[4]
Gusto kong maglupasay sa inggit habang nililibot ng paningin ko ang condo nya.Lahat ng bagy nagkikintaban sa linis, wala akong naaninag ni isang alikabok sa paligid.Gusto ko tuloy magduda sa totoong kulay nitong si Dustin.
Ayos na ayos ang mga gamit nya, at higit sa lahat napakaliwanag ng kulay ng condo nya.Hindi sya dark, hindi itim, condo white and dark white ang mga furnitures and dingding.Hindi the usual na makikita sa isang condo ng lalaki.
Tinangka kung hawakan ang vase na nakita ko, na-curious kasi ako eh ang ganda ng vase pero wala namang bulaklak na nakalagay.Mas nakakaduda kong may bulakbak ! “Hey don’t touch that ! Hawakan mo ng lahat basta wag lang ‘yan…” napataas tuloy ‘yung kilay ko… touch anything basta wag lang ang vase na ito ? Bakit kaya…
“Wag mong sabihing may sentimental value ‘toh eh simpleng vase lang naman ‘toh ?” sinubukan ko ulit hawakan, pero bago ko paman ‘yun magaw.Hinawakan na nya ang kamay ko at inilayo ako doon sa vase..
“OO ! kaya wag na wag mong subukang hawakan ‘yan kundi sasabihin ko talaga sa lahat ang sekreto mo !” banta nya.Medyo natakot ako doon sa banta nya pero hindi ko nalang pinahalta.
Pumiksi ako para matanggal ang hawak nya sa akin. “Hala para sa simpleng hawak lang ng vase ibubunya mo na ang sekreto ko ? Grabi ka talaga ang sama ng lahi mo ! Bitawan mo nga ako, mahawaan pa ako ng kasamaan mo ehh..”
“Masama na kung masama basta wag na wag mo lang hahawakan o titingnan ang vase ko.Baka may lahi kang tanga mabasag mo pa ‘yun eh…”
Pagkatapos nun dumeretso sya sa may kusina ata kaya hindi tuloy ako nakabawi sa sinabi nya.Kaya ang ginawa ko umupo nalang ako sa pinakalapit na sofa.At simulang mag-isip ng plano kong paanu ko mababasag ang vase nya ng walang malilikhang ingay.hihih JOKE !
Ano pa ba ang ginagawa ko dito, akala ko ba gagawin na namin ‘yung ginagawa ng normal ng magsyota ? Anu ‘yun pleasure him daw ? Gusto ko tuloy mangilabot sa ideyang ‘yun..MY GHAD ! Hindi pa ako ready na isuko sa kanya ang Bataan no !
Hindi sya ang pinangarap kong lalaki para pagbigyan ng virginity ko.Nangangarap pa rin akong ikasal sa lalaking mahal ko, at sa araw ng kasal namin.Doon ko palang ibibigay sa kanya ang iniingatan ko…
*riiiiiing*riiiiiiiiiiiing*
Ayy anu ‘yun ?!
Cellphone ko ata ‘yung tumunog eh, madali talagang marecognize kapag may tumatawag sa cp ko.Bukod kasi iisa lang ang ringtone nito dahil luma na.At kung pakikinggan ang tnog gusto ng sumuko at magpahinga.
“Hello po tita?” si Tita Lumia, pinsan ng nanay ko ang brutal na babaeng kumupkop sa akin noong iniwan ako ng magulang ko.
“Uy pamangkin ko kumusta ka na?” Wow..tinawag akong pamngkin for sure may kailangan ‘toh sa akin.
Ni-rerecognize nya lang naman akong kamag-anak kapag araw na ng singilan ng utang at wala na syang mautangang iba.Katulad ngayun, for sure ang idadahilan na naman nito kung bakit sya manghihingi ng pera.Ay may inaataki na naman sa puso si Tito Jacquin, iwan ko nga’t di pa ‘yun natutuluyan eh.
Pasensya naman kong ganito ako magsalita sa tito ko, muntik nya kasi ako gahasain noong 14 palang ako at sa kanila pa ako nakatira.Si tita naman pinalayas pa ako dahil asyumera daw ako masyado !
“So far so good naman tita since wala kayo sa tabi ko..” narinig kong napasinghap sya sa kabilang line.Nag-smirked lang ako, kailan kaya ito masasanay sa pananalita ko ?
“Huwag mo kong pagsalitaan ng ganyan Faith Allison tita mo pa rin ako ! At wag mong kakalimutan na ako lang ang tumanggap sayo ng inambuna ka ng maharot mong nanay !” I said rolled my eyes, at mahinang nagsalita ‘whatever’…
Sya nga ang kumupkop sa akin pero itinuring ba nya akong pamangkin talaga ? Inalila nya nga ako pati ng mga naturinggan kong pinsan eh.Halos hindi ako pakainin sa isang araw dahil mas importante ang inuutos nila sa akin kesa ang pagkain ko.Makatarungan bang ituring ko silan kamag-anak aber ?
“Alam mo tita bakit hindi mo nalang deretsang sabihin kong anu ang kailangan mo.Nang matapos natong walang kwenta kong pakikipag-usap sayo.Tell me how much do you want ?!” naiirita kong sabi, ramdam kong natahimik sya sa kabilang linya.
Basta pera na talaga ang pinag-uusapan kusang titikim ang bunganga nya.Kahit medyo gipit ako sa pera ngayun, susubukan ko pa ring tulungan sila.Pambayad na rin sa ilang taong pagpapatira nila sa akin at pagpapakain.
Masama lang akong magbitaw ng salita, pero hindi naman ako ganoon kasama para kalimutan sila.They still my family even though ako lang ang nag-iisp na pamilya ko pa rin sila…
“Ahh..kasi Faith si Juhana, kulang ng 6 thousand ang tution nya.Wala kasi akong mauutangan dahil halos lahat na nalapitan ko para maka-graduate lang sya.Wag kang mag-aalala oras na maka-graduate sya at makapag-abroad babayara----“
“Magpapadala ako bukas pero 3 thousand lang ang mapapadala ko dahil gipit din ako ngayun.” Sabi ko. Si Juhana, mabuti at makaka-graduate na rin sya.
Sya lang kasi ang pinsan kong hindi umaapi sa akin.Tinutulungan nya ako palagi noon andoon pa ako sa kanila.Sya ang nagdadala sa akin ng pagkain kapag alam nyang di pa ako kumakain.Napangiti tuloy ako, atleast unti-unti na nyang matutupad ang mga pangarap nya..
“Salamat..salamat talaga Faith wag kang---“ pero hindi ibig sabihing tinutulungan ko sila, hindi na ako pwedeng maging bastos kay tita paminsan-minsa.
Ayan ! binabaan ko sya para malaman nyang hindi porket magpapadala ako ng pera, hindi na ako galit sa kanya.
***
“Uy sinu ‘yung kausap mo kanina bakit ang bastos-bastos mo?” nasa sala kami kumakain ng chichoron habang nanunuod ng horror movie.
Ang close na naming tingnan no ? Pero hindi eh…hindi pa kasi namin magawang ngumiti basta kausap ang isa’t-isa…
“Pakialam mo?” tutok na tutok ako sa tv habang sya naman palipat-lipat ‘yung tingin sat v at sa akin.Anong problema nito ? Masyadong nagagandahan sa akin ? Well…maganda talaga ako kaya nga kahit waitress lang ako sa bar binabalikan ko ng mga customer.Pero sorry nalang sila…hanggang tingin lang sila !
“Ikaw tinatanong kita ng mayo kaya sagutin mo ako ng maayos pwede?! Boyfriend mo na ako ngayun, kaya may karapatan na akong malaman ang lahat-lahat sayo !” Lahat-lahat talaga ? Hindi ba sya kinakabahan sa mga sinasabi nya…
“Pwede ba wag kang assuming na hindi pilit ‘tong relasyon natin ? Teka nga…bakit mo ba talaga ako gustong maging girlfriend huh ?” this humarap ako sa kanya, medyo madilim ‘yung paligid.Since feel na feel namin na nasa sinehan talaga kami.
Hindi ako ang may idea nyan, sya !
“Aish ! Paulit-ulit nalang ba tayo Allison ? Ano bang hindi mo maintindihan sa deal natin ? Gusto ka ngang makipag-sex sayo, maging bedwarmer ka, maging bedmate m---ARAY ! PARA SAAN ‘YUN?!” Pinalo ko kasi sya ng malakas.
Bwesit ! Bedwarmer ? Bedmate ? Makipag-sex sa akin ? Ganun ba talaga sya kaprangka kong magsalita ?! Walang preno, walang stoplight, kung hindi lang siguro madilim.For sure kitang-kita na ‘yung pamumula ng mukha ko !
“Kapal din ng mukha mo no, akala mo talaga sayo ko ibibigay ang virginity ko ?!” Sigaw ko sabay palo ulit sa braso nya ng subrang lakas ! Nanggagaliiti lang kasi ako sag alit eh, feeling ko mapapatay ko sya any minute from now eh.
“Weh di nga ?” Isang malakas ng sampal at sabay sabunot…’yan natahimik tuloy sya.
“Ano may sasabihin ka pa?” alam kong mabigat ang kamay ko once na makasakit ako…
“Ito na wala na akong sasabihin ! Wala na nga diba ?! Sh.t ka ang bigat ng kamay mo ang sakit mong manabunot ! Kung hindi ka lang talaga babae…Aish ang sakit ng ulo ko !”
Ngmamadaling nag-walk out sya iniwanan ako sa harap ng tv.Sakto pagtingin ko sa tv andoon na sa part kong saan pinakatatakutan ng lahat.
“Aaaaaaaahhhhhhh DUSTIN BUMALIK KA DITO !” oo nga pala takot ako sa mga horror movie at kong anu-ano pang kaaswangan jan….
Hindi ko lang pinahalata kanina, para sabihing hindi ako takot.
***
VOTE
COMMENT
And be FAN J
BINABASA MO ANG
Faithed To Desire You
RomanceRated SPG: This story is not suitable for very young and not open-minded readers.Marami pos yang bed scenes at kung ano pa mang kamanyakan sa katawan.So, kung hindi nyu poi to genre…try to look and search for another… Written By: Fantasy_Babe Starte...