili ko na nasa ere. Nabasag ang mga salamin sa lakas ng pagsabog, papunta ito sa akin. Tumingin ako sa kinalalagyan nina Aurora. Nahamapas ang ulo niya sa pader. Tinawag ko ang pangalan niya pero nakaramdam ako ng tusok sa hita ko. Nakita ko ang iba pang bubog na parating sa akin.
At biglang bumilis ang lahat. Kapalit ng pagligtas namin ay nanganganib ang mamatay ang isa sa amin. Nasaktan kaming lahat. Worth it nga ba ang pagligtas namin kay Ashley? o sinayang lang namin ang oras namin?
Pero naniniwala ako na may magandang kapalit ang mga nangyari. Sana.
"Okay na ba yung hita mo?" tanong ni Maika. Ginalaw ko ito medyo kumirot.
"Pwede na. Basta hindi sisirit ang dugo tas lalabas ang laman." biro ko.
"Kadiri." sabi ni Reyes. "Arte." Tumawa ako.
"Oo nga! Anong nangyari kay Aurora?" pahabol kong sabi. Sana ayos lang siya.
"Bad news. Humihinga siya pero hindi kami sigurado kung tatagal pa. Na comatose siya." paliwanag ni Ryan.
Nagulat ako. "Hi-hindi nga?"
"Oo." sagot niya. "Anong nangyari kina Cristine at Ashley?"
"Medyo okay rin naman. Nagpapahinga muna si Cristine, si Ashley hindi makagalaw, dahil sa mga matitinding bali tsaka hindi pa siya nagigising."
Katakot-takot ang nangyari sa kanila.
Tumahimik uli. Nagsalita ako para basagin ang katahimikan.
"So." Nakita ko si Cedric umiinom ng kape.
"Bakit ka nandito Cedric?" Napabuga siya. "Pati ba naman ikaw." inis niyang sabi.
"Curious lang." sabi ko. Since elementary naging kaklase ko na itong barumbadong ito. Bata palang, alam ko nang magiging pasaway.
Pero sa di inaasahan naging close ko siya. Ewan ko ba. Baliw eh. Ako nalang yung nag-aayos sa kanya pag nagiging sobra na siya sa ugali niya. Sa di inaasahang pangyayari ay parehas kaming nalipat sa first section. Ako naman kasi ay may talino, siya. Ewan ko, bihira lang gamitin. Tinatalakan ko pa siya pag inaaway yung mga maliit na freshman. Grabe. Pumapatol sa bata. Para tuloy kaming frenemy. Ang jeje ko naman. Naalala ko tuloy yung kajejehan niya nung ligawan niya si Aurora.
Oo nga pala! Ngayon ko lang narealize! Nandito siya dahil kay Aurora! Concern si baliw.
"Cedric. May naalala ako." sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako. "Ano na naman?" tanong niya. Natatawa ako.

BINABASA MO ANG
Amity Isn't Real {Tangled Minds Series #2}
Mystery / ThrillerThis is not an ordinary revenge story you always saw in T.V series/Movies/Books or EBooks. Everything's twisted, everything's a mind blown. Why not see our main protagonist? The killer, and the justice they deserve, or they're seeking at the wrong p...