Chapter 8 - #karmaisabitch

22 1 1
                                    

Eto na po! Dedicated ulit sa "passionate" kong reader, Oreya25. Enjoy!

Text messages:

Jeff – Just got here sa site, baby. Have a great day in school. I love you!

Angel – Thank you ulit sa paghatid. Ingat ka dyan sa site ha. Mag helmet ka lagi.

Jeff – Hindi ako magsasawa na sunduin at ihatid ka. I always want to be with you, baby.

Angel – O sige na. Magre-review muna ako. ;)

Jeff – I love you, baby. Mwah!

Nakangiting in-exit ni Angel ang messages at lumabas ang wallpaper nya. Sila ni Jeff. Lalo syang napangiti. Ngayon lang sya naging ganito kasaya.

"Nice wallpaper.", pamilyar ang boses sa kanyang likuran.

"Mike! Kanina ka pa ba dyan?"

"Medyo. Yung wallpaper mo lang naman ang nakita ko. You look good together.", sabay upo sa tabi ni Angel.

Hindi mawari ni Angel pero parang may lungkot sa mga mata nito. Gusto sana nyang tanungin ito kung may pinagdadaanan ba itong mabigat pero hangga't maaari ay iniiwasan na nyang magkaron ng communication dito. Ni hindi na nga nya inii-stalk ang FB nito.

"You look happy. I'm happy for you, Angel.", nakatungo pa rin ito at malungkot.

"Mike, are you okay?", hindi na nya napigilan ang sarili. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman sila nito.

Matagal bago nakasagot si Mike.

"Regina is pregnant...at hindi ako ang ama.", tuluyan ng umagos ang mga luha nito.

Wala ng nagawa si Angel. Sa taranta nya, niyakap nya si Mike. Parang batang nagsusumbong sa nanay si Mike at yumakap ng mahigpit kay Angel. Huminto ang mundo ni Angel. Pamilyar ang yakap na yon. Na-miss nya ang mga yakap ni Mike. Mga yakap na hinanap hanap nya ng ilang gabi. Tuluyan na ring bumagsak ang mga luha nya. Hindi dahil naaawa sya kay Mike. Bumalik lahat ng sakit. All the sleepless nights na nilabanan nya mag-isa.

Kumawala sa pagkakayakap si Mike. "I'm sorry. I know you are not the right person. Sobrang hindi ko lang talaga matanggap. Ilang buwan na pala sila ng lalaki nya. Ito na ba ang karma ko, Angel? Sorry sa lahat ng nagawa ko sa'yo. Sana mapatawad mo'ko."

"Actually Mike, hindi ko alam kung anong sasabihin ko o paano ako mag rereact. You have no idea what i have been through to fight all the pain. But i want you to know na napatawad na kita. I know you will find the right girl for you. Matatapos din yang sakit na yan. Kaya mo yan.", hinagod hagod nya ang likod ng binata para kumalma ito.

"Angel! What are you two doing here...together?", takang tanong ni Beatrice. "Late na tayo sa class. Let's go."

.

.

.

Sa klase.

"So ano? Kayo na ulit? Iniyakan ka? Napatawad mo na agad? Pano na si Machete?"

"Huy, wag ka ngang OA. Hindi mo naman alam kung anong nangyari e.", saway ni Angel sa kaibigan.

"So ano nga?"

"Regina is pregnant and he is not the father", pabulong nito kay Beatrice.

"Oh my g! Well, he deserves the karma, "bitch mode on si Beatrice.

"Bes, wag naman ganon. Hayaan na lang natin."

"Hay naku Bes ha! Pag yong lalaking yon nanligaw ulit sayo at binalikan ka, kalimutan mo na rin ako. Wala akong kaibigang tanga."

He Loves Me, He Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon